Thursday, April 17, 2008

MALAPIT LAMANG ANG HIGH SCHOOL SA MAG-AARAL- ADMIN AMBEN


Sa mga palatuntunan ng pagtatapos na dinadaluhan ni City Administrator Loreto “Ambern” S. Amante, bilang personal na kinatawan ni Alkalde Vicente B. Amante, pinapayuhan niya ang mga nagsisipagtapos ng elementarya na magkaroon ng pagkukusa at pagmamalasakit na makapagpatuloy ng pag-aaral sa high school, sapagka’t dapat tanggapin ang katotohanang ang pagkakaroon ng high school education ay susi para ang isang tao ay magkaroon ng magandang pagkakataon para sa ipagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at maayos na pamumuhay sa hinaharap. Ayon sa kanya, “ang pagiging high school graduate ay isang tulay paliban o patawid sa magandang pagkakataon.”

Naniniwala si Amben Amante na “Ang edukasyon ang pundasyon at haligi para sa matatag na hinaharap ng mga kabataan” o “I share the belief that Education is the foundation and pillar of our children’s future:”

Ipinaaalaala ni Amben Amante na dito sa Lunsod ng San Pablo, sa ilalim ng pangangasiwa ni Mayor Vicente Amante, ay nakapagbukas ng sampung (10) yunit pa ng mataas na paaralan, kaya ngayon ay mayroon ng 14 high school campuses sa buong lunsod, kaya ang lahat ng tatapos ng elementarya na residente ng lunsod ng San Pablo ay kayang lakarin na lamang ang pinakamalapit na mataas na paaralang kung saan nila maipagpapatuloy ang pag-aaral. Hindi pa sila malalayo sa pagsubaybay ng kanilang mga magulang.

Sa inyo namang pakikinayon sa barangay na ito, ay inyong ipagpatuloy ang inyong aktibong pakikilahok sa mga gawaing nayon,sapagka’t ito ay bahagi ng ating karapatan, at ang bawa’t karapatan ay may kalakip na pananagutan. (7LPC)

No comments: