Friday, January 23, 2009

MGA KARANGALAN SA 2009 MTAP-DEPED MATH CHALLENGE, MULING HINAKOT NG SPCSHS

San Pablo City - Muling pinatunayan ng San Pablo City Science High School (SPCSHS) ang pamamayani nito sa larangan ng mathematics ng hakutin at pagwagian ng kanyang mga mag-aaral ang lahat ng Unang Karangalan sa individual and team category ng 2009 MTAP-DEPED CHALLENGE (Written Elimination) na ginanap noong nakaraang Enero 9 sa kampus ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Sina Edsel M. Bondad (1st yr), Gio S. Marasigan (2nd yr.), Christian Lloyd S. Tan (3rd yr.), Siena Catherine A. Maranan at Sherilyn M. Sanchez (4th yr.) ay pawang naging first placer sa individual category samantalang sa team category na binubuo nina Edsel M. Bondad, Clarissa Cacao at Diana Jean Guinto (Team 1st yr.); Gio S. Marasigan, Edlyn Gatchalian at Jessa Mae Banayo (Team 2nd yr); Christian Lloyd S. Tan, Bernadette Culaban at Aryan Guban (Team 3rd yr); at Siena Catherine A. Maranan, Sherilyn M. Sanchez at Andrei Exconde (Team 4th yr.) ay itinanghal naman na mga RANK 1 o mga nangunang team sa isinagawang math challenge para sa mga estudyante ng 21 private and public secondary schools sa Lunsod na ito . Ang mga gurong sina Venus O. Macam at Albert Saul ang tumayong Coach and Adviser ng mga nagsipagwaging mag-aaral.

“Ito’y muling pagpapatunay ng San Pablo City Science High School sa walang putol niyang paglalakbay tungo sa higit na karunungan sa larangan ng matematika at siyensya. Amin ang malaking kagalakan sapagkat sa kanyang ika-apat na taon mula nang ito’y matatag, ay nasasaksihan na ang pag-ani sa bunga ng mga binhing noon ay itinanim ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ni DepEd Division Supt. Dr. Ester Lozada sa lilim ng mabunying pakikiisa at pakikipagtulungan ni Mayor Vicente B. Amante” wika ni Education Supervisor 1 (ES-1) at SPCSHS Officer- In-Charge Helen A. Ramos

Ang SPCSHS ay naitatag noong taong 2005 sa pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Vicente B. Amante upang maalalayan ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagsusulong nito sa kagalingan ng mga piling mag-aaral na may pambihirang talino at kakayanan sa larangan ng siyensya at matematika. (SANDY BELARMINO)

BJMP4A RD URGES VIGILANCE

Lucena City - The regional director of Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) here has urged vigilance to his subordinates so as to enhance sustainable leadership needed for the accomplishment of the agency’s mission.

At a traditional New Year’s call last week of regional staff, Provincial Administrators (PA’s) and wardens, BJMP4A RD J/S Supt Norvel Mingoa stressed the importance of competent leadership in their field for the bureau cannot afford lapses otherwise he said it would lead to the incidence of jailbreaks which his office is trying to prevent.

Mingoa, however, inspired men and women of BJMP on how to learn from their mistakes and provided ways and means to avoid repetition of the same lapses. According to the regional director that it is only through looking back and problem identification that everything could be fixed whereby these mistakes become a valuable tool against failure.

RD Mingoa further enticed New Year’s call participants to focus on their job until they transform themselves as extra-ordinary leaders, the nearest point to meet the standard set by the bureau to its officers, a way to achieve the goal of BJMP as a result oriented agency.

Those who made the call were jail officers from Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon and general staff from Region 4A. J/Supt Revelina Sindol and J/Supt Randel Latoza assisted the regional director at the reception line.

The call was followed by Management Conference and Pinning of Ranks. (SANDY BELARMINO/VP Seven Lakes Press Corps)

CCW GRAND REUNION

San Pablo City - Citizen’s Crime Watch (CCW) will have a grand reunion on February 14, 2009, Saturday starting at 7:00 a.m. to consult each member for the group’s plan of action for the year 2009.

The consultation will include old and new members of San Pablo City Chapter and will discuss the roles of each member with regards to civic activities the CCW is spearheading.

The whole day convention will be held at CCW Chapter Office, San Pablo City Shopping Mall. For particular see, text or call Chapter Chairman Rey Dantic cp no. 0907-827-8477 or Lyn Estella cp no. 0907-538-3774. (SANDY BELARMINO)

FIESTA de MUNICIPALIDAD de SAN JOSE MALAMIG

Dahil maraming dapat ipagpasalamat ang mga residente ng Brgy. Malamig na pinamumunuan ng isang pangulo ay bonggang kapistahan ang kanilang iaalay sa Patrong San Jose sa darating na Marso 19.

