Sunday, September 14, 2008

FAMILY WEEK CELEBRATION, ITATAGUYOD NI AMANTE

San Pablo City- Itataguyod ni Mayor Vicente Amante bilang Chairman kasama ang mga miyembro ng Family Advocates mula sa local at national gov’t agencies at NGO’s ang ika-apat na taong pagdiriwang ng Family Week Celebration sa Lunsod ng San Pablo. Nakahanay ang iba’t-ibang programa mula Setyembre 19-27 na may temang “Fathers and Families: Responsibilities and Challenges” at slogan na “Maabilidad si Dad”. Ang mga programa ay nakatuon sa pagbibigay importansya sa papel ng isang ama sa pagkakaisa at pagpapatibay ng kanyang pamilya.

Sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang media conference sa Sept. 19 sa LDS Hall. Host naman sa Flag Ceremony sa Sept. 22 ang UPC at Seventh Day Adventist. Susundan ito ng parada sa pangunguna ng mga miyembro ng Family Advocates, Day Care Workers, Brgy. Nutrition Scholars, Senior Citizens, at iba pa. Symposium na dadaluhan ng mga “Ama” mula sa local/nat’l gov’t agencies na gaganapin sa One Stop Center sa pangunguna ng Latter Day Saints.

Livelihood Training sa pamumuno ng DepEd sa Sept. 23 sa Central School; Symposium per District sa Sept. 24 sa LDS, SDA at LSPU; Essay Writing/Poster Making na lalahukan ng public at private HS students sa pamumuno ng City Population Office at NSO sa LDS; Medical Mission sa Sept. 26 sa pamumuno ng City Health Office at SPC Medical Society sa Pamana Hall. Sa pagtatapos ay isasagawa sa Sept. 27 ang awarding para sa Ulirang Pamilya 2008 na gaganapin sa Pamana Hall.

Ang pagdiriwang ay sa pagtataguyod ng tanggapan ng City Mayor’s, City Social Welfare, City Health, City Population, City Information, Nat’l Statistics Office, DepEd, Latter Day Saints, United Pastoral Council at Seventh Day Adventist. (Ito Bigueras/Jonathan Aningalan)

No comments: