Minsan na siyang nailarawan bilang labi ng isang pakikibaka sa buhay, na makaraan ang labanan ay muling nakatayo upang sa isa pang pagkakataon ay harapin pa ang ibayong hamon ng makatotohanang pakikipagsapalaran.
Panahon ang nagtandis sa kanyang isipan kung saan matimong napanday ang matibay na pangangatwiran, na siyang naging susi upang makawala sa masalimuot na daigdig na dati niyang ginagalawan. Lumikha siya ng bagong mundo sa pamamagitan ng natuklasan niyang daan.
Siya si Romy Evangelista, ang aking “Tatay Palasig” na palagi kong bukambibig upang ipagmalaki, kaipala’y para ipagbanduhan sa lahat na ako’y bahagi na ng kanyang buhay, at ang mga natutunan ko buhat sa kanya ay pawang makabuluhan na palagian nang magiging gabay habang ako’y nabubuhay.
Magkaganoon man ay hindi naging kasing dali bago kami nagkapalagayang loob ni Tatay Palasig, palibahasa’y sa kwadradong mesa ng madyungan kami unang nagkita. Ang eksena’y kinakailangang gamitan ng talas ng isipan subali’t bukod diya’y may kakaiba siyang sandata – ang talim ng kanyang paningin na marahil ay binabasa ang mga gagawin kong hakbang sa pakikipagsugal. Ganito kami nagkakilala at dito rin nagsimula ang aming pagiging magka-tribo!
Dahil kung baga sa kawayan ay taga sa panahon at batid ni Tatay Palasig ang nararapat gawin sa tulad kong bago niyang kaibigan. Ginawa niya ang lahat ng wasto’t naaangkop. Sa pamamagitan niya ay “nabigyan ng tahanan ang aking panulat” kaya nga’t ang pitak na ito at ang mangilan-ngilang sumusubaybay dito ay nagkakaroon ng malayang talastasan sa ngayon.
Sa kung paano abot-langit ang pasasalamat ng kanyang mga anak na pawang propesyunal na’t naninirahan na sa ibayong dagat, kay Palasig ay sukdol pa ang utang na loob ng may-akda sa ginawa niyang pag-ampon sa akin. Hindi makasasapat ang mga mapamuring salita sa Balarilang Pilipino upang mailarawan ko ang taus-pusong pasasalamat.
Ano pa’t sa pagdaan ng panahon ay higit ko siyang nakikilala. Hindi siya naghihintay ng kapalit ni ng kabayaran sapagkat para sa kanya’y ang pagtulong ay isang tungkulin. Masaya na siya na siya’y mapasalamatan at maligaya kung ang tulong na naipaabot ay nagdulot ng kapakinabangan sa kanyang pinagbigyan.
Ito po ang makatao at maka-Diyos na si Palasig, isang ulirang ama at asawa, mabuting kaibigan, matapat na kasama at “Birthday Boy” last January 1. Belated Happy Birthday Tatay! (SANDY BELARMINO/Vice-President, Seven Lakes Press Corps)
Saturday, January 3, 2009
Friday, January 2, 2009
FILIPINO CONSUMERS, BAGONG BAYANI
Kung magpapatuloy ang masiglang pagtugon ng mga Filipino consumer ngayong Disyembre hanggang sa susunod na taon sa ating mga pamilihan ay nakatitiyak na maliligtas ang bansa sa economic recession at hindi magkakaroon ng gaanong epekto ang pinangangambahang world wide economic crisis sakali mang umabot ito sa Pilipinas.
Lingid sa nakararaming Pinoy patrikular ang mga consumer ay napakalaking kabayanihan ang kanilang naiambag sa ating ekonomiya sa pagtungo sa ating mga merkado upang mamili hindi lamang ng mga basic necessities manapa’y ng mga bagay na maituturing na luxury goods.
Kung sabagay ay manipis naman ang pagitan ng mga basic products at luxury goods sa ngayon sapagkat ito’y kapwa bahagi na ng ating pangunahing pangangailangan. Basic sa atin ang mga produktong nasa ilalim ng food shelter at clothing na talagang kailangan ng tao subalit paano mo naman matatawaran ang naitutulong ng iba pang mga produkto tulad ng cell phone, home appliances at sa isang banda’y sasakyan tulad ng bisikleta o motorsiklo?