Buhat sa isang pagiging sityo ay ito;y naging nayon hanggang mapa-antas bilang barangay. Ang dating maguot na sityo ay naging isa sa mga kinasisindakang nayon ng lunsod subalit sa pagdaan ng panahon ay unti-unting dinadalaw ng kaunlaran bagamat suliranin pa rin noon ang katahimikan.

Hanggang sa dumating si Pangulong Gener B. Amante ng Liga ng mga Barangay na naging lubos ang patuloy na pag-unlad at pagkalipos ng katahimikan. Naging Educational Center sa pagkakaroon ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP), San Pablo City Science High School (SPCSHS) at San Jose National High School (Annex). Host din ang lugar sa San Pablo City General Hospital. Lumago ang populasyon dahil sa halina at lalo pang umunlad dahil sa kakayanan ng kanyang pamunuan.

Marahil ay dapat nga silang magpasalamat dahil sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan ay naabot nila ang rurok ng katangian ng isang pamayanan. Kaya naman isang linggong parangal (mula March 13 hanggang March 19) kay San Jose ang kanilang inihanda, na maaaring another first sa kanyang kasaysayan at kauna-unahan sa lunsod.

Ang isang linggong pagdiriwang ay kapapalooban ng mga panooring Battle of the Bands, Fashionista de Ilusyunada (Fashion Show ng mga Bading), Ms. Bebot Contest (mga tunay na barakong magdadamit babae), mga palarong pinoy, seryosong beauty contest na ala-Lakan at Mutya at higit sa lahat ay ang pinanabikang street dancing o madrigras. Ang bawat kalahok ay pawang dumaan sa screening ng mga nakakaalam na komitibang sumasakop sa bawat programang itatanghal.

Bigtime as in malakihan ang premyong naghihintay sa mga magwawagi. Sa mga susunod na pagkakataon ay ilalathala natin ang eksaktong halaga ng mga premyo na tinitiyak ng pitak na ito na higit na malaki kaysa mga karaniwang bayan. Ang lahat ng nagnanais na lumahok ay hinihikayat na magpatala ng mas maaga sa mga screening committee o dili kaya’y makipag-ugnayan sa may akda o kay G. Rod Guia ng Brgy. San Jose o kaninumang Barangay Official ng naturang nayon.

Inaanyayahan rin ang lahat na saksihan ang nasabing pagdiriwang ng “Todo Unlad Malamig Festival” mula Marso 13 hanggang Marso 19 na nakatakdang maging isang tourism event ng rehiyon sa San Jose, Laguna… eheste sa Barangay San Jose (Malamig), San Pablo City.(SANDY BELARMINO)

Tuesday, January 20, 2009

BJMPRO IV-A

Nasa larawan sina BJMP Region 4A Director Norvel M. Mingoa (nakaupo, ikalima mula sa kaliwa) habang pinagigitnaan ng kanyang lubos na pinagkakatiwalaan at inaasahang regional deputies na sina J/Supt Revelina A. Sindol at J/Supt Randel H. Latoza, mga Provincial Adminstrators at Jail Wardens mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Kuha ang larawan matapos ganapin kamakailan ang BJMP’s New Year Call & 1st Regional Management Conference sa kanilang pangrehiyon na tanggapan sa Dalahican Road, Brgy. Ibabang Dupay, Lunsod ng Lucena. (SANDY BELARMINO/VP Seven Lakes Press Corps)

1ST REGIONAL MANAGEMENT CONFERENCE

Si BJMP Region 4A Director Norvel M. Mingoa habang ipinahahayag ang kanyang mensahe para sa kanyang kauna-unahang pinamahalaang Regional Management Conference bilang regional director. Ginaganap ang ganitong mahalagang patawag at pagpupulong sa lahat ng BJMP’s Provincial Administrators and Wardens ng rehiyon upang higit na maging epektibo ang pamamahala’t pamamalakad sa lahat ng piitang nasasakop ng tanggapan ni Director Mingoa. (SANDY BELARMINO)

Monday, January 19, 2009

ANG PISTA NI SAN PABLO

Masaya at mapayapang nairaos ang kapistahan ng Patrong si San Pablo, na may taguring Unang Ermitanyo, na hindi naging sagwil ang nakaambang krisis pananalapi sa buong daigdig. Hindi nagpaawat ang mga San Pableño sa pagpapatuloy ng tradisyong nakagisnan ng mga ninuno na nagpasalin-salin na sa mga nakaraang henerasyon at naging bahagi na ng ating kaugalian.

