Friday, December 10, 2010

DOST AWARDEE

Si Tribune Post Columnist at Vice President ng Seven Lakes Press Corps Sandy Belarmino habang tinatanggap ang plake ng pagkilala ng Department of Science and Technology (DOST) mula kay G. Ronald Liboro habang nakamasid si DOST 4A Regional Director Dr. Alexander Madrigal. (JONATHAN ANINGALAN- cio spc)

PINOY APRUB NG BAYAN

Mataas pa rin ang tiwala ng sambayanang Pilipino kay Pnoy batay sa pinakahuling resulta ng survey ng Pulse Asia, sa kabila ng walang patumanggang batikos ng mga kritiko sa kanyang administrasyon na kadalasa’y walang basehan.

Nagtagumpay man ang kanyang mga kritiko na matapyasan ang dating 88% trust rating ay masasabing nasa pinamakataas pa rin ito kumpara sa marami nating opisyal ng pamahalaan, kaya maituturing na hindi nawawala sa pangulo ang tiwala ng mga karaniwang mamamayan.

Kung anu-ano kasi ang mga batikos sa pangulo nitong mga nagdaang buwan kabilang na ang mainit na tinatalakay sa Kongreso at Senado na Reproduction Health Bill na saan mo man silipin ay wala siyang kinalaman sapagkat ang panukala ay nasa lehislatibong sangay at wala pa sa executive branch.

Ang ating mga kaparian ay humantong pa sa sukdulan ng pagbabanta ng excommunication laban kay Pnoy na para bang sila lang ang tanging itinalaga ng Maykapal dito sa lupa upang magbawal sa tao na sambahin ang Banal na Pangalan ng Diyos.

Ganoon din ang nangyaring hostage drama na naging kalunoslunos ang kinahantungan na isa lang police matter at pilit iniuugnay sa pangulo, na tila baga inuudyukan si Pnoy na i-micro manage ang maliliit na detalye ng isang bagay.

Naglitawan rin ang mga guro, istudyante at mga tagapamahala ng ating mga state universities and colleges na nag-aakusa sa Malakanyang na binawasan daw ang kanilang mga budget, ganoon sa paliwanag ni Sen. Franklin Drilon ay nadagdagan pa nga ito, dahil ang katotohanan ay ang mga congressional insertion lang ang inalis dahil hindi naman talaga ito na-realized o nagamit sanhi sa kakapusan ng pondo ng nagdaang administrasyon.

Nandiyan din ang walang tigil na protesta ng mga militanteng grupo na pilit iniugnay si Pnoy sa kanilang kahirapan ganoong iilan pang-buwan ang pangulo sa panunungkulan. Salamat na lamang at mangilan-ngilan ang kanilang nahihimok katunayan ay mas marami pa ang placard kaysa sa nagpoprotesta.

Sa kabila ng lahat ng ito ay naging matalino ang taumbayan at nagtamo si Pnoy ng 79% trust rating, 3% ang hindi sumasang-ayon at 18% ang walang tuwirang opinion.(SANDY BELARMINO)

CONGRESSWOMAN'S NIGHT SA ENERO 16, BAHAGI NG COCOFEST 2011

San Pablo City, Laguna – Tulad nang nakagawian kaugnay sa kanyang kaarawan ay muling magkakaroon ng Congresswoman’s Night sa huling bahagi ng taunang Coconut Festival sa Enero 16, 2011 sa lunsod na ito.

Matatandaang ang paghahandog ng panoorin sa mga kababayan ay nasimulan na ni Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago noong siya ay isang konsehala pa lamang ng lunsod na ngayo’y taunan niyang itinataguyod sa tulong ng mga kaibigan mula sa pinilakang tabing, telebisyon at tanghalan.

Ang Congresswoman’s Night ay kabilang sa mga unang gawain ng mambabatas upang salubungin ang bagong taon sa paniniwalang mas maaliwalas ang takbo ng buhay ng taumbayan kung mawawalan ng puwang ang lungkot sa susunod pang mga araw ng taon.

Ito rin ang nasa likod kung paano binabalangkas ni Rep. Arago ang paghahanay ng kanyang mga programa upang higit na makinabang ang mas nakararami sa distrito.

US AMBASSADOR VISITS QUEZON

Tiaong, Quezon – A warm welcome greeted United States Ambassador Harry K. Thomas, Jr. on his arrival for a visit on the invitation of a Fulbright scholar here this morning.

On hand to meet the ambassador were Quezon Governor Jayjay Suarez, Mayor Rederick S. Umali, Division of Schools Assistant Superintendent Aniano Ogayon, District Supervisor Elizabeth de Villa, Barangay officials, Lusacan National High School principal Juana V. Villaverde along with her teaching staff and students.

The ambassador was invited by Sammy Luces, an alumnus of the US Government funded International Leadership in Education Program of the Philippine-American Foundation (PAEF) that brings teachers around the globe to United States to learn the latest advancement in educational methodology and policy for development of leadership skills that will be helpful on the implementation and promotion of change in their respective schools and communities.

Luces who took the course at Kent State University was praised by Thomas for coming back as the scholar can conveniently stay at US for economic advancement yet chose to return teaching at LNHS.

Thomas also impart to students the importance of education and encouraged them to dream to get the job of their choice that will enable each one to climb greater heights. He also promised to facilitate a request to US-AID to promote education in Quezon in form of infrastructure.

Meanwhile, Suarez invited the ambassador to visit the province more often as he pledged LNHS an airconditioned classroom as part of his computer literacy advocacies in the school division of Quezon.

