“Tamang tauhan sa tamang posisyon” ito ang ipinahayag ni BJMP Region 4A Director Jail Senior Supt. Norvel M. Mingoa sa seremonyas ng turn-over of command ng iba’t-ibang piitan sa CALABARZON area. Normal na isinasagawa ang ganitong palitan o rigodon ng mga tauhan upang higit na maging epektibo ang pamamahala sa mga piitan at maiwasan na rin ang sobrang pagkakalapit-lapit ng mga warden at inmates.”Alam ng mga warden ang kanilang katungkulan at pananagutan subalit dahil sa atas ng ating sinumpaang tungkulin bilang mga taga-pangalaga ng mga detinado, ay nararapat na patuloy nating gawin ang ganitong kaparaanan upang tayo’y sumulong at umunlad” dagdag pa ni Director Mingoa.
Napag-alaman na sa 38 piitang nasasakop ng BJMP sa CALABARZON ay 18 nito ang naapektuhan ng re-shuffle at pagpapalit ng mga warden. Sa Lunsod ng Calamba kung saan ang BJMP jail dito ang pangalawa sa pinakamalaki sa buong Calabarzon ay pangangasiwaan ni City Warden Supt. Randel Latoza. Nakilala sa buong kapuluan si Latoza matapos magwagi sa “Papaya Dance Contest” sa Programang Game Ka Na Ba ni Edu Manzano ang mga inmates ng BJMP Quezon District Jail na nasasakop noon ni Supt. Latoza.
Kaugnay nito ay lubos ang naging kasiyahan ni Chief BJMP Jail Director Rosendo M. Dial dahil sa ganang kanya ay tugma ang ganitong pagpapalitan ng pwesto upang higit ang maging kasanayan ng mga warden sa iba’t-ibang piitan ng kagawaran, at maiwasan na rin ang familiarization ng mga inmate at BJMP personnel na minsan ay humahantong sa hindi magandang ugnayan. (Seven Lakes Press Corps)
Tuesday, May 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment