Friday, May 30, 2008

COL. KISON 202 BRIGADE COMMANDER


For a job well done Jorge Segovia the erstwhile commander of the 202 Brigade stationed at Brgy. Antipolo Rizal, Laguna, after receiving the much coveted embellishment on his shoulder board, a star, relinquished his command to Col Tristan M. Kison another able and competent field commander.

Brigadier General Jorge Segovia submitted his report to Brigadier General Roland Detavale the recently installed Commanding General of the Second Infantry Division stationed in Tanay , Rizal. He replaced Major General Delfin Bangit who was installed and promoted as Southern Luzon (SOLCOM) Commander, It is a position that requires another star making him a future Lieutenant General. From the report of General Segovia he will turned over the command of the four battalions of the 202 with an enviable reputation of being the most talked about innovative brigade in the country in term of fighting insurgency. With its successful campaign in winning the heart and mind of the people the rebels in Region 4 under the jurisdiction of the group has been dissipated in such that it is no longer a serious threat to national security.

Colonel Tristan M Kison is a no nonsense commander. He has long and colorful military experience in the field fighting insurgency. Taking over the command of 202 Brigade would no longer a new job for him. It is simply a new but higher position of responsibility. He is a better tactician in the execution of tasks but at his best being an effective and efficient planer and policy maker

Col. Kison is cognizant of the fact that insurgency cannot be won by a shooting war alone. He hates war especially one fought against fellow Filipinos who chose to face the pressing problems by means, other than a civilized person should do. He is aware of the intricate battle of specious propaganda. He nonetheless believes that no amount of dirty mudslinging could destroy and derail the sincere effort of the command to continue the noble intention of the arm forces to win the war as much as possible sans blood shed. He believes that the best military commander is not the one who won all the battles without casualty from his side but the one who won the war without firing a single shot.

It’s charm not arm, respect not reject , rightful priority not atrocity, not scram but welcome because we too are human. Though stern in discipline soldiers find fondness for kindness, devotion for healthy interaction and .and belief in the freedom of expression. We open our arm to long lost friend. Arm is the least option resorted to only with extreme caution.. To leak insurgency we need holistic approached to solve the identified multifaceted cause of its existence Col Kison elucidated.

The strategic importance of Region 4 to the nation is so great that its .security cannot be left in the hand of a second rate commander. It is probably one of the reasons why Col Kison was chosen to succeed General Segovia.. It is a daunting job to be responsible in maintaining order in such a populous area but with the caliber of Col Kison CALABARZON is in good hand.(SANDY BELARMINO/7LPC)

ARAW NG KALAYAAN

Mas matamis lasapin ang tunay na kalayaan, ayon sa mga mapagmasid, kung bago sa pagtatamasa nito ay tayo’y nakalasap ng kapaitan buhat sa mga pagsubok na nagmula sa mga hamon ng panahon.

Sa bansang katulad ng ating mahal na Pilipinas na mahigit 300 taon na pinangasiwaan ng mananakop na bansang Espanya ay sino ba ang makakaunawa kung ano ang ibig sabihin ng katagang kalayaan. Hindi man lubusang nauunawaan ay may mga bayani tayong unti-unting tinubuan ng pag-ibig sa Inang Bayan sanhi ng pagkakaroon ng naising matubos ito mula sa lusak ng pagka-busabos.

Naging mailap ang pagkakataon upang maaga nating matamo ang paglaya. Abot kamay na ang kalayaan sa kabila ng maraming nabuwis na buhay nang mapansin ng pwersa ng mga amerikano ang alindog ng ating bayan, nagsamantala at inagaw ang napipintong tagumpay ng ating mga bayani laban sa mga kastila.

Magkaganoon man ay ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang laban sa likod ng hirap, kawalang pag-asa at pagod sa mahabang pakikihamok. Maigting man ang adhikain sa paglaya ay muling nagdamot ang panahon upang sila’y magtagumpay, samakatuwid ay nagpatuloy ang mga Pinoy bilang alipin sa lupang tinubuan.

Dumating ang pagkakataon na ang mga amerikanong mnanakop ang siyang nakapansin sa pag-ibig ng ating bayan na lumaya. Isina-dolumento nila ang kanilang kahandaan na pagkalooban tayo ng kalayaan, ngunit sa huling pagbibiro ng tadhana ay sinakop tayo ng Imperyong Hapon na nagpamalas ng walang katumbas na kalupitan.

Ano pa’t maraming buhay ang nabuwis subalit hindi ito naging hadlang upang maglaho ang pangarap ng bawat Pinoy na makamit ang kalayaan. Salamat at kasabay ng wakas ng ika-2 digmaang pagdaigdig ay yumagayway rin ang ating bandila na tanda ng ating pagsasarili. Sa wakas ay tuluyan na rin tayong lumaya.

Manaka-naka ay may mga sumusubok na ito’y agawin muli sa atin upang isulong ang makasariling hangarin. Ang mga Pinoy ay hindi nagpa-andap muling sumuong sa panganib na may pagsasaalang-alang sa kalayaang dinilig ng dugo ng ating mga ninuno. Walang naging puwang ang kanilang panlulupig sa bukas-isip na pagtatanggol ng taumbayan sa kalayaang natatamasa.

Sa darating na Hunyo 12 ay ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan na sumasagisag sa pagpupungyagi at pagpapakasakit ng ating mga namayapang bayani. Sa ating mga nakalasap na ng tamis na maging malaya ay sino pa kaya ang hindi mamumuhi sa pagiging alipin. (SANDY BELARMINO)

Wednesday, May 28, 2008

FORUM ON COOP TAXATION, ISINAKATUPARAN NG CCO



Ang mga kinatawan ng Bureau of Internal Revenue na sina Catherine Villanueva, Arnel Cosinas at Letty Mallari kasama ang mga opisyales ng Saint Paul Cooperative Union at mga kawani ng City Cooperatives Office matapos ang Forum on Coop Taxation na ginanap kamakailan. (Sandy Belarmino/7LPC)

San Pablo City - Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga proyekto at programa na tutulong sa pagpapaunlad ng komunidad particular ang sektor ng kooperatiba sa lunsod na ito. Sa pamumuno ni Punong Lunsod Vicente B. Amante sa pamamagitan ni OIC City Cooperative Officer Beth Biglete kabalikat ang Saint Paul Coop. Union na pinamumunuan ni G. Hector Bapuno ay isinagawa ang Forum on Coop Taxation noong Mayo 23 sa dako ng Girl School Building, Trese Martirez St, San Pablo City.

Naging matagumpay at makabuluhan ang forum na ito na dinaluhan ng 40 opisyales ng iba’t-ibang kooperatiba sa lunsod kung saan ay kinatawan ni G. Pedrito Bigueras ng CIO ang ating Punong Lunsod Vicente B. Amante upang maging pangunahing panauhin . Naging tagapagsalita ang mga kinatawan mula sa Panlunsod na Tanggapan ng Ingat Yaman na sina Willian Cartabio at Marivi Velasco, gayundin sina Catherine Villanueva, Arnel Cosinas at Letty Mallari ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Layunin ng forum na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga rehistradong kooperatiba hinggil sa mga umiiral na batas na may kinalaman sa pagbubuwis at bigyan ng linaw ang exemptions at taxability ng naturang mga kooperatiba.

“Ignorance of the law excuses no one, kaya nga minarapat ng CCO na maisakatuparan ang ganitong gawain para sa higit na kabatiran ng mga kaanib ng kooperatiba sa lunsod ng San Pablo” pagtatapos ni OIC Beth Biglete. (CIO/Jonathan Aningalan)

COURTESY CALL

Nasa larawan sina (L-R) Roberto Cecilio, Carlo Rey Laurete at Ronald Buiser ng KRISALIS CONSTRUCTION INC. ng ang mga ito’y mag-courtesy call sa tanggapan ni San Pablo City Administrator Loreto “Amben” Amante bago isagawa ang 2 araw na Jobs Fair ng naturang Krisalis Construction Inc.. Nasa larawan din si G. Ramil Buiser (dulong kanan) ng City Information Office. (SANDY BELARMINO/7LPC)

