San Pablo City -Nasa larawan si City Executive Asst. Head Atty. Marius Zabat (2nd from right) habang kasama ang mga bagong halal na mga opisyales ng San Pablo Consumer & Welfare Protection Council na may punong tanggapan sa San Pablo City Shopping Mall. Ang mga nahalal na opisyales ay ang mga sumusunod: Dr. Romy Santos, Pres.; Aldin Rubit, VP; Nieva Monton, Secretary; Nory Alcantara, Treasurer; Eva Ticzon, PRO at Mr. Danila ng DepEd bilang auditor. Sa kasalukuyan ay si G. Alfonso Banaag ang tumatayong Consumer Officer ng nasabing SPCWP council. (Jonathan Aningalan)
Saturday, May 17, 2008
SAN PABLO CONSUMER & WELFARE PROTECTION COUNCIL
San Pablo City -Nasa larawan si City Executive Asst. Head Atty. Marius Zabat (2nd from right) habang kasama ang mga bagong halal na mga opisyales ng San Pablo Consumer & Welfare Protection Council na may punong tanggapan sa San Pablo City Shopping Mall. Ang mga nahalal na opisyales ay ang mga sumusunod: Dr. Romy Santos, Pres.; Aldin Rubit, VP; Nieva Monton, Secretary; Nory Alcantara, Treasurer; Eva Ticzon, PRO at Mr. Danila ng DepEd bilang auditor. Sa kasalukuyan ay si G. Alfonso Banaag ang tumatayong Consumer Officer ng nasabing SPCWP council. (Jonathan Aningalan)
SAN PABLO CITY, ABOVE NATIONAL STANDARDS
Sa pagbubukas ng klase sa Hunyo ay maglalabasang muli ang mga suliranin ng ating mga paaralan mula sa kakapusan ng mga silid aralan, titser hanggang sa hindi pagsunod ng mga kinauukulan sa bawat school sa paniningil ng mga bayaring ipinagbabawal ng DepEd.
Ang mga usaping ito ay karaniwang nangyayari ngunit ito’y doon lamang sa national level na sa bawat taon ay paulit-ulit na lamang. Sa panahong nagdaan ay ito’y palala at parang wala nang kalutasan na wari’y ang pagbibigay pansin upang maresolba ay ang pamamaraang patapal-tapal na lamang. Ika nga’y solving the problem as they come.
Sa puntong ito ay mayroon tayong dapat ipagpasalamat kay Dr. Ester Lozada at sa lahat na sa kanila sa Division of City Schools sapagka’t ang nangyayari sa buong bansa ay hindi natin nararanasan dito sa San Pablo. At kung meron man ay nalulunasan na nila bago ito maging ganap na suliranin, with precision ay na-a-anticipate nila ang sana’y magiging problema. Congrats po mga mam and sir!! Lagi pong nasa likod ninyo ang Seven Lakes Press Corps.
Hindi matatawaran ang papel ng lokal na pamahalaan kung bakit hindi natin nararanasan ang sinasapit ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang panig ng bansa sapagkat ang lubusan nilang pakikipagtulungan sa kagawaran ay malaking tulong upang mabigyan ng puwang ang bawat suliranin.
Masasabing ang pagiging pro-active ni Mayor Vicente B. Amante ay susi sa mga siwang na maaaring pagdaanan ng mga problema ng ating mga mag-aaral, guro at pati ng mga magulang sa tuwing magsisimula ang pasukan. Alam ni Mayor Amante ang dapat gawin at bago pa man umamba ang problema ay nabibigyan na niya ito ng solusyon.
Wala kay Mayor Vic ang tinatawag na pauyuhan na tulad sa Metro Manila na dapat pondo ng national government ang gagamitin sa pagre-repair ng mga eskwelahan. Para sa kanya ay pareho lang ang DepEd budget at local budget, na pinanggagalingan ng problema sa ibang lugar ng bansa. Kapag hindi na dumating ang budget ng DepEd ay magtitiis ang mga mag-aaral sa tumutulong bubungan kapag umuulan?
Sa inisyatiba ni Mayor Amante nalulutas ng agaran ang mga kaparehong problema. After all ay mga kabataang San PableƱo ang makikinabang. Maraming Salamat po Mayor Vic Amante. (SANDY BELARMINO)

Friday, May 16, 2008
BUREAU OF JAIL MANAGEMENT, NOBILITY SANS GLAMOUR
San Pablo City - From among men in uniform, meaning police, army, navy, air force, marines, BFP and BJMP there is common perception that the least glamorous is the BJMP. The notion is that the elements of BJMP escort only detention prisoners or convicted felons. Unlike the other except of course the BFP they guard VIPs and dignitaries.
Little did we understand the significant role BJMP plays in the five pillars of the criminal justice system? If the community is victimized by unscrupulous individual or group of individuals it is the police that are task to gather evidence, establish case and apprehend the violators of law.
In cases of uncontrollable lawlessness needing greater coercive restraint we call upon the AFP to suppress it. But in all instances these lawless elements, the felons or the criminals will have to be tried in court and prosecuted. The court may hand the verdict of acquittal or conviction. In acquittal the accused is left scot-free but in conviction the accused is considered a menace to society. He has to be permanently or temporarily segregated and be segregated from the community.
The BJMP has the wall to give meaning to the court’s decision. BJMP sees to it that the felon or felons are confined and could do no more harm to the community. But the work of the BJMP does not end in simply punishing the convicts and limiting their access to the four walls of the jail. The BJMP is task to treat the felons humanely providing them decent accommodation and basic necessities out of meager resources allocated for its operations.
