Upang higit na mapalawak ang pagtitiwala ng publiko sa BJMP Region 4-A ay isinagawa kamakailan ang random drug testing sa mga Provincial Administrators (PA’s), Wardens at mga opisyales at kawani ng naturang kagawaran. Ang makabago at modernong Lucena City Diagnostic Testing Center ang siyang nagsagawa ng kaukulang urine and blood analysis. Ito’y pagtalima ni Regional Director J/S Supt. Norvel M. Mingoa sa direktiba ni DILG Sec. Ronaldo V. Puno na magsagawa ng random drug testing ang lahat ng sangay ng BJMP upang matiyak na ang lahat ng mga kawani at opisyales nito ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na droga at isa itong “Drug Free” gov’t agency. (SANDY BELARMINO)
Tuesday, February 17, 2009
Sunday, February 15, 2009
SPCSHS OIC RAMOS KINILALA NI AMANTE
Nasa larawan si DEPED Education Supervisor-1 Helen Ramos habang tinatanggap ang sertipikasyon ng pagkilala at pagpapahalaga ni Alkalde Vicente B. Amante sa mga naiambag ng San Pablo City Science High School (SPCSHS) upang ang Lunsod ng San Pablo ay higit pang makilala at mangibabaw sa larangan ng edukasyong pang-agham. Si Ginang Ramos ang Officer-in-Charge ng SPCSHS sapul ng ito’y maitatag noon taong 2005 sa pamamagitan ng lubos na pagkakaisa at pagtutulungan nina Mayor Amante at San Pablo City Division of Schools Supt. Dr. Ester Lozada. Nasa larawan din si Head Exec. Asst. Atty. Marius Zabat at Bb. Donnalyn B. Eseo. (SANDY BELARMINO)
Subscribe to:
Posts (Atom)