Camp Vicente Lim – Ipinatutupad ng pambansang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang maayos at makataong pamamahala ng mga piitan sa buong kapuluan sa kabila ng kakulangan ng pondong gugulin ng naturang ahensya.
Sa talumpating binigkas ni Jail Director Rosendo M. Dial kaugnay sa pagdiriwang ng ika-17 taon ng BJMP ay kanyang nilinaw na hindi dapat maging sagwil sa makataong pagse-serbisyo ng isang jail personnel ang ano mang kakapusan, manapa’y dapat tanggapin itong isang hamon sa ngalan ng public service.
Ang serbisyo publiko aniya magkaminsan ay may tagumpay at kabiguan, na nararamdaman ang hirap kung laging isasaisip ang kakulangan ng tauhan, pasilidad at inmates subsistence at iba pang nakapagpapahina sa isang lingkod bayan sa pagtupad ng kanyang tungkulin, kung kaya dugtong pa ng heneral na hindi dapat sumuko at gawin itong inspirasyon upang hindi magkaroon ng kapaguran.
Dahil sa ipinakitang kahusayan at katapatan sa paglilingkod ay pinasalamatan ni Heneral Dial ang lahat ng kawani ng bureau sabay hiling sa mga ito na magpatuloy. Kinilala niya sa tulong ni RD J/S Supt. Norvel M. Mingoa ang mga namukod tangi kaugnay ng kanilang anibersaryo ang mga sumusunod: District Jail of the Year, Quezon District Jail; City Jail of the Year, Tagaytay City Jail at Municipal Jail of the Year, DasmariƱas Municipal Jail.
Samantalang sa individual awards ngayong taong ito ay sina: Senior Officer, J/Supt Revelina Sindol; Junior Officer, J/Insp. Rodante Oblefias; Female Staff Officer, J/Supt. Nenita Nael; Male Staff Officer, J/S Insp. Manuel Labeste; Welfare & Dev’t Officer, J/C Insp. Mayla Chua; Field Officer, J/C Insp. Belinda Ebora; Provincial Jail Administrator, J/C Insp. Bermar Adlam; District Jail Warden, J/Supt Randel Latoza; City Jail Warden, J/C Insp. Flory Sanchez; Municipal Warden, J/Insp. Erlinda Turaray. Special Awards San Pablo City Jail Warden J/S Insp. Arvin T. Abastillas at Sta. Cruz District Jail Warden J/S Insp. Lorenzo Reyes.
Napagkalooban din ng special awards ang tatlong city mayor ng Laguna, dahil sa suportang ibinibigay sa BJMP, na sina San Pablo City Mayor Vicente B. Amante, Calamba City Mayor Joaquin M. Chipeco at Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno. (NANI CORTEZ/SANDY BELARMINO – Seven Lakes Press Corps)
Thursday, August 7, 2008
Wednesday, August 6, 2008
PRU LIFE UK OPENS REGIONAL OFFICE IN SAN PABLO CITY
San Pablo City – Pru Life UK , the local subsidiary of British life insurer Prudential plc, today unveiled its integrated services office in this city.
The integrated office at the Second Floor of Bien-Paz Building along Maharlika Highway in Barangay San Rafael, San Pablo City will house three of Pru Life UK’s Laguna Branches, namely: King Amethyst, headed by King Mediano; Red Gold, led by Nel de Ono; and Rice Pearl, managed by Jay Lacanilao.
Pru Life UK President and Chief Executive Officer Nishit P. Majmudar led executives from Manila in gracing the branch office’s inauguration. Mr. Majmudar said the office, which integrates the operations of the three branches, would set a trend in the busting City of San Pablo---considered as a major hub in the Southern Tagalog Region.
“This new integrated services office will set a benchmark for enhanced customer service excellence in the field of life insurance, starting in this important city of Laguna. By integrating the operation of these branches in one office, Pru Life UK aspires to deliver a consistent premium service to its clients by offering a world-class setup where they can transact their businesses easily---allowing them the advantage of exploring and seizing more opportunities to widen their financial portfolio,” Mr. Majmudar said.
Pru Life UK is among the top players in the Philippine Life insurance industry, with four years of presence in San Pablo, Laguna. Through the new integrated services office, Pru Life UK signifies its continuing commitment to serve more people in Laguna, specially in San Pablo.
The company Senior Vice President and Chief Finance Officer Antonio G. de Rosas projected that this new development would lead to greater business expansion.
In just 12 years, Pru Life UK has become the country’s fourth largest life insurer in terms of First Year Premiums. This was made possible through the efforts of one of the best agency forces in the country, the access to immense financial and technological resources that comes with being a part of a multinational giant, and by listening to and understanding the Filipino people to come up with the best insurance, savings and investment products to service their financial needs. We have been in San Pablo for the past four years and thanks to our policyholders and agents, business has grown more than expected. This new branch will be able to accommodate further business expansion and provide more convenient access so as to better service our existing and new policyholders,” Mr. de Rosas said.
Pru life UK Marketing Vice-President Ma. Belen Elvira S. Tiongco said the unveiling of the new branch office signified the priority given by the Company to San Pablo.
“Pru Life UK is known globally, and locally, for its excellent insurance, savings and investment products and services. After almost 12 years of operation here in the Philippines, thousands of Filipinos have given us their trust to look after their own, and their families’ financial well-being. Our new office in San Pablo is a testament to our commitment to the people of Laguna, the rest of Southern Luzon. A high growth area such as San Pablo deserves only the best, and that’s why Pru Life UK is here to do just that,” Ms. Tiongco said.

