Ang isa sa mga isyung inilalabas ng mga kakandidato sa iba’t-ibang posisyon laban sa mga kasalukuyang halal na opisyal ng pamahalaan ay ang naglipanang mga tarpaulin sa mga lansangan sapagkat ayon sa kanila ay sobra na’t masakit para sa kanilang paningin.
Sa isang banda’y maaaring balido ang kanilang mga pagpuna upang mapangalagaan ang kanilang interes partikular ang pagsusulong sa binabalak na kandidatura, sapagkat paano nga naman nila masasabayan ang mga tarpaulin ng mga incumbent.
Hindi layunin ng artikulong ito na puwingin ang sino man sa kanilang paniniwala bagkus ay magbigay linaw sa mga taong madali nilang napapaniwala at naaakay sa mali o lisyang katwiran.
Pinaka-praktikal ang tarpaulin sa ngayon na pumalit sa mga materyales na tulad ng plywood, lawanit at metal na dating ginagamit sa outdoor advertising upang mag-anunsyo ng mga adbokasiya, bago o dati nang produkto sa ating merkado at programa’t mga ginagawa ng gobyerno.
Ang katotohanan dito ay isa ito sa mga ipiang-uutos ng batas lalo pa’t mga pagawaing bayan ang nakasalalay. Proteksyon ang mga tarpaulin laban sa pagmamalabis, pagkukulang at pang-aabuso sa mga kontratang pinapasok ng ating pamahalaan sa mga private contractor.
Nakasaad sa mga tarpaulin ang technical description ng bawat proyekto tulad ng halaga, pangalan ng contractor, palugit kung kailan matatapos at iba pang alituntunin hinggil sa proyekto upang mapangalagaan ang interes ng publiko.
Hindi political issue ang dami ng tarpaulin saan mang dako ng Calabarzon sapagkat sumasagisag ito sa sipag ng inyong mambabatas at local na opisyal, sa halip ay mangamba ang lahat sa mga maiingay na walang maipakitang tarpaulin.
Monday, November 23, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)