BIG BROTHERS- Buo ang tiwala sa isa’t-isa nina San Pablo City Mayor Vicente B. Amante at City of Bolingbrook Mayor Roger C. Claar makaraang lagdaan nila ang kasunduan sa pagtatatag ng sisterhood accord sa pagitan ng dalawang siyudad.
San Pablo City - Nilagdaan kagabi ang kasunduan sa pagitan ng Bolingbrook City, Estado ng Illinois USA at Lunsod na ito ang isang accord upang matatag ang kapatiran sa seremonyang ginanap dito.
Layunin ng sisterhood agreement na mapalawak ang unawaan ng mga mamamayan ng dalawang siyudad bilang kanilang bahagi sa kapayapaan at pag-unlad ng daigdig.
Pinangunahan ni Mayor Roger Claar ang delegasyon ng Bolingbrook kasama ang ilang opisyal na may kinalaman sa edukasyon, planning at kapulisan. Naglibot sa buong lunsod sina Claar maaga pa lamang upang dalawin ang ipinagmamalaking pitong lawa ng lugar na ito, sampu nang plantasyon ng niyog kung saan finish product nang dumarating sa kanilang bansa.
Ikinatuwa ng delegasyon ang mainit na pagtanggap sa kanila ni Mayor Vicente B. Amante at Sangguniang Panlunsod na may kaangkupan sa seremonya, higit pang ikinalawak ng unawaan sa larangan ng kalakalan, edukasyon, aghan at teknolohiya, at komersyo.
Bilang unang hakbang isang kalye sa lunsod na ito ang pinangalanang Bolingbrook, samantalang mag-aalay din ang nasabing lunsod ng City of Seven Lakes Street bilang pagpapahalaga sa siyudad na ito.
Ang paglagda nina Amante at Claar ay sinaksihan nina Mayor Nicholas E. Churnovie ng Crest Hill at Mayor Joseph N. Cook Jr. ng Channahan City ng Illinois, USA.
Ang delegasyon ay binubuo nina Lindsey M. Claar, civic leader; Atty. James S. Boan, village attorney; Mr. Talat Rashid, businessman; Ms. Sandy S. Swinkunas, village trustee; Mrs. Sandra Rae Calcagno, Elementary School Asst.; Ms. Libby Runge, Planning Commissioner; Mr. Steven A. Quigley, Liason Officer; Arch. Richard W. Snyder, builder; Mr. Prem T. Lalvani, Commissioner of Police and Fire Board; Ms. Bernadette Encarnacion, Businesswomen at Dr. Mesuri na isang industrialist. (SANDYBELARMINO)