Ito ang buod ng tagubilin ni Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago sa lahat ng kanyang mga congressional at field advocacy staff sa ikapagtatagumpay ng mga programang pambayan.
Ang pulido at mahabang preparasyon ay mahusay na pamantayan upang makatiyak na ang mga nasabing programa ay makararating sa mas nakararaming nangangailangan sa distrito ayon pa rin sa tagubilin na mahigpit na ipinatutupad ng mambabatas.
Bunga nito ay ang mainit na pagtanggap at partisipasyon ng mga constituents na nagdulot ng higit na pakinabang.
Nabatid pang ang sistematikong mga pamamaraang ipinasusunod ng kongresista tulad ng maayos at detalyadong pagtupad sa gampanin ay malaki ang naiaambag sa tagumpay ng mga programa sabihin mang ito’y dagsain ng mga tao.
Dahil rin sa paghahanda ay kadalasang sabayang itinataguyod ni Arago ang medical mission sa dalawa o tatlong lugar sa isang araw, napaglilingkuran ang maraming aplikante sa mga jobs fair at nakakapanayam sa mga peoples day.
Kamakailan lang ay magkasunod na naidaos ang mobile passporting at Buntis Congress ng kongresista, samantalang sa ngayon ay inihahanda na ang cathedral mass wedding na gaganapin sa Hunyo 30, 2011.(SEVEN LAKES PRESS CORPS)
Thursday, December 16, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)