Saturday, January 9, 2010

CIVILIAN VOLUNTEERS NAGBUKLOD PARA TUMULONG SA ADMING VIC AMANTE

Bumuo ang labing-apat (14) na pangulo ng civilian group volunteers ng Lunsod ng San Pablo ng isang samahan upang maging kaisa at kabalikat ng Pamahalaang Lunsod sa pamumuno ni Mayor Vicente Amante at ng San Pablo City Police Station sa pamumuno ni P/Supt Raul Loy Bargamento sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Ang samahang SAN PABLO CITY FORCE MULTIFLIER ASSOCIATION o SPC FORMULA ay binubuo ng Bantay Bayan Foundation Inc., Citizen Crime Watch, Crisgbtoda, GBI Banahaw, GBI Mainstream, GBI SPC, GCWFI, GPII Anti-Crime, GPI Crime Watch Force, Guardian Republican International Inc., Kabalikat Civicom, Prime Movers for Peace & Progress (PRIMO), SPARC at San Pablo Young Riders(SPY Riders) Inc.

Binubuo ang SPC Formula nina SPY Riders Inc. President Marvin Gerard Tunay bilang Presidente ng samahan; City Chairman Bantay Bayan Foundation Inc. Aldin Rubit, Vice-President; GBI Mainstream President Aldrin Steven Doroy, Secretary at P/Supt Raul Bargamento bilang Adviser.

Ang samahang ito ay naglalayong itaas ang antas ng boluntaryong paglilingkod ng iba’t-ibang non-government organization para makatulong sa pag-unlad at pagpapanatili ng katahimikan ng lunsod. (CIO-SPC)
Nilagdaan ni Mayor Vicente Amante nuong January 4, 2009 ang accreditation ng San Pablo City Force Multiflier Association o SPC FORMULA kasama ang iba’t-ibang pangulo ng civilian group volunteers na bumubuo sa nasabing samahan. (CIO-SPC)

MGA MAHAHALAGANG PROYEKTONG NAISAGAWA NI VBA SA TAONG 2009

Sa nakaraang pag-uulat na isinagawa ni Mayor Vicente Amante sa Pagtataas ng Watawat nuong Enero 4, 2010 na ginanap sa PAMANA Hall, City Hall Compound., ilang prayoridad na programa ang kanyang binanggit na malaki ang naitulong sa kaunlaran ng Lunsod ng San Pablo. Ito ay ang serbisyong Pangkalusugan, Edukasyon at Pagawaing Bayan.

Pangunahin dito ang Serbisyong Pangkalusugan tulad ng pagtatayo ng San Pablo City General Hospital at ng City Health Annex Building sa Brgy. San Jose; medicine, burial, hospital at laboratory assistance sa ilalim ng Comprehensive Indigency Assistance Program; libreng gamot at examination sa may 17,000 pasyente sa Main Dispensary Service ng City Health Office; kumpletong bakuna sa may 5,000 bata na may edad 0-11 buwan laban sa BCG, Diptheria, Pertussis, Tetanus, Oral Polio, Hepatitis B at Measles; Operation Timbang sa may 37,000 bata; sa Garantisadong Pambata na edad 0-72 buwan mahigit sa 35,000 ang nabigyan ng vitamin A at 26,000 naman ang napurga; 207 pasyente ang napagaling sa sakit na tuberculosis; 1,000 ang na-examine laban sa mga sexually transmitted diseases kung saan 800 ang nabigyan ng lunas; 12,000 ang nabigyan ng dental care and services; 39,000 na kabahayan ang may kumpletong basic sanitation facilitation; at 3,000 ang nabigyan ng medical at dental services ng Mobile Clinic sa iba’t-ibang barangay.

Sa larangan naman ng edukasyon ay marami ng awards at pagkilala ang nakuha ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo. Nagkamit ng 13 major awards ang mga mag-aaral ng Sinag Staff ng DLSP sa Regional Higher Education Press Conference for 2009-2010 na ginanap sa Lucban, Quezon at sa 8th Luzon-Wide Higher Education Press Conference sa Puerto Princesa, Palawan; 26 mag-aaral ang nakapagtapos na sa San Pablo City Science High School; 476 mag-aaral ang napagtapos sa DLSP sa mga kursong Economics, Psychology, Business Administration, Elementary Education, Secondary Education, Diploma In Hotel & Restaurant Management At Information Technology at mga Technical Vocational Courses tulad ng Automotive Mechanics, Consumer Electrical at Computer Hardware Servicing; upgrading ng science laboratory equipment at medical at dental equipment, additional computers, additional books at periodicals sa DLSP at pagtatayo ng mga classroom building.

Sa mga Pagawaing Bayan naman ay ang installation ng water supply, electrical power/lights, fences at construction ng doctor’s clinic sa SPC General Hospital; rehabilitasyon ng dumpsite at ng materials recovery facility; concreting ng mga kalsada ng barangays Sta. Isabel at Sto. Cristo; construction ng City Engineering Building; construction ng pathway sa Brgy. Stmo. Rosario; rehabilitasyon ng tulay ng Brgy. Bautista at rehabilitasyon ng mga Barangay Halls sa IV-C, San Gregorio at Bautista. (CIO-SPC)

Sunday, January 3, 2010

MTS. BANAHAW AND SAN CRISTOBAL ARE NOW A PROTECTED LANDSCAPE

A ranking leader at the House of Representatives has welcomed the signing of Republic Act 9847, declaring Mt. Banahaw and Mt. San Cristobal in Quezon Province as protected areas, saying it will institutionalize and ensure the protection of both mountains.

Quezon Rep. Proceso J. Alcala, author of the proposed measure, said RA 9847, which was signed into law on Dec. 11 by President Gloria Macapagal-Arroyo, could be replicated in the various regions and provinces of the country.

The new law features a sustainable conservation and management system for the rich biodiversity found in Mts. Banahaw and San Cristobal, their eco-tourism potentials, and the rich cultural and religious heritage found in their periphery, he said.

"This is another triumph for our environment. I encourage fellow policymakers and environmentalists alike to join hands in saving our environment, especially our rain forests. This is just one of the many ways we can contribute to worldwide efforts to save our planet," he said.

Alcala also thanked but humbly declined the proposal that he be appointed head of the body that will supervise the two mountains.

"To the President, and my colleagues in the House and the Senate, my part as lawmaker has been played. And as one of its proponents, I think, if offered, it’s improper to accept such position. But, as a citizen, it is my duty to help in any which way I can," the Quezon congressman said.

"I feel honored, but being the author of Banahaw bill I think disqualifies me for such a job as it would appear self-serving," he said.

Hobart Dator Jr., president of the 'Save Quezon Province Movement,' has recommended to the President to appoint Alcala as head of the body following the latter’s announcement that he would return to private life.

Alcala said the law granted to the Protected Area Management Board (PAMB) the management of the area.

"The challenge is now passed not only onto the PAMB, but more so onto the shoulders of the stakeholders who stand to benefit from the bounty of a well-safeguarded ecological treasure," he said.

Mts. Banahaw and San Cristobal serve as home to a rich variety of flora and fauna, as a water source of the different communities surrounding it, and as a shield against storms constantly hitting the province yearly. (PNA)

PAGBANGON

Sasalubong ang mga Pinoy sa papasok na bagong taon sa sitwasyong ang lahat ay nasa pinakamababang antas na kalagayan sanhi ng mga nagdaang krisis ekonomiko na gumimbal sa buong mundo at mga kalamidad na sumubok sa ating katatagan.

Ang naranasan ng mga Pinoy ng nagdaang 2009 ay maituturing na labis na pasakit at masasabing sobrang parusa subalit para sa isang dakilang lahi na hindi marunong magpalupig ay nakangiti pa ring sumasalubong sa mga pagsubok na dala ng papasok na 2010.

Tulad ng mga Instsik na itinuring na magandang pagkakataon ang bawat trahedya upang magbangon, ang mga Pinoy ay pinagyayaman ang panahon ng kawalan para sa isang bagong simula sabihin mang hindi makatwiran ang paghahambing sapakat hindi lubusang sumuko ang mga Pinoy sa mga krisis at mga nagdaang kalamidad.

Nakangiti at nananatiling nakatayo ay hindi naman maikakailang nasa ilalim tayo ng pinakamababang kalagayan na lubhang kalunos-lunos, na pinatutunayan ng isang nagdudumilat na katotohanan na nangangailangan ng agarang pagkilos.

Positibo nating harapin ang mga suliraning maiiwan ng nagdaang taon, magtulong-tulong upang pagaanin ang mga gawain tungo sa pagkakaroon ng kagyat na solusyon upang mas maaga tayong makaahon sa ating kinasadlakan, at muli nating patunayan ang husay ng lahing kayumanggi sa pagsapit ng 2010. (TRIBUNE POST)

KAPATIRANG LINGAP SA NAYON, NAG-KOMBENSYON

Victoria, Laguna - Humigit kumulang sa dalawang libong delegado ang dumalo sa isinagawang kombensyon dito ng Kapatirang Lingap sa Nayon na nagbuhat sa 27 bayan at 3 lunsod ng lalawigang ito kamakailan.

