“PROBLEMANG PANG-KALUSUGAN MAY DAGDAG KASAGUTAN NA” - Sa malao’t madali ay magsisimula nang maglingkod ang San Pablo City General Hospital (SPCGH) na sa ating pagtantiya’y pinakamatagal na ang unang quarter ng susunod na taon. Wala naming nangangarap na San Pableño na maging pasyente sa isang pagamutan, subalit magkaminsan sa panahon na ang ating kalusugan ay nagdaraan sa mga pagsubok na ang ospital na ito ay may handog na kasagutan.
Anlahoy, anlahoy, anlahoy! Ang katugunang ito ang sanhi upang ito ay matayo na dahil sa mga kahilingan at daing ng mas nakararaming mamamayan ng lunsod kung kaya nga’t pinagsikapan ng local na pamahalaan na ito ay maipundar. Sa likod nito ay nakatatak ang misyon at pananaw ng mga kinauukulan na ibayo pang mapaglingkuran ang mga mahihirap na kababayan.
Walastik! Ngunit hindi ganoong naging kadali sapagkat kahit nagdaan sa tamang proseso ay umabot pa sa hukuman sa pagnanasa ng mga lukotoy na ito ay mapigilan. Lahat ng paraan ay kanilang ginawa upang huwag itong matuloy at salamat na lamang na hindi sila nagtagumpay.
Ala eh, may aral tayong natutunan sa pangyayaring ito. Na ang isang bagay kapag banal ang layunin ay nararapat na ipaglaban sapagkat sa bandang huli ay ang mananaig ay ang kapakanan ng mas nakararami. Hindi birong mga batikos ang tinanggap ni Mayor Vicente B. Amante nang ito’y binabalak pa lamang buhat sa kanyang mga kritiko na walang humpay sa pag-atake ngunit ngunit kinalauna’y tumigil din sapagkat napansing umiirap na ang taumbayan.
Nakapag-inspeksyon na ang maraming manggagamot sa patapos ng SPCGH at ang ilan sa kanila’y nagpahayag na ng kahandaang maglingkod sa sambayanang San Pableño. Bagama’t hindi naman tahasang libre ang kanilang serbisyo ay sa abot ng ating pagkakaalam ay lubha namang mas mababa sa mga sinisingil sa mga pribadong pagamutan.
Ano pa’t kapag tuluyan nang mabubuksan sa susunod na taon ang SPCGH ay malaking kaginhawahan ito sa mga San Pableño at mga karatig bayan.
Nararanasan na ng marami nating kababayan na kahit kailangng magpa-admit sa pagamutan ay nagpapabalik-balik sa paghahanap ng ibang ospital sapagkat hindi kayang i-accommodate ng Panlalawigang Pagamutan ng Laguna sanhi ng sobrang dami ng pasyente. Ang tagpong ito ay malapit nang malunasan at ito nga ay sa pamamagitan ng SPCGH. (Sandy Belarmino)
Friday, September 19, 2008
SPCGH BINISITA NG SPCMS
Si Mayor Vicente B. Amante (Left) habang iginigiya at ipinapakita kay San Pablo City Medical Society President Dr. Dionisio Gutierrez (Right) at mga kasamahan ang kabuuan ng San Pablo City General Hospital. (Sandy Belarmino)
San Pablo City – Sa pangunguna ni Dr. Dionisio Gutierrez. Pangulo ng San Pablo City Medical Society (SPCMS) ay sama-samang binisita ng mga miyembro at opisyales ng naturang asosasyon ang papatapos nang gusali ng San Pablo City General Hospital (SPCGH).
Noong nakaraang linggo ay ang SPCMS ang naging punong namahala sa flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan kung saan ay nag-ulat ang samahan ng mga doctor sa kanilang mga isinusulong na proyekto at programang ipagkakagaling ng pamayanan.
Sa paanyaya ni Punong Lunsod Vicente B. Amante ay agad na nagtungo ang mga taga SPCMS sa Brgy. San Jose upang personal nilang makita ang halos patapos nang gusali ng SPCGH.
Iisa ang ipinahayag ng mga doctor na bumisita sa naturang ospital: “na ito’y magiging napakalaking tulong sa mga kababayang San Pableño na nagkakasakit at nangangailangan ng serbisyong pang-medikal at hospitalisasyon, idagdag pa ang magiging kaluwagan sa mga maralitang mamamayan na hindi kayanin ang gastusin sa mga pribadong pagamutan”.
Sa panig ni Mayor Vicente B. Amante ay nanawagan ang alkalde ng malaking ambag tulong sa nabanggit na samahan upang ang mga ito’y makabalikat sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng kauna-unahang ospital na pamamahalaan ng kanyang administrasyon.
“Ano man ang ganda at kumpletong kagamitan meron ang ospital na ating itinatayo, kung wala naman ang malaking maiaambag na serbisyong publiko ng ating mga doctor ay hindi ito makakapagdulot ng inaasam nating magandang paglilingkuran. Kung kaya’t lubos ang ating pasasalamat sa pangakong pakikiisa ng San Pablo City Medical Society at ng kanilang pangulo, Dr. Dionisio Gutierrez, at ng iba pang samahan lalo’t higit ang Philippine Medical Association (Southern Tagalog Chapter) sa pamumuno ni PMA Governor Dr. Eman Loyola” pahayag ni Amante. (CIO/Jonathan Aningalan/Ito Bigueras)