On top of the tough demands to provide international standard treatment for prisoners, BJMP is likewise mandated to have a program for their rehabilitation. BJMP is expected to prepare the detainees for their ultimate re-assimilation to society as free men after serving sentence. It is a tall order to follow considering the various factors that affect the person and personality of the convicts.
Chief Inspector Wilmor T. Plopinio the new warden of San Pablo City BJMP in elucidating some of the metaphysical variables to rehabilitation gave the following: “physiological, environmental, psychological, clinical and pathological.. A very holistic and multi-axial approach and a no nonsense diagnosis indispensable to consider which only a person who knows and competent about his work can expound. He really has a wide range of knowledge about penology and human behavior. It will probably take week to grasp his theoretical and practical dept. on the subject.
To further illustrate his analysis of the BJMP mandate Chief Inspector Wilmor T. Plopinio categorically stated that he cannot stop on simply rehabilitating a prisoner in attitude. It is not simply making them recognize responsibility as a member of an organized society and respect to others right. Many succeed on that part but the hardest is for the convict felon to redeem his self respect, his human worth and that he can still be worthy and productive member of the community that ostracized him once. The healing of the deep aching wound comes short in time but the scar remains long after the pain is gone. BJMP really has a vital role to play but with all their noble achievement and task BJMP remains in anonymity and sans the glamour. BJMP deserves our accolade. These men put felons in order so that peace would follow. (SANDY BELARMINO/vp-7LPC)
Thursday, May 15, 2008
ANG HERMANA AT ANG MEDIAMAN
Si Mediaman Sandy Belarmino kasama ang sikat na artistang si Nadine Samonte matapos na makapanayam ito para sa kanyang programang "Dyaryo sa Telebisyon" na napapanood sa Celestron Cable TV (Channel 10) at Telmarc Cable TV (Channel 21). Si Bb. Nadine Samonte ay ang naging kabalikat ni City Administrator Loreto "Amben" Amante bilang Hermana/Hermano Mayor ng katatapos lamang na Grand Santakrusan 2008 ng Lunsod ng San Pablo. (Jonathan S. Aningalan)
Wednesday, May 14, 2008
MGA SPORTS NA NAGLALAHO
Kasama sa pagsulong ng panahon, sa pagbabago ng antas ng ating katayuan ay ay may nakagisnan tayong unti-unti nang naglalaho lalo na sa palakasan na tuwing sasapit ang bakasyon ay naging karaniwang tanawin noon.
Dala ng nasabing pagbabago ang pag-agaw sa atin ng mga dating libangan sa larangan ng sports na diti-rati’y bahagi ng ating pag-ani ng gulang buhat sa kamusmusan. Noon sa pag-inog n gating buhay ay pinagdadaanang lahat ang mga larong ito, na sa ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring kabataang nagtatangkang ang mga ito ay mapanumbalik.
Sino ba naman sa ngayon ay nasa katanghaliang gulang ang makalilimot sa mga larong naging bahagi ng kanilang pagtanda? Nandiyan pa rin naman ang mga ito ngunit unti-unti nang nawawala. May nakikita pa tayong mga paslit na naglalaro ng “sikyo” subalit bihira na tayong makakita ng “nagtu-tumbang preso”.
Malaki ang kinalaman ng kaunlaran sa dahan-dahang pagkawala ng mga kahalintulad na palakasan sa ating paligid. Ang tumbang preso na karaniwang nilalaro ng mga paslit at kabinataan sa gitna ng karsadang mga kalesa lang at kariton ang nagdadaan. Sa pagdami ng mga sasakyan ay tuluyan na nilang binawi ang palaruang ito, nawalan tayo ng ispasyo at binura ang ating playing fields.
Hindi lang mga paslit ang naapektuhan ng pagsulong dahil kahit ang mga matured sports ay hindi rin nakaligtas dito. Sa tuwing bakasyon noon ay libangan na ng buong bayan ang panonood ng baseball o softball sa mga barangay. Ang mga bakanteng lote na palaruan ay unti-unting pinagtayuan ng mga tahanan o ginawang lugar ng mga pagawaan. Bagama’t nandoon pa rin ang pagkahumaling sa mga nabanggit na sport ay ang pagkawala ng playground ang nagdidikta upang ito ay ating malimutan.
May mga panoorin sa mga piyesta ng bawat nayon ang mga naglaho na rin. Wala na tayong mapanood na “Juego de Anillo” na nilalaro ng mga nakasakay sa matuling na tumatakbong kabayo na habang kabilisan ay tutuhugin ang mga nakabiting singsing na daraanan. Bawat singsing na makuha ay may katapat na premyo. Iilan na lang ang may mga kabayo sa ngayon, at wala na ring ispasyo para sa palarong ito.
Ang mga laro na nangangailangan ng malawak na palaruan ay nahalinlan ng mga indoor sports tulad ng Volleyball, Basketball, Bowling, Tennis at iba pang kahalintulad. Maging ang tinatawag na pambarakong sport na bilyar ay napatanyag at ngayo’y kinikilala na ng olimpyada.
Samantala ang marami sa ating mga kabataan ay nahumaling sa makabagong handog ng teknolohiya na dala ng computers at naging mental exercise ang dating mga physical games. Dala ito ng kaunlaran ngunit nakapanghihinayang sapagka’t napapagkaitan ang ating mga kabataan ng saya ng katutubong sports na ating naranasan. (SANDY BELARMINO)

Subscribe to:
Posts (Atom)