Monday, May 26, 2008

BUKAS ESKWELAHAN, PINAGHANDAAN NA

Iniulat ni City Administrator Loreto S. Amante noong Lunes ng umaga na sa pakikipag-lugnayan sa Division of San Pablo City, at Association of Private Schools in San Pablo City, ay itinatag ang OPLAN: Balik Eskuela na magkatuwang na pangangasiwaan nina Chief of Police Joel C. Pernito at PSAF Chief Roberto P. Cuasay, na bagama’t binalangkas para magsimula ng kanilang opisyal na gampanin sa araw ng Martes, Hunyo 10, ay magsisimula ang mga tauhang bumubuo nito na lumibot sa mga lugar o espisipikong lokasyon kung saan sila nakatalagang kumilos simula ngayong Lunes, Mayo 26 para sila ay maging pamilyar at magkaroon ng sapat na oryentasyon sa mga inaakalang suliraning maaaring lumitaw sa mga araw na nagsisimula na ang pasukan sa mga eskuwelahan sa kalunsuran, at maging sa mga kanayunan.

Tiniyak ni City Administrator Amben Amante na ang muling pagbubukas ng lahat ng antas ng mga paaralan ay napaghandaan na, maging ang suliranin sa kakailanganing silid-aralan ay naihanap na ng kalutasan ni Mayor Vicente Amante.

Patuloy din ang tanggapan ni Amben Amante na nagmo-monitor sa takbo ng patalaan sa nmga paaralang publiko para mataya kaagad ang mga lilitaw na suliranin, samantalang sa mga pirbadong institusyon ay ang kapanatagan ng mga nagsisipagpatala, kung saan ang mga kabataang nagsisipagpatala ay dapat pangalagaan laban sa mga mapagsamantala.

Sa tagubilin ni Mayor Vicente B. Amante, hindi lamang ang kapanatagan at kaligtasan ng mga mag-aaral ang dapat pangalagaan, kundi maging ang kaayusan ng daloy ng trapiko, at ang katiyakang ang mga panindang pagkain sa mga bisinidad ng paaralan ay malinis at ligtas para sa kalusugan ng mga kabataang mag-aaral.

Pinahahalagahan ni City Administrator Loreto S. Amante ang City Health Office sa dahilang sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Job D. Brion, ang tanggapan ay may patuluyang palatuntunan upang masubaybayan ang mga tindahan ng pagkain sa labas ng bakuran ng mga paaralan, at matiyak na ang tadhana ng Code on Sanitation of the Philippines ay nasusunod.

Pinahahalagahan din ni Amben Amante ang ang mga reservist group, gayon din ang samahan ng mga retiradong sundalo sa lunsod, dahil sa kanilang kahandaang magkusangloob na makipagtulungan sa pulisiya at sa PSAF sa pangangasiwa ng kaayusan at kapanatagan sa kalunsuran, kung kailan maraming tauhan ang kinakailangan.

Nabanggit ni Col. Roberto P. Cuasay (Retired) na ang lahat ng passenger jeepney na naghihintay na makapila sa kanilang terminal ay dapat na manatili sa kanilang waiting area na nakatatag sa labas ng kalunsuran para sa lahat ng operators and drivers association na pumapasok sa Lunsod ng San Pablo. (RET/7LPC)

Sunday, May 25, 2008

JOBS FAIR SA MAYO 26-27

Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 4A, sa koordinasyon ng San Pablo City Public Employment Services Office (SPC-PESO), si Mayor Vicente B. Amante ay magtataguyod ng dalawang araw na Jobs fairs sa darating na Mayor 26 at 27 na gaganapin sa PAMANA HALL o covered court sa harapan ng One Stop Processing Center simula ika 8:00 ng umaga hanggang ika 3:00 ng hapon.

Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga nagsipagtapos ng pag-aaral noong nakaraang school year na hanggang ngayon ay wala pang gawain. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa katangian ng mga gawaing ipinag-aanyayang pasukan sa jobs fair ay ipinapayo ni City Adminstrator Loreto S, Amante, concurrent City PESO Manager, ang pakikipag-ugnayan kay Bb. Melinda P. Bondad sa 8-storey building, na may telepono bilang (049) 562-5743 at (049) 562-3086. (Seven Lakes Press Corps)