Wala nang magiging pagtatangi sa mga nasabing produkto sa kahalagahan dahil parehong kailangang-kailangan natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mahalaga ay taglay ng mga produktong ito ang halina na aakit sa mga konsyumer upang magtungo sa mga pamilihan. At ang kasiglahang ito ay nararapat samantalahin ng ating pamahalaan.
May suliranin tayong nasisilip hinggil sa pagkukulang ng ating gobyerno, sapagkat hanggang sa ngayong magtatapos na ang taong 2008 ay hindi pa rin ratipikado ang ating 2009 National Budget. Magdudulot ito ng trapik kung baga dahil maaantala ang maraming pagawaing bayan na tumutulong sa maayos na daloy ng pananalapi ng bansa.
Nakapaloob sa budget ng gobyerno ang industriya ng construction business na kapag sinimulan ang isang proyekto ay nakikinabang din ang marami pang industriyang nakapailalim dito. Ganito kasimple ang naging pagkukulang ng ating mga mambabatas na ikalulugmok ng ating ekonomiya sa unang tatlong linggo ng Enero 2009 – sapagkat kahit paano ay pigil nito ang sirkulasyon ng pera sa ating pamilihan.
Pansamantala ay ang call of the hour para sa ating ekonomiya ang iba pang bahagi ng Filipino Consumer- ang nakararaming karaniwang mamamayan. Ipagpatuloy sana ninyo ang kakaibang siglang inihahandog sa ating mga pamilihan. Keep on buying and give your share to our economy.(NANI CORTEZ/pres. SLPC)

BEER PLAZA NG COCONUT FESTIVAL
Gaya ng nakaugalian, itatampok sa 14th Coconut Festival and Street Dancing Competition o Mardi Gras 2009 sa darating na Enero 9 - 15, na iniuugnay sa pagdiriwang ng ika-413 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Parokya ni San Pablo, Ang Unang Ermitanyo, ang gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale Pilsen sang-ayon kay City Administrator Loreto S. Amante, over-all chairman ng Cocofest 2009 Executive Committee.
Hindi na maiiwasan ang pagtatampok sa beer plaza, sapagka’t ito ay bahagi na ng kulturang umiiral sa noon ay Munisipyo ng San Pablo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan pag may ginugunitang kapistahan ay nagtatayo ng maliliit na tindahan na nag-aalok ng inuming cerveza, at pulutang “kinilaw na hipong Palakpakin” Tinatawag noon ang mga maliit ng inuman na “pundahan.” Kung kapistahan ni San Pablo, Unang Ermitanyo, ang mga pundahan at cidera ay itinatayo sa harapan ng simbahan sa kapaligiran ng kilala ngayong liwasang lunsod., na noon ay karaniwang tinatawag na Plaza Rizal sang-ayon sa isang aklat ukol sa kasaysayan ng lunsod na sinulat ni Dr. Juan B. Hernandez.
Ang beer plaza na isinasagawa sa Lunsod ng San Pablo ay maihahambing sa pagsasayang Oktoberfest na taunang isinasagawa sa Alemanya, na unang itinanghal sa Munich noong Oktobre 12, 1810 upang magbigay saya sa paggunita ng anibersaryo ng kasal nina King Ludwig at Princess Therese na ang pinakatampok ay ang pagpapainum ng cerveza na ang pulutan ay longganisa.at litsong baka batay sa pananaliksik ni Researcher Pedrito D. Bigueras ng City Information Office.Napag-alaman ni Bigueras na noong bago magkadigma, ang paboritong pulutang inihahain sa mga pundahan ay ginataang hipong Palakpakin na may pako, gulay na (uod ng) laywan na ang paasim ay tinuyong kalamyas, at lunganisang gawang bahay na tinuyo sa sikat ng araw.