Layunin ng pagpupulong na maitanghal ang isang panglalawigang pamahalaang malinis na malinis na makatutugon sa pangangailangan ng bayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng maka-Diyos at makataong gobyerno at paglalagay sa tungkulin ng mga personaheng may sapat na kakayanan.

Ang Kapatirang Lingap sa Nayon ay nabuo noon pang si Sec. Jose D. Lina ang gobernador ng lalawigan sa loob ng dalawang termino na siyang gumabay sa kanyang panunungkulan sanhi upang matamo ng probinsya ang ibayong kaunlaran.

Nagsisilbi ring tagapag-ugnay ang kapatran sa pagitan ng tanggapan ng gobernador at mga barangay kung kaya’t madaliang nabibigyan ng lunas ang bawat suliraning nangangailangan ng agarang atensyon.

Bukod s mga delegado ay dumalo rin sa pagtitipon sina 3rd District Congresswoman Ivy Arago na nangako ng buong suporta sa pagbabalik ni Gob. Lina, Atty. Hizon Arago, SPCWD Director Armando Lozada, Gng. Eva R. Arago, Lenny Carreon, mga opisyal ng Liberal Party at mga political leader ng gobernador sa mga bayan-bayan, lunsod at mga barangay ng lalawigan.


Si Lina ang kandidatong opisyal ng Partido Liberal sa lalawigang ito.

ANG LIHIM NG SEDERA

Hindi na sana papatulan ng pitak na ito ang isyu ng sedera sa kabila ng maraming paghimok na isulat ko ang balita sa likod ng isyung ito sapagkat medyo naka-disappoint na malaman ang katotohanang nakapaloob dito tulad ng natuklasan natin nang nakalipas na taon, kung saan nasangkot ang Sangguniang Panlunsod.

Masakit ang katotohanang natuklasan natin noon, na para lubusang maintindihan ng madlang tagasubaybay ng Sandstone ay ating sariwain.

Ganito ring panahon nang magtayo ng sedera sa plaza ng lunsod na mahigpit na tinutulan nina Vice Mayor Martin Ilagan at yumaong Kon. Danny Yang (D.Y.). Pinapurihan pa ang dalawa ng ating parish priest dahil sa pagpipilit na malipat ang nasabing sedera sa Doña Leonila Park sa gawi ng Sampaloc Lake, lalo pa ng ito ay maisakatuparan.

Ang problema ay ilang araw lang ay muling napabalik ang sedera sa plaza na ipinag-ngitngit ng nag-iisa nang si D.Y.. Naiwan ang konsehal sa pakikipaglaban na nagresulta sa isang privilege speech, na susundan pa sana ng isa pa upang ibigay ang detalye ngunit sa manipulasyon ng presiding officer ay nagawang hindi mabigkas.

Bilang isang mediaman ay nagsagawa ako ng sariling pagsisiyasat upang mabatid ang dalisay na katotohanan, na sa tiyaga ay atin namang natuklasan sa pamamagitan ng pagtatatagni-tagni sa mga text messages at video na tumambad sa atin.

Malinaw pa sa sikat ng araw na nagkasuhulan upang mabalik ang sedera sa plaza ng lunsod, katunayan ay dalawang ulit nanghingi sa operator ang mga sangkot sa usapin. At ang transaksyon ay nangyari sa isang bookstore na pag-aari ng nasangkot.

Ngayon ay para sa higit na ikalilinaw ay dapat ninyong mabatid ang mga hindi tumanggap ng pera sa sedera. Tahasan kung masasabi na hindi tumanggap sina Kon. Pamboy, Kon. Gener, Kon. Dante, SK Tintin at Kon.D.Y. Nagpatuloy ng pakikipaglaban si Kon. D.Y at isa ito sa mga angulong tinitingnan ng pulisya bilang motibo sa pagkakapaslang sa kanya.

Kung nalinaw natin ang mga hindi tumanggap ay dapat din nating alamin kung sino-sino naman ang nagsitanggap subalit baka ngayo’y naglilinis-linisan na. Para sa karagdagan linaw ay makakabuting tanungin natin ang SP ng San Pablo City. tanungin natin sina Kon. Chad Pavico, Kon. Jojo Biglete at Vice-Mayor Martin Ilagan, at baka may nalalaman sila sa mga bagay na ito. (SANDY BELARMINO)