Sunday, November 1, 2009

LANDSCAPING PROJECT HANDOG NG SAINT PAUL COOPERATIVE UNION KAY MAYOR VBA

SAN PABLO CITY - Naghandog ang Saint Paul Cooperative Union sa pamumuno ni Chairperson Hector A. Capuno ng SPC Pinagbuklod Multi-Purpose Cooperative sa pakikipagtulungan ng City Cooperatives Office sa pamumuno ni City Coop. Officer Concepcion Biglete ng isang “landscaping project” para sa kaarawan ni Mayor Vic Amante. Ang community project na ito ng union ay bahagi na rin ng pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba ngayong Oktubre.

Ang landscaping project sa tagiliran ng Old Capitol Bldg. sa superbisyon ni Gng. Lisa Biglete-Aquino ay naglalayong maimulat sa mga taga-lunsod ang kahalagahan ng maayos, maganda at malinis na kapaligiran.

Naging kaisa sa nasabing proyekto ang labing-isang (11) primary coops sa Lunsod ng San Pablo na miyembro ng SPC Coop Union. Tumulong sa pinansyal na aspeto ng proyekto ang mga Manager ng mga multi-purpose cooperatives (MPC) na sina Milo Tirones ng GEMCO MPC, Loida Dantic ng SPC Nat’l HS MPC, Pablito Bagsic ng Franklin Baker Employees MPC , Rey Salud ng Sandigan ng Mamamayan MPC , Lilia Bautista ng DLSP MPC, Lita Latade ng Tilapia Fish Vendor MPC, Guiller Villanueva ng Brgy. II-F MPC, Leopoldo Devanadera ng Guro sa Pagsulong ng Pamumuhay MPC, Albeniz Calapine ng Saint Christopher MPC, Oscar Pelea ng MARILA MPC at Narciso Bautista ng Salba Dairy MPC. (CIO-SPC)