Naniniwala si Admin Amben Amante na ang tradisyon ng Oktoberfest, na karaniwan tinatawag sa lunsod na beer plaza, gaya ng naging karanasan ng marami nang itaguyod ng Rotary Club of Silangang San Pablo may dalawang taon na ang nakalipas sa PAMANA Hall, ay dapat pasiglahin dahilan sa ito ay lumilikha sa mga magkakapalagayang-loob na maging mga tunay na magkakaibigan, lalo at iisiping ang pag-inum ng San Miguel Pale Pilsen ay bahagi na ng kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino, at katunayan nito, sa palagay ng marami, simula pa noong 1890 ay kinikilala na itong isang “health tonic,” o nakakapagpasigla sa diwa at damdamin ng mga umiinum nito. (RUBEN E. TANINGCO/beneta news and balitangsanpablo)

Wednesday, December 31, 2008
PINOY, BUHAY ANG PAG-ASA
Bagama’t nakaamba sa bansa ang krisis pang ekonomiya ng buong daigdig ay minsan pa’y lumitaw ang tibay sa paninigawala ng mga Pilipino sa kanilang kakayanan na kakayaning mapaglabanan ang anumang darating na maaaring makaapekto sa kanilang buhay. Sa mga pinakabagong pagkakataon ay pinatunayan ito ng mga talang nakalap ng iba’t-ibang ahensyang may kinalaman sa pag-aaral ng pulso ng taumbayan.
Halos pito sa bawat sampung Pinoy ang naniniwalang masaya ang paskong darating sa kanila sa pag-aaral na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) bago sumapit ang yuletide season. Ang apirmatibong resulta ng survey ay nakatutuwa sapagkat sa kabila ng maraming kasalatan sa buhay ay naging positibo pa rin ang isinasaisip ng bawat mamamayan.
Sinasabi ng mga dalubhasa na kapag may positibong pagtingin ang tao sa isang bagay ay ito ay nag-aambag ng malaki upang ang isang nilalang ay magsikap, na kadalasa’y nagpapagaan sa kanilang dalahin gaano man ito kabigat. Ganito ang naging kapalaran ng pito sa bawat sampu na kaya nilang sumaya sa araw ng pasko.
Sa isang banda ay ano naman kaya ang kinahinatnan ng tatlong negatibo? Marahil ay tulad ng kanilang inaasahan na hindi nila kayang sumaya’t lumigaya sa araw ng pasko, na natanim sa kanilang paniniwala ay kalungkutan ang kanilang kinasapitan. Malamang ito kaysa sa hindi.
Subalit tila natuto na rin ang karamihan sapagkat sa pinakahuling pag-aaral ng Pulse Asia ay 92% ng mga Pinoy ang umaasang may posibilidad na gumanda ang takbo ng kanilang buhay sa taong 2009, kumpara sa 8% na may kabaligtarang paniniwala. Ito ay isang napakagandang resulta sapagkat ang kahulugan nito’y 92 sa bawa 100 katao ang buhay na buhay ang pag-asa.
Malaking tulong ito bilang panuntunan nating mga Pilipino, dahil tanging ang pag-asa ang nagpapagalaw sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pag-asa ay may kakaibang motibasyon sa ating adhikain at pangarapin sa buhay sapagkat ito ang nagsisilbing kadluan ng sigla kung kaya nga’t napaglalabanan natin ang alin mang unos.
Sa kasukdulan ay motibasyon ang nagbibigay lakas sa tao upang maging matatag na parang punong kawayan, na bagama’t humahapay sa bugso ng hangin ay madaling nakababalik sa kanyang pagkakatayo. Ito ang simbolo ng lahing kayumanggi na hindi basta-basta sumusuko, na siyang angking katangian nating mga Pinoy.
Kaya’t mangarap ka Pinoy at buong tatag na ito’y isakatuparan sa pamamagitan ng pagsisikap. Panatilihin mong buhay ang pag-asa dahil ito ang tanging sandata na maipanlalaban mo sa anumang krisis. Ipamalas mo sa mundo na handang-handa ka, Pinoy. (NANI CORTEZ/Pres. Seven Lakes Press Corps)

IKA-113 TAON NG PAGKA-MARTIR NI RIZAL
Kahit malakas ang buhos ng ulan ay idinaos pa rin ng pamunuan ni Mayor Vicente B. Amante ang pagpaparangal at pagdiriwang ng ika-112 taong ng pagkamartir ni Gat Jose Rizal. Dinaluhan ng higit na maraming mga mamamayan mula sa pamahalaan at pribadong sektor ang naturang programa noong nakaraang Disyembre 30 bilang pagpapakita ng San Pablo City sa kahalagahan ng pagpapakabayani ni Rizal. Gaya ng dati ay ang City Information Office ang namahala sa nasabing programa. (SANDY BELARMINO)
Monday, December 29, 2008
PADILLA OUT, PALAD IN
COCOFEST IKINASA NA
San Pablo City- Puspusan na ang ginagawang paghahanda sa nalalapt na 14th Coconut Festival (COCOFEST) dito na nakatakdang ganapin simula Enero 8 hanggang Enero 15 bilang pagdakila sa patron saint ng lunsod.
