Saturday, May 2, 2009

OUTSTANDING SAN PABLEÑOS 2009

Kikilanlin at pararangalan ang mga natatanging anak ng lunsod sa kanilang pagganap ng tungkulin ay nagtampok sa San Pablo bilang lunsod ng mga magigiting.

Ang parangal at pagkilala ay gaganapin sa Mayo 7, ang araw ng pagkakatatag ng San Pablo City, sa isang makahulugang seremonya sa Palmeras Garden and Restaurant. Ito bale ang ika-69 taon foundation day ng lunsod.

Taon-taon ay parami ng parami ang mga personaheng naitatampok bilang mga Outstanding San Pableño na kasing kahulugan na nagiging mabunga ang ginagawang pagsisikap ng marami nating kababayan sa mga piniling larangan. At ang lahat ay nakapag-ambag mula sa kanilang katangian ng mga kapuri-puring gawain bilang alay sa bayang sinilangan.

Kaakibat ng pagsisikap na ito ay ang kanilang sakripisyo na makapaglingkod, hindi lamang sa Lunsod ng San Pablo manapa’y sa bansa sa kabuuan. Ang kalidad ng serbisyong ito, katambal ng kanilang pagpapakasakit ang ating binibigyan ng kahalagahan sa mga ganitong pagkakataon.

Ang ilan sa kanila, sanhi ng kanilang gawain ay nagtiis malayo sa sariling bayan dahil na rin sa hinihingi ng pangangailangan ng kanilang propesyon. Ito ay kahit na masuong sa kakaibang kultura na hindi nakasanayan, ngunit hindi ito nakasagabal upang ipamalas ang angking kakayanan bilang tunay na San Pableño.

Sa kabilang banda ay walang katotohanan ang kasabihang walang propetang sumisikat at pinaniniwalaan sa sariling bayan. Napatunayan ito ng ilang outstanding San Pableños na piniling dito maglingkod, at mag-alay ng kakayanan sa mga kababayan. Sila ang mga uri na naniniwalang higit silang kailangan ng lunsod, na hindi naamuki sa laki ng pagkakataong umasenso sa labas ng bansa.

Magkaganoon may ay walang ipinagkaiba ang mga nabanggit sapagkat ang mahalaga ay sa kung paano nila isinabuhay ang pagiging San Pableño, na sa pamamagitan ng kani-kanilang propesyon at katangian ay nagbunga sa bandang huli ng lubos na kaluguran sa Diyos, sa bayan at sa sangkatauhan.

Nakatakdang parangalan sina Rodrigo “Jiggy” Manicad (media), Alexander C. Cortez (art), Perla Escaba (business), Engr. Maximo E. Daquil (industry), Ramon Go Bun Yong (civic & Humanitarian), Dr. Lilia T. Reyes (education), Rod B. Supeña (banking & accountancy),Joselito Follosco (government service), Dr. Godehardo G. Raymundo (health service), Atty. Antonio E. Lacsam (law), Justice Celia L. Leagogo (Judiciary), Engr. Bernardo C. Adriano Jr. (Science & technology/engineering civil) and Blairwin Angelo M. Ortega (Youth & Sports/shooting).

Binabati ng pitak na ito ang 13 outstanding San Pableño 2009 sa parangal na kanilang tatanggapin at naway kasihan kayo ng Panginoon Diyos upang higit pang makapaglingkod, makatulong at makaalalay sa inyong mga kababayan.

CONGRATULATIONS PO. Ang inyong tagumpay ay tagumpay nating lahat bilang mga magigiting na San Pableños.(SANDY BELARMINO)

Wednesday, April 29, 2009

MGA OUTSTANDING SAN PABLEÑO, PARARANGALAN

MGA OUTSTANDING SAN PABLEÑO, PARARANGALAN
San Pablo City - Inihayag na ang mga napiling Outstanding San Pableños 2009 na nagbigay kinang sa kanikanilang larangan bilang ambag ng lunsod na ito sa sangkatauhan, at nakatakdang parangalan sa Mayo a Siete kaalinsabay ng Foundation Day ng nasabing lunsod.

Ang larangan ng media ay napagwagian ni Rodrigo “Jiggy” Manicad, Jr., batikang reporter ng GMA-Channel 7, samantalang sa larangal ng teatro ay kikilanlin ang ambag ni Dr. Alexander C. Cortez. Si Manicad ay host ng programang Reporters’ Notebook ng naturang network at si Cortez ay director ng Dulaang UP.

Pararangalan sa larangan ng negosyo si Mrs. Perla D. Escaba na nagpatanyag ng Escaba Sweets, sa negosyo’t industriya ay si Engr Maximo E. Daquil sa pagtatatag ng Maxtronix Inc. na tumutulong sa electronics industry ng bansa, at Ramon Go Bun Yong, may-ari ng Ultimart Shopping Center dahil sa kanyang mga pang-sibiko at makataong Gawain.

Hindi matatawaran ang mga naiambag ng mga San Pableño na nasa sektor ng propesyunal nang nakaraang taon, na ang ningning ay nakapagbigay liwanag sa loob at labas ng lunsod.

Ang edukasyon ay kinatawan ni Dr. Lilia T. Reyes, Division Superintendent ng provincial schools sa Laguna; sa Banking/Accountancy ay si Rodrigo “Rod” Supeña na kasalukuyang direktor ng Landbank Leasing Corporation, Mabuhay Holdings, Inc., Country Rural Bank of Taguig at Sustainable Programs for Good Governanc na isang NGO.

Mula sa Department of Budget and Management ay hindi rin masusukat ang performance ni Joselito D. Follosco bilang Chief Budget Specialist, sa larangan ng health service ay si Dr. Godehardo G. Raymundo at sa larangan ng batas ay si Atty. Antonio E. Lacsam na kapwa nasa private practice ng kanilang propesyon.

Sina Justice Celia L. Leagogo ng Court of Appeals ay ipinagkakapuri ng kanyang mga kababayan sanhi ng kanyang ambag sa Judiciary ng bansa at si Engr. Bernardo Adriano Jr. sa larangan ng Civil Engineering na may lakip na parangal.

At sa hanay ng kabataan ay itatampok si Blairwin Angelo M. Ortega dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng isport. Nakapag-uwi na ng maraming medalya si Ortega mula sa mga sinasalihang kompetisyon upang igalang ng kanyang mga katunggali.

Sila ang mga outstanding San Pableños ngayong taon, na ang kinang ay maituturing ng hiyas upang matawag na katangi-tangi. (SANDY BELARMINO)