Ito ang dahilan kung bakit halos walang ipinagbago sa nasabing pagdiriwang maliban sa dami ng handang inihahain sa hapag ng okasyon, at may mga mangilan-ngilang hindi na naghahanda sanhi ng kani-kanilang pinaniniwalaan.

Ang pinaka-magandang pangyayari ay ang pagkamulat ng karamihan sa mga itinuro ng mga kastilang una nang nanakop sa atin. Nawala na ang todo-todong handa na ang ginastos ay buhat sa pagkaka-utang. Natuto na ang mga San Pableño na maghanda lamang ayon sa kanilang kakayanan. Nagawa nilang sumuway sa mga maling ebanghelyo na turo ng mga paring kastila na sapagkat pista ay kinakailangang pasiklaban ng mga material na bagay ang mahal na patron.

Sa tuwing sasapit ang ganitong panahon ay hindi maiaalis sa ating isipan na papaghambingin ang lumipas at ang kasalukuyan. Ang pagdiriwang noon ay nakasentro lamang sa bisperas at mismong araw ng kapistahan na bagama’t hindi nawawala ang panooring karnabal sa Central School grounds na pinagdarayo lamang ng mga tao sa mga nasabing araw.

Noon ay hindi mahulugang karayom ika nga sa dami ng taong namimili sa sedera sa plaza tuwing araw ng piyesta, sapagka;t ang sedera noon ang pinaglalaanan ng mga natipong aginaldo nang nakalipas na pasko ng mga bata. Patok sa mga bata ang mga laruang mapagpipilian.

Medyo lumipas kung baga ang karnabal sanhi na rin marahil sa kakulangan ng espasyong pagtatayuan bukod pa sa pagdating ng mga makabagong imbesyon na mapaglilibangan ng mga tao told ng vcd tapes at iba pang kahalintulad na elektronikong mga bagay.

Umunti din ang mga taong nandarayuhan para makipamiyesta sa taas ng pamasahe. Hindi na kasing dami ng tao noon ang mga nagiging panauhin sa ngayon dahil sa kanilang hanapbuhay na maaaring nasa sektor komersyal o industrial dito o sa labas ng lunsod, at hindi katulad noong nakatuon lamang sa trabahong bukid na pwedeng iwan sumandali upang makapamiyesta.

Magkaganoon man ay may iisang hindi nagbabago – ang debosyon ng mga tagarito sa mahal na Patrong San Pablo, na sa paglipas ng panahon ay hindi man lamang kumupas. Pinatutunayan ito ng ilang magkakasunod ng Banal na Misa na kung baga sa isang pagtatanghal ay masasabing All Seats Taken o Standing Room Only, sa dami nang sa Kanya’y namamanata. (SANDY BELARMINO)

KFR NADAKIP NG SAN PABLO PNP AT NBI (Biktima Na-rescue)

San Pablo City- Matagumpay ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng San Pablo PNP at NBI sa pagkaka-rescue sa biktima at pagkaaresto ng limang miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) group sa kanilang safe-house sa Brgy. Sto Niño lunsod na ito noong Enero a-kinse ganap na 6:00 ng gabi.

Ang operasyon ay personal na pinamahalaan ni P/Supt. Joel C. Pernito ay nakilala ang biktimang nailigtas na si Adjib Tiburin y Tamano, 30 anyos, binata ng San Miguel, Manila.

Sa ulat na nakarating kay Laguna PD P/S Supt Marolito Labador ay kinilala ang mga suspek na sina Sarah Muslaine, 30 anyos; Mancao Arid, 25 anyos, binata; Dominador Malauin Jr, 30 anyos, binata; Raja Moda Musline, 43 anyos, may-asawa at Esmail Baramabange, 40 anyos, mag-asawa; na pawang tubong Marawi City.

Ayon kay Hepe Pernito ay kinidnap ang biktima noong Enero 2 sa Islamic Center sa Maynila at itinago sa safe-house ng mga suspek sa Alcaran Subd. ng nabanggit na baranggay. Nagkaron ng bayaran ng ransom sa Rizal Avenue lunsod na ito sa halagang P600,000 kung saan naaresto si Moda sa ginawang entrapment.

Nabawi sa mga suspek ang isang Toyota Coroila na may Plate No. na TNR 721, cal. 38 revolver na may limang bala at dalawang cellphone na ginamit ng mga ito para sa ransom demand. Pinamunuan ni Special Agent Rodante Berou ang mga operatiba ng NBI Manila kung saan dinala at detenido na ang mga naturang suspek. (nani cortez)