Kagabi ay sinimulan na ang talent night ng mga kalahok sa Lakan at Mutya ’09 Beauty Pageant bilang tampok sa nasabing pestibal. Muli ay gaganapin ang pre-pageant sa Enero a tres at makaraan nito ay coronation night sa City Plaza main stage, kung saan ay pipiliin ang magwawaging Lakan at Mutya ng San Pablo, Ginoo at Binibining San Pablo at Mr. & Ms. Cocofest 2009.
Ang Cocofest proper ay magsisimula Enero 8 na katatampukan ng Coco Trade Fair, Food and Beer Plaza, Coco Sport Fest at Cook Fest kaalinsabay ng gabi-gabing pagtatanghal tulad ng Battle of the Bands at mga palabas ng mga kilalang artista’t mang-aawit ng bansa.
Inaasahang dadayuhin ng mga turista ang Street Dancing Competition sa Enero 13 na taon-taong pinanonood ng mga domestic at foreign tourist, na susundan ng float parade sa Enero 14. Kapwa motiff ng nasabing okasyon ang kasuotang nagbuhat sa puno at bunga ng niyog.
Dahil ang Cocofest ay kinikilala ng Dept. of Tourism bilang isang tourist event sa Lalawigan ng Laguna ay ipinag-utos ni City Administrator Loreto S. Amante sa City Tourism Office na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masiguro ang tagumpay ng naturang pestibal. (Nani Cortez)

Sunday, December 28, 2008
ABC PRES. GBA, NAKISAYA SA CHRISTMAS PARTY NG LUNSOD
Nasa larawan si ABC Pres. Gener B. Amante (ikalwa mula sa kanan) habang masayang pinapanood ang presentasyon ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Lunsod ng San Pablo sa ginanap na Christmas Party noong nakaraang Disyembre 19. Isa si Pangulong Gener sa mga naging “major sponsor” ng naturang programa upang higit na maidama at maipakita ang pagkakaisa sa panahon na ito ng kapaskuhan. Nasa larawan din si Brgy. San Ignacio Chairman Cantoy Almare (kanan).
PASKUHAN SA BRGY. SAN JOSE
Nasa larawan si ABC President and Brgy. San Jose (Malamig) Chairman Gener B. Amante, kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Barangay at mga Volunteers Brigade habang ang mga ito’y abala sa isinasagawang pamimigay ng mga pamaskong handog at regalo sa kanilang mga kabarangay. Regular nang ginagawa sa Brgy. San Jose ang ganitong pagpapadama ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa sapagkat naniniwala ang pamunuan ni Chairman Gener B. Amante na: “araw-araw ay pasko at araw-araw ay dapat na damayan ang mga higit na nangangailangan.” (SANDY BELARMINO)
CIO at LCR, NAKAMIT ANG UNANG KARANGALAN
San Pablo City - Nakuha ng pinagsamang entry ng City Information Office (CIO) at ng Local Civil Registrar (LCR) Office ang unang karangalan sa isinagawang presentasyon ng pagsayaw at pag-awit sa katatapos lang na Christmas Party 2008 ng Lunsod ng San
Pablo. Labinglimang mga pinagsama-samang tanggapan ng Lokal na pamahalaan ng lunsod na ito ang naging kalahok sa pagdiriwang na ito at nasaksihan ang pagkakaisa ng lahat ng tanggapan ng lunsod na nagdulot ng lubos na kasiyahan sa panahon ng kapaskuhan at sa administrasyon ni Mayor Vicente B. Amante. (SANDY BELARMINO)

Subscribe to:
Posts (Atom)