LAKAN AT MUTYA NG SAN PABLO, TAMPOK SA COCOFEST 2011

San Pablo City, Laguna- Bukod sa mardi gras, beer plaze at gabi-gabing pagtatanghal sa liwasang lunsod ay magiging tampok rin ang timapalak kagandahang Lakan at Mutya ng San Pablo sa gaganaping Coconut Festival sa Enero 8-16 sa susunod na taon.

Ngayon pa lang ay lubusan na ang ginagawang paghahanda ukol dito makaraang mapili ang tig-15 finalist sa isinagawang elimination round kamakailang sa tulong ng Circle of Fashion Designers ng lunsod na binubuo nina Archie Fandiño, Chris Gamo, Raul Eje, Chiva Siason, Jenny Belen, Nikki Hernandez, Louie Pangilinan at Atang Concibido.

Sa 15 pares ng contestant ay lima ang mananalo ng major prize kung saan magtutunggali sa titulong Lakan at Mutya, Mr and Miss Cocofest at Ginoo at Bb. San Pablo, samantalang ang dalawa ang tatayong runner-up.

Iba’t ibang uri ng award ang naghihintay sa mga candidates ayon kay Concibido, batay sa kani-kanilang katangian at performance tulad ng Ms. Talent, Photogenic, Darling of the Press, Best in Gown, Best in Swim Wear at marami pang iba na ipagkakaloob ng mga beauty products na tumatayong sponsors.

Ang mga lakan candidates na magtatagisan sa kisig at talino ay sina Aaron Joshua V. Carada, Allerson Exconde, Marvin A. Plazo, Jerome Lormeda, John Brett Shanty M. Tiongson, Jos Mari C. Gipal, San Kirvin Reyes, Ezekiel Almanza, Mark B. Dikitan, Jayvee C. Dimaano, Jerahmeel Tolentino, Mark Joseph Simon, Whilmart Dave A. Camado, Timothy Benedict Anastacio at Leslie Enero.

Samantalang ang mga dilag sa Mutya ay sina Charisse B. Bueser, Glady’s Bernardino, Angele Coline V. Quitain, Jaziel C. Cuenca, Mariz Ysabelle Amante, Jellence S. Macatangay, Marie Anthonette B. Alimagno, Angelica Oba, Darian Michaela Bajade, Jam Kenneth Manahan, Angelica Carandang, Carmela A. Alvarez, Jennifer M. Jarique. Charmaine L. Cortez at Mari Karlette L. Espinosa.

Nakatakdang gawin ang coronation night sa Enero 12, 2011 at ang magwawaging mutya ayon kay pageant director Egay Victorio ay ang magiging opisyal na kinatawan ng lunsod sa taunang Anilag Festival ng lalawigan.

Nagsimula ang Coconut Festival labing-anim na taon nang nakalilipas bilang proyekto ni Mayor Vicente B. Amante at ngayo’y pinamamahalaan ni City Administrator Loreto “Amben” Amante sa tulong ng mga NGO, civic groups at mga bahay kalakal sa lunsod.

PASKO 2010 SA CALAMBA, ISANG BUWANG IPAGDIRIWANG

Tatagal sa isang buwan ang pagdiriwang ng Pasko sa lunsod na ito bilang handog ni Mayor Joaquin “Jun” Chipeco at Sangguniang Panlunsod sa mga Calambeño ngayong Disyembre at darating na buwan ng Enero 2011.

Ang Pasko sa Calamba 2010 ni Mayor Chipeco ay may temang “Nagpupuri, Nagmamahal at Nagbibigay”, at katulong ng alkalde sa programang ito ang DepEd Calamba, mga NGO’s, mga barangay chairman at mga department head ng kapitolyo.

Opisyal na sinimulan ito sa pagpapailaw ng mga Christmas tree sa Brgy. Punta para sa Calamba Upland Barangay Association (CUBA) at Brgy. Canlubang Disyembre 3 at sa Pamilihang Panlunsod, Baywalk ng PALISAM (Brgys Pangingan, Lingga at Sampiruhan) at City Plaza noong Disyembre 4.

Ngunit bago rito ay napasimulan na ni Mayor Chipeco ang pamamahagi ng hygiene kit sa mga piling paaralan ng lunsod mula Disyembre 1 na magtatagal hangang Disyembre 14, nakapagtaguyod ng JOBS FAIR noong Disyembre 4, at nailunsad ang food fair sa City Plaza Disyembre 5 hanggang Disyembre 30.

Ang iba pang naka-programa sa Tanggapan ng Alkalde ay ang mga sumusunod: Disyembre 8, Christmas Party for special children; Disyembre 8, kasalang bayan; Disyembre 10, caroling sa City Jail at Bahay ni Maria; Disyembre 13, Tulayaw/Sayawit sa City Plaza, Disyembre 14, street dancing at Disyembre 15-16, SAGIP (Share a Gift).

Samantala, ayon kay City Information Officer Chris Sanjie ay may gabi-gabi ring pagtatanghal na ihahandog si Mayor Chipeco sa City Plaza mula Disyembre 16, DepEd elementary schools; Disyembre 17, DepEd secondary schools; Disyembre 18, CAPRISAA I; Disyembre 19, CAPRISAA II; Disyembre 20, Lions Club/Rotary Club; Disyembre 21, DILG/SK/ABC; at Disyembre 22, City Government/City College,

Napag-alamang ang mga programa ay nailunsad bilang pagtanaw ng utang na loob ng alkalde sa mga Calambeño na patuloy na naniniwala sa kanyang liderato at sa walang hanggang pagsuporta ng mga ito sa kanyang anak na si Laguna 2nd District Congressman Timmy Chipeco.