Saturday, December 27, 2008

MAGING KAPITA-PITAGANG KRISTIYANO

“MAGING KAPITA-PITAGANG KRISTIYANO” - Nairaos ng mga San Pableño ang Kapaskuhan kaalinsabay ng ginawang pagdiriwang ng buong bansa sa araw ng kapanganakan ng ating Manunubos sa payak na sabsaban.

Hindi naging hadlang ang kahirapan ng buhay sa ating mga kababayan upang minsan pa’y gunitain ang pakumbabang pamumuhay simula sa Kanyang pagsilang hanggang maging ganap ang ating katubusan. Kung bakit pinili ng Panginoon ang kasimplehan ay maaaninaw sa Kanyang Ebanghelyo noong Siya’y kasalukuyang nangangaral dito sa panandaliang mundo.

At kung bakit iniwasan Niya ang karangyaan sa kabila ng Siya ang Hari ng mga Hari ay sapagkat nais Niyang ipamalas sa sanglibutan na sa ganoong kaparaanan lamang magkakaroon ng katuparan ang naisin ng Amang nasa sa Langit. Sumpa ng pagpapakasakit ang katawagan dito.

Kaya nga’t tuwing araw ng Pasko, bagama’t may nakagisnan tayong marangyang pagdiriwang dala ng mga nagpalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa, ay hindi nagiging sagwil ang kahirapan upang damhin ang espiritu nito. Kadalasan pa’y higit na masaya ang sektor ng mga mahihirap kaysa sa mga nakaririwasa.

Ito’y dahilan sa nilikha ng Diyos ang mga mahihirap na Kanyang kawangis. Tulad Niya ang mga mahihirap ay hindi mapaghanap ng labis sa kanilang mga pangangailangan, tulad Niya’y ang mga mahihirap ay nalalang para maglingkod sa Ama at tulad Niya’y ang mga mahihirap ay handang magpakasakit alang-alang sa ikaluluwalhati ng Diyos na nasa Langit.

Sa anu’t ano pa man ay sana’y ang natamo nating biyaya sa Banal na Araw ng Kanyang kapanganakan ay lagi nating alalahanin sa pang-araw-araw nating buhay. Ito sana ang lalong magpatibay sa ating pananampalataya, na sa panahon ng mga nagdaraang krisis ay hindi tayo Niya pinababayaan, na nandiyan Siya tuwina upang pagaanin ang ating dalahin at patuloy tayong sinusubaybayan upang gampanan ang Kanyang katuturan bilang Tagapagligtas.

Ano pa’t bilang ganti sa ganap na pagkatubos ay humayo tayo sa itinuro Niyang matuwid na landasin na may pagpapakumbaba at mamuhay ayon sa banal Niyang layunin bilang tao at Kapita-pitagang Kristiyano.(SANDY BELARMINO)

Friday, December 26, 2008

TUNAY NA SERBISYO PUBLIKO, HINDI PAMUMULITIKA

San Pablo City – Ito ang panawagan ni Mayor Vicente B. Amante sa kapwa niya mga lingkod-bayan sa isang panayam na isinagawa ng may akda nitong nakaraang linggo sa kanyang tanggapan, One Stop Shop Processing Center, lunsod na ito.

Ipinahayag din ni Alkalde Amante ang kanyang paniniwala at pananaw na: “Ang isang lingkod-bayan ay dapat at nararapat na maging transparent o lantad at hindi nangingiming harapin at ipaliwanag sa taumbayan ang mga isyung bayan na lumulutang, ito man ay kapani-paniwala o hindi. Karapatan ng mga San Pableño na marinig ang paliwanag at panig ng bawat isang public servant sapagkat ang taumbayan ang nagluklok sa amin at pati sa mga taong itinatalaga namin na pinasusweldo ng lunsod”.

Habang sinusulat ang balitang ito ay limang (5) sunod-sunod na adjournment ng regular session ng Sangguniang Panlunsod (SP) dahil sa kawalan ng korum ang naitala ng naturang tanggapan at nagdulot ito ng malaking kapinsalaan sa dapat mapasulong na mga ordinansa at resolusyon. Nakabinbin din ang pagpapasa sa Proposed Annual Executive Budget para sa taong 2009 na maaaring makaapekto sa mga proyekto at programa ng Administrasyong Amante.

Sa limang termino ni Amante ay higit siyanng nakilala sa hayagang pagharap sa mga isyu at suliranin ng lunsod na nagbunga ng maganda at epektibong ugnayan ng kanyang tanggapan at ng 80 barangay ng lunsod.

“Hindi sapat ang mga papogi at pa-cute para lang matandaan ng ating mga kababayan na iniluklok nila kami sa katungkulan. Nararapat na bawat segundo, bawat minuto, kada oras, 7 araw kada linggo, bawat buwan at bawat taon ay ang laging nasa puso at isipan ay ang paglilingkod ng buong kasipagan at katapatan. Iwasan na ang pamumulika lalo na’t sasapit ang bagong taon. Tunay na serbisyong publiko ang hinihintay ng San Pablo City at hindi ang pamumulitika”, pagtatapos ni Amante. (SANDY BELARMINO)

Thursday, December 25, 2008

LIKE FATHER, LIKE DAUGHTER

Si Seven Lakes Press Corps Vice-President Sandy Belarmino habang kasama ang kanyang bunsong anak na si Sandy Marie Belarmino matapos ang huli ay kilanlin at parangalan ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City bilang isa sa mga natatanging mag-aaral ng San Pablo City Science High School (SPCSHS). Ginanap ang pagkikilala sa mga taga SPCSHS noong nakaraang Lunes, Disyembre 22, at ito’y pinangunahan ni Mayor Vicente B. Amante. (Jonathan Aningalan)

Wednesday, December 24, 2008

BELARMINO ET AL., KINILALA NG LUNSOD

Si Sandy Marie D. Belarmino habang tinatanggap ang Certificate of Recognition na ipinagkaloob ni San Pablo City Mayor Vicente B. Amante bilang pagkilala sa maraming karangalan na kanyang dinala sa Lunsod sa pamamagitan ng pagkakapanalo sa Division and Regional Essay Writing Contest. Si Belarmino ay isang 4th year student ng San Pablo City Science High School na itinatag sa ilalim ng administrasyon ni Alkalde Amante.

ANG MGA PILING MAG-AARAL NG SPCSHS

Nasa larawan sina (L-R) Christian Lloyd Tan, Geri Mae Tolentino, Sandy Marie D. Belarmino, Bernadine Culaban, Siena Catherine Maranan at Dawn Laya Ornillo ng San Pablo City Science High School (SPCSHS) matapos tanggapin mula kay Mayor Vicente B. Amante ang Sertipikasyon ng Pagkilala sa kanilang mga naiambag na karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan manapa’y maging sa Lunsod ng San Pablo. Ang mga naturang mag-aaral ng SPCSHS ay pawang nagwagi sa ibat-ibang larangan ng paligsahan na ipinagkakaloob ng Division, Regional and National Office ng DEPED at mga pribado organisasyon na nagtataguyod ng kagalingang pang-edukasyon.

NEW PNP REGIONAL DIRECTOR ASSUMES OFFICE


PRO CALABARZON saw another changing of the guard with the assumption of its newly designated Commander in simple rites held at the grounds of Camp Vicente Lim in Calamba City, December 22, 2008.
PCSUPT PERFECTO P PALAD formally took the helm of the more than 7,000-strong police force in the region vice PCSUPT RICARDO I PADILLA who bowed out of the service upon reaching the mandatory retirement age of 56 years old.
PALAD, Batch mate of retired PCSUPT PADILLA PMA Class ’77, is the 43rd Commander of the unit which traces its roots to the post WWII era 2nd Philippine Constabulary Zone.
He was formerly the Deputy Regional Director for Operations of Police Regional Office 4A and is known for his strictness towards office work and no-nonsense attitude towards leadership and discipline. In his remarks, PALAD says that we have to pursue the Integrated Transformation Program of the PNP to have a credible and professional organization capable of providing quality service and security to the people against criminality and terrorism.
He made clear his intention to maintain the security and peace in the region (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) and he also emphasized that he is part of the team that will work towards economic development in the region.
PALAD also called on the force multipliers to serve not only as friends and supporters but guardians in all the noble endeavors PRO CALBARZON intends to move forward to, under his leadership along the way expressing his hopes that media practitioners will support him and his men by living up to their commitment of reporting just, balanced and un-opinionated news.
Finally, PALAD warned criminal elements that his leadership means business and strongly cautioned them that the Armed Forces and the Police will work hand in hand in combating lawlessness and terrorism. They must stop or face the full force of the law.
The ceremonies was marked with a solemn note as the outgoing Regional Director was accorded Retirement Honors befitting an able Commander with various accomplishments and ribbons in his breast, witnessed by no less than PDG JESUS A VERZOSA, Chief of Philippine National Police, who also the Guest of Honor and Speaker, PCSUPT BENJAMIN A BELARMINO JR, Director of PNTI, PCSUPT LUISITO PALMERA, Regional Director PRO MIMAROPA, PSSUPT JOSELITO CASUGBO, Regional Director RIAS 4A, ATTY Yolanda S Lira, Regional Director NAPOLCOM 4A, DIR VICENTE TOMAZAR, the Regional Director, OCDIV-A, ARCHBISHOP RAMON C ARGUELLES, DD of Lipa CITY, Other PNP Senior Officers, PNP Ladies, CALABARZON NGOs/CVOs and other special guests.