Tuesday, April 15, 2008

BRIEFING ON "COOP PESOS" ISINAGAWA NG CCO

San Pablo City- Patuloy na nagsasagawa ang pamunuan ni Mayor Vicente Amante, sa pangunguna ng City Cooperatives Office (CCO), ng mga programa at proyekto upang maisulong ang sektor ng kooperatiba ng lunsod at higit pang mapaunlad ang mga kasalukuyang rehistradong kooperatiba.

Isa na rito ang pagsasagawa ng briefing on “COOP PESOS” (Compliance Operations and Mgt.,Plans and Programs, Portfolio Quality, Efficiency, Stability, Operations, Structure of Assets) sa pamumuno nina Acting Coop. Officer Concepcion “Beth” Biglete at sa pakikipagtulungan na rin nina G. Hector Capuno, Pangulo ng Saint Paul Cooperative Union (SPCU) at ni Bb. Nonie Hernandez ng Cooperative Dev’t Authority (CDA).

Dumalo ang 43 opisyales ng iba’t-ibang kooperatiba sa lunsod na ito noong Abril 8, 2008 sa gawi ng ABC Training Center, City Hall Compound, kung saan naging resource speaker si Dev’t Specialist II Celeste Castro ng CDA.

Layunin ng COOP PESOS na makasumite ng tama at kumpletong Cooperative Annual Performance Report (CAPR) upang mabigyan ang mga kooperatiba ng Certificate of Good Standing at hindi rin makansela ang kanilang rehistro sa CDA. Pamamaraan din ito upang mabigyang linaw sa mga kasapi ang organizational at financial status ng kanilang kooperatiba. (Jonathan Aningalan/CIO)

No comments: