Saturday, September 13, 2008

REPORT ON DENGUE FEVER

SAN PABLO CITY — The efforts of the city government in curbing the spread of dengue in the city seemed to have yielded fruits.

City Health Officer Job D. Brion reported a decrease in dengue cases in the month of July, compared to the same period last year. They reported that there were 107 suspected dengue cases from January to August of this year, a 30 percent drop from the 153 suspected dengue cases reported in the same period last year (2007).

Dr. Nida E. Glorioso, the medical specialist designated to head the Disease Surveillance Unit said the decrease could be due to the extensive information campaign in the barangays, which she hopes will translate to a reduction in dengue cases in the coming months.

Following the trend last year, Dr. Glorioso said they expect dengue cases to rise starting this month until December owing to the rainy season. (ret/7 Lakes Press Corps)

Friday, September 12, 2008

UPC, KINILALA BILANG NGO

San Pablo City - Mas naging aktibo ang United Pastors Council (UPC) sa pagsusulong ng kagalingang pambayan nang pagtibayin ng Sangguniang Panlunsod (SP) dito ang pagkilala sa naturang samahan bilang isang NGO (Non-Government Organization) ilang linggo na ang nakararaan.

Ang UPC ay bukluran ng mga pastor at ebanghelista sa Lalawigan ng Laguna, na bukod sa pangangaral ng ebanghelyo ay sangkot din sa mga gawaing sibiko.

Sa Resolusyon Blg. 2008-323 na pinagtibay ng SP ay naging ganap ang pagkilala sa UPC bilang isang NGO, na kasing kahulugan ng pagkakaroon nito ng juridical personality. Ang panukala ay inakda nina Kon. Pol Colago, Chad Pavico at Gel Adriano.

Ayon kay Pastor Rico Albanio, pangulo ng UPC, ay itinuturing nilang isang hamon ang naturang recognition ng SP upang higit pang pag-ibayuhin ang pagtulong sa mga kababayan.

Bago rito ay buong kasiglahan nang pinangungunahan ng UPC ang lahat ng panalanging bayan tulad ng Blessing the City, National Bible Week Celebration at pagtataguyod ng mga programang cultural at mga sibikong gawain sa lunsod at mga karatig bayan. (Seven Lakes Press Corps)

ANG IBIG IPAKAHULUGAN

Palaisipan sa may-akda ang katagang Hinog sa Panahon, at hanggang sa ngayon ay inihahanap ko ng kasagutan. Sa maraming pagkakataon ay madalas natin itong naririnig na kalimitang iniaangkop sa mga personaheng lingkod bayan, lalo na sa panahong nagnanais ang mga ito sa mas mataas na katungkulan.

Si Vice-Governor Ramil Hernandez ay marami ang nagsasabing hinog na sa panahon, kay Senior Board Member Karen Agapay ay ganoon din, kay Cong. Ivy Arago at kay Vice-Mayor Martin Ilagan ay naipapang-uri din ang mga nasabing kataga. Napapa-angkop rin ito sa iba pang lingkod bayan na marahil ang ibig nilang sabihin ay subok na.

Maaari ngang ito ang nais nilang ipakahulugan subalit hindi naman sa lahat ng personalidad dahil may mga lingkod bayan tayong kung turingan ay madaling lapitan subalit iyon nga lang mahirap matagpuan. Sa isang banda ay maaaring ang ibig nilang sabihin ay kwalipikado sa tinitingalang pwesto sakaling magkakaroon ng halalan.

Sinasang-ayunan ng may akda ang huling nasabing punto sapagkat napaka-simple ang maging kwalipikado dahil pinadali ng batas ang mga sangkap na katangian ukol dito. Edad at Filipino Citizenship lang ang problema minsan. Ang tadhanaing “able to read and write” ay wala tayong nakikitang problema, dahil si “Tuldok” man na pagala-gala sa City Hall ni Pablo’y ay makakaya itong lampasan sapagkat ito ay maghapong basa nang basa at sulat nang sulat!

Ang mahirap na pagsusulit bagama’t hindi itinatadhana ng batas pang-eleksyon, ay ang pagkakaroon ng isang tao ng kredibilidad at sinsiridad. Marami ang nakasisigurong lalagpak dito kung kaya nga hindi na isinama ng mga nagbalangkas ng batas ay upang hindi mapagkaitan ang kanilang sarili.

Ano ba ang kredibilidad at sinsiridad? Kapag nag-yes ang iyong kausap na ibig sabihin ay OO at ginawan ng paraan upang makatulong at matupad ang ipinangako, aba kredebilidad itong matatawag. Panalo ang taumbayan kapag ang isang lider ay kahalintulad nito.

Saka-sakali namang manghihingi ka ng tulong at ang nilapitan mo’y naubusan na sa dami ng lumalapit tulad ni City Admin LORETO “AMBEN” AMANTE, na-nag-a-advance sa suswelduhin upang hindi umuwing luhaan aba’y sinsiridad sa pagtulong ang tawag naman dito. Ang lingkod bayan na si City Admin Amben ang matatawag na “madaling mahinog ng panahon.” Siguro’y ito na nga ang ibig nilang ipakahulugan. (SANDY BELARMINO/VP-Seven Lakes Press Corps)



Nasa mga larawan ang opisyales at mga tauhan ng CARD MRI nang ang mga ito'y dumalo sa isinagawang pagpaparangal ng 2008 Ramon Magsaysay Foundation Award bilang Best in Public Service noong nakaraang Agosto 31. Naitatag ang CARD MRI dito sa Lunsod ng San Pablo noong December 1986.


Wednesday, September 10, 2008

WOMEN POWER

Nasa larawan sina (L-R) San Pablo City Treasurer Fredalyn A. Rubio, City Budget Officer Dormelita D. Ignacio, Human Resource Officer Elvira A. Celerio, City Accountant Lolita G, Cornista at Sangguniang Panlunsod Secretary Elenita D. Capuno. Kuha ang larawan bago magsimula ang regular na pagpupulong ng mga department head ng Lunsod ng San Pablo kung saan ay 25 porsiento ng mga namumuno ay mga kababaihan. Wala sa larawan sina OSWD Officer Grace Adap at City Veterinarian Farah Jean Orsolino. (Pedrito Bigueras/cio)

KARAPATANG PAMBATA, TINALAKAY NG CAPIN

San Pablo City - Tinalakay ng Child Abuse Prevention and Intervention Network (CAPIN) ang karapatang pambata at tadhanain ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (RA9208) sa isinagawang two-day convention na nagwakas kahapon sa lunsod na ito.

Kinatawan ni Administrator Loreto “Amben” Amante si City Mayor Vicente B. Amante sa naturang kombensyon bilang chairman ng CAPIN, na pinangunahan ng Office of Social Welfre and Development (OSWD), Philippine National Police (PNP-San Pablo), Open Heart Foundation at mga miyembrong barangay chairmen ng lunsod.

Sa talakayan ay nagkaroon ng oryentasyon ukol sa Children’s Rights at RA 9208 kung saan tinukoy ang perspektibong legal at tungkuling dapat gampanan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Binalangkas din sa nasabing kombensyon ang estratihiya upang ganap na maiwasang malabag ang karapatang pambata at mga paraan upang maparusahan ang mga lalabag dito.

Napagkasunduan sa pagtatapos ng pagpupulong ang mga paraan kung paano tutulungan ang mga batang biktima at paano papawiin sa isip ang kalupitang kanilang sinapit.

Naging punong abala si OSWD Officer Grace Adap, Sasa Adajar, Myla Estrada at Rhoda Bondad. Kumatawan sa PNP si Inspector Rolando Libed, at sina Fe Realon at Derrick Zonio sa Open Heart Foundation.

Sa panig ng mga Barangay Chairmen ay nakiisa rin sina Chairman Daniel Asejo ng Sta. Monica at Pablito Atienza ng Bagong Pook at mga kagawad ng iba’t-ibang barangay ng lunsod na ito. (NANI CORTEZ)

CARD MRI FOUNDER, DANGAL NG SAN PABLO


Si Dr. Jaime Aristotle B. Alip ng Barangay San Cristobal, Lunsod ng San Pablo, matapos tanggapin ang Ramon Magsaysay Foundation Award for Public Service ng Center for Agriculture and Rural Development Mutually Reinforcing Institution (CARD MRI). Si Dr. Alip kasama sina Dolores M. Torres, Lorenza T. Bañez at iba pang mga rural workers ay ang mga nangunang mga personahe at opisyales ng CARD MRI upang ang naturang institution ay mapalawak at lumago sa kapakinabangan ng 770,000 mga kaanib, 3,500 mga tauhan, mahigit na 600 sangay sa buong kapuluan at 3 milyong mga maralitang nakasiguro sa kasalukuyan. Gamit ang unang puhunang 20 piso at isang lumang makinilya ay naitatag ang CARD MRI sa Lunsod ng San Pablo noong December, 1986.. (Sandy Belarmino)

Monday, September 8, 2008

WHEN AFP COLONES MEET

Even at cocktail internal security is the favorite topic whenever AFP colonels meet, and this one was no exception. At far left is 202nd BDE Deputy Commander Col Visaya, Asst. Provincial Fiscal and Lt. Col. Florante “Ante” Gonzales and 202nd BDE Commander Col Tristan Kison. (NANI CORTEZ)

WELCOME TO THE PARTY

Sina 202nd BDE Commander Col. Tristan Kison (3rd from left) at Deputy Commander Col. Visaya (far right) habang masayang sinalubong ang mga panauhing mediamen na sina Arvin Carandang, Ruben Taningco, Sandy Belarmino, Paul Gutierrez at Gil Aman sa idinaos na cocktail party ng nasabing brigada sa Sulyap Café noong nakaraang Biyernes. (NANI CORTEZ/Pres. 7 Lakes Press Corps)