Tuesday, August 5, 2008
BJMP SPECIAL AWARD
Nasa larawan si San Pablo City BJMP Deputy Jail Warden J/Inspector Jerome Y. Soriano (left) habang ipinagkakaloob sa kinatawan ni Mayor Vicente B. Amante na si City Admin Amben Amante ang plake ng pagkilala ng BJMP Region 4A sa makabuluhang pag-alalay at pagtulong ng lokal na pamahalaan ng Lunsod ng San Pablo sa naturang ahensya. Isa si Mayor Amante sa 14 na punong ehekutibo sa rehiyon na napagkalooban ng pagkilala sa walang humpay na pagsuporta sa mga proyekto at programa ng BJMP 4A.(SANDY BELARMINO)
KANANGA, LEYTE BUMISITA SA SAN PABLO CITY
San Pablo City – Makabuluhan ang resulta ng Lakbay Aral na ginawa ng mga nagbisitang lokal na opisyal ng Kananga, Leyte sa lunsod na ito sa dami ng natutunan sa local governance na maiangkop sa pagbabalik sa kanilang bayan.
Ang bayan ng Kananga, Leyte na matatagpuan sa Region 8 ay ang kinikilalang Geothermal Capital ng Asya sapagkat dito nakatayo ang pinaka-una at pinakamalaking geothermal power generator ng Napocor na nagsu-supply ng kuryente sa Luzon at Kabisayaan sa pamamagitan ng kableng dumaan sa ilalim ng karagatan. Ang geothermal plant ay pag-aari na ngayon ng Pamilya Lopez.
Aral Lakbay ang ginawa ng delegasyon sa San Pablo ayon kay Kananga Mayor Eming Codilla sa dami ng nais nilang matutunan upang magamit sa kanilang bayan. Partikular na tinuran ni Codilla ang One Stop Shop Processing Center, San Pablo City Shopping Mall at sanitary landfill facilities ng lunsod.
Si Codilla ay nakababatang kapatid ng Ormoc City Mayor at ng kongresista ng naturang distrito. Si Codilla ang pangulo ng leadership seminar kung saan naging kaklase niya si San Pablo City Administrator Amben Amante.
Nais rin nilang matutunan kung paano pinamamahalaan ng lunsod na ito, ayon kay Vice-MayorBoy Lumangtad, ang aspeto ng nutrisyon, kapaligiran, social services at ng barangay. Kasama sa delegasyong dumating ang maybahay ng alkalde, pangulo ng ABC at 23 barangay chairman ng naturang bayan. Mayroon itong 52,000 populasyon sa kasalukuyan. (SEVEN LAKES PRESS CORPS)

SANITARY LANDFILL NG LUNSOD KABILANG SA FLAGSHIP PROJECT NG OFFICE OF THE PRESIDENT
San Pablo City – Kabilang sa 155 priority infrastructure projects ang sanitary landfill facilities (SLF) ng lunsod na ito sa itinuturing na isang mabuting halimbawa ng Office of the President dahil sa pakinabang ng mga mamamayan dito kaugnay sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ang rekomendasyon ay nagbuhat sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na direktang nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo kung kaya’t napabilang sa Comprehensive and Integrated Infrastructure Program (CIIP) na regular na sinusubaybayan ng Infrastructure Monitoring Task Force (IMTF).
Isa lang ang SLF ng lunsod na ito sa dalawang sanitary landfill na nakasali sa programa.
Nakapagsumite na ng ulat detalye si Engr. Ruel Dequito ang Officer-In-Charge ng City Solid Waste Management Office, sa IMTF kung saan nakasaad ang naging katuturan ng SLF simula ng matapos ang konstruksyon hanggang sa naging ambag nito sa kalikasan.
Ang naturang report ayon kay Atty. Zoilo L. Andin, Jr., executive director ng (NSWMC), ay ipadadala sa NEDA-ICC upang gawing batayan ng financial assistance.
Magugunitang ang SLF ay naging operesyunal noong nakaraang taon buhat sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan at programa ni Mayor Vicente B. Amante na tuluyang maipasara ang mapanganib na open dumpsite sa lunsod na ito.(SEVEN LAKES PRESS CORPS)

Monday, August 4, 2008
HOUSING PARA SA FOURTH STATE
Lumalagda sa Covenant of Understanding (COU) sina Gob. Teresita “Ningning” Lazaro, Laguna First Gentleman Angelito Lazaro at Laguna Media Professional Society (LAMPS) Chairman Momoy Cardenas hinggil sa pagtatayo ng murang pabahay sa mga kagawad ng media sa seremonyang ginanap sa Royal Star Reception Hall kahapon Agosto 2. Ang COU signing ay sinaksihan nina Board Member Rey Paras at Laguna Housing Program Chief Vivencio Malabanan sampu nina Administrator Dennis Lazaro at kabuuan ng LAMPS. (NANI CORTEZ)
Subscribe to:
Posts (Atom)