BUTIL NG KANIN, 'WAG SAYANGIN
San Pablo City - Nagpatibay ng resolusyon ang Sangguniang Panlunsod dito na nananawagan sa mga mamamayan upang huwag magsayang ng kanin na karaniwang nang nangyayari sa mga hapag kainan ng bawat tahanan.
Ang Resolusyon Blg. 2008-369 na iniakda ni konsehal Ellen T. Reyes na kinatigan ng buong sanggunian ay isa-isang tinukoy ang nakababahalang kalagayan ng daigdig sa kakulangan ng pangunahing butil ng bigas sa mga pamilihan, at ang unang paraan upang ito ay malunasan ay ang huwag itong sayangin.
Sinabi ni Reyes na nakakaalarma ang katotohanang mahigit sa kalahati ng populasyon sa mundo ang nagdaranas ng gutom, isa kada apat na segundo ang namamatay at ayon sa United Nation ay aabot sa apat na milyon na karamiha’y bata sa pagtatapos ng taong ito.
Ang Pilipino ayon sa konsehala ay top importer ng bigas na umaabot ng 1.7 milyong tonelada taon-taon ngunit sa kabila nito ay nagdaranas pa rin ng kakulangan sa butil ang bansa. Nakalulungkot dugtong pa ni Reyes na ang Pilipinas ay nag-aaksaya ng 24,605 kaban ng bigas araw-araw ayon sa Bureau of Agricultural Statistic at ang kanyang resolusyon ay naglalayong simulan ang kampanya laban sa pagsasayang ng gintong butil dito sa lunsod.
Inaasahan ni Reyes na tutugunin ng taumbayan ang kanyang Anti-Squandering Rice Program hanggang lumaganap sa buong kapuluan. (ITO BIGUERAS/ CIO)

Monday, September 15, 2008
PASASALAMAT NG PAMILYA ENRIQUEZ AT DAQUIL
Severa Enriquez Daquil
Brgy. San Nicolas, San Pablo City
1922 – 2008
P A S A S A L A M A T
Lubos na pasasalamat sa mga nakidalamhati, nakiramay at nag-alay ng mga panalangin sa yumaong si Severa Enriquez Daquil ng Barangay San Nicolas, San Pablo City, ang nais naming iparating sa lahat.
Sa gitna ng aming kalungkutan at pagdadalamhati ay nabigyan ninyo kami ng karagdagang lakas upang maluwalhating matanggap ang pagbawi ng Poong Maykapal sa hiram na buhay ng aming kapamilya.
Maraming Maraming Salamat po.
MGA NAULILA NI SEVERA ENRIQUEZ DAQUIL
Sunday, September 14, 2008
FAMILY WEEK CELEBRATION, ITATAGUYOD NI AMANTE
San Pablo City- Itataguyod ni Mayor Vicente Amante bilang Chairman kasama ang mga miyembro ng Family Advocates mula sa local at national gov’t agencies at NGO’s ang ika-apat na taong pagdiriwang ng Family Week Celebration sa Lunsod ng San Pablo. Nakahanay ang iba’t-ibang programa mula Setyembre 19-27 na may temang “Fathers and Families: Responsibilities and Challenges” at slogan na “Maabilidad si Dad”. Ang mga programa ay nakatuon sa pagbibigay importansya sa papel ng isang ama sa pagkakaisa at pagpapatibay ng kanyang pamilya.
Sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang media conference sa Sept. 19 sa LDS Hall. Host naman sa Flag Ceremony sa Sept. 22 ang UPC at Seventh Day Adventist. Susundan ito ng parada sa pangunguna ng mga miyembro ng Family Advocates, Day Care Workers, Brgy. Nutrition Scholars, Senior Citizens, at iba pa. Symposium na dadaluhan ng mga “Ama” mula sa local/nat’l gov’t agencies na gaganapin sa One Stop Center sa pangunguna ng Latter Day Saints.
Livelihood Training sa pamumuno ng DepEd sa Sept. 23 sa Central School; Symposium per District sa Sept. 24 sa LDS, SDA at LSPU; Essay Writing/Poster Making na lalahukan ng public at private HS students sa pamumuno ng City Population Office at NSO sa LDS; Medical Mission sa Sept. 26 sa pamumuno ng City Health Office at SPC Medical Society sa Pamana Hall. Sa pagtatapos ay isasagawa sa Sept. 27 ang awarding para sa Ulirang Pamilya 2008 na gaganapin sa Pamana Hall.
Ang pagdiriwang ay sa pagtataguyod ng tanggapan ng City Mayor’s, City Social Welfare, City Health, City Population, City Information, Nat’l Statistics Office, DepEd, Latter Day Saints, United Pastoral Council at Seventh Day Adventist. (Ito Bigueras/Jonathan Aningalan)

Subscribe to:
Posts (Atom)