Friday, April 23, 2010

NOYNOY, NANGASIWA SA PROKLAMASYON NG LP SA LAGUNA

San Pablo City- Pinangunahan ni Liberal Party (LP) presidential candidate Sen. Noynoy Aquino ang proklamasyon ng mga kandidato opisyal ng partido sa lalawigang ito nang nakaraang Biyernes ng gabi.

Ang proklamasyong dinaluhan ng humigit kumulang na 12,000 katao ay nakasama ni Aquino ang ka-tandem na si Sen. Mar Roxas at mga senatoriable na sina dating kalihim at Sen. Franklin Drilon, Rep. TG Guingona, Rep Ruffy Biazon, Alex Lacson, Ralp Recto, Sonia Rocco at maybahay ng nakapiit na si Gen. Danny Lim.

Ipinuroklama nina Aquino at Roxas si Congresswoman Ivy Arago bilang official candidate ng LP sa ikatlong purok ng lalawigan, dating kalihim, senador at gobernador Joey D. Lina sa pagka-gobernador, Soy Oruga Mercado sa pagka Bise-Gobernador at Herticz Ticzon bilang bokal ng distrito.

Itinaas din ang kamay ng mga kandidatong konsehal ng lunsod na ito na sina Rondel Diaz, Ed Dizon, Arthur Bulayan, Wilson Maranan, Daboy Rogador, Dr. Egay Adajar at Arnel Bobot Ticzon. Isa-isa ring ipinuroklama ang official slate ng bawat bayan ng ikatlong distrito na pinangunahan ng mga sumusunod:

Victoria, Laguna: Mayor Nonong Gonzales; Vice Mayor James Rebong at mga konsehal na sina Leoncio “Onie” Fajardo, Ginaflor Alanguilan, Renato Banay, Jaime Barcenas Jr., Wilfredo Herradura, Prudencio Pajutan III at Edervijos Talucod.

Alaminos, Laguna: Mayor Ruben Alvarez, vice mayor Ben Avenido at mga konsehales Rocel Macasaet, Elvie Manalo, Rodolfo Jampas, Edgardo Faylona, Harold Jaron, Rolando Perez at Renato Ramos.

Calauan, Laguna: Mayor June Brion, Vice-Mayor Allan Sanchez at mga konsehales Cesar Castro, Nelson Cosico, Zenaida Hilario, Ma. Jesusa Larona, Teodorico Magno Jr., Eddie Mendoza at Roderick Redula.

Nagcarlan, Laguna: Mayor Rosendo Corales. Konsehales: Avelino Bueno, Rolly Coronado, Victor Gonzales, Edgar Rubian, Edilberto Sotoya, Filipina Sumague, Divina Vericiano at Rosalinda Viterbo.

Rizal, Laguna: Vice-Mayor Russel Isles. Konsehales Jay Royo at Mario Sumague.

Sa nasabing proklamasyon ay pinasalamatan ni Sen. Aquino ang pamilya ni Atty. Hizon A. Arago at Eva R. Arago bilang personal na kaibigan ng kanyang pamilya, samantalang inilarawan ni Sen. Roxas ang kasipagan ni Cong. Ivy Arago sa pagpa-follow-up ng mga nakabinbing panukalang batas sa senado sa pamamagitan ng text, e-mail at tawag sa telepono bukod pa sa personal na pagtungo sa senado.

CONGW. IVY, LALONG ITINAMPOK

Ipinagkibit balikat lang ng pamunuan ng Sibulan-Ivyville Homeowners Association, Nagcarlan, Laguna, ang iniulat sa isang lokal na pahayagan na kumukwestyon sa magandang layunin ni Congresswoman Maria Evita Arago na mabilis na maisaayos ang mga requirements ng samahan upang sa malapit na hinaharap ay maipagkaloob na ang Certificate of Lot Award (CLOA).

Sa panayam kay Irene Solmoro, tumatayong pangulo ng asosasyon, ay kanyang itinuturing itong isang pang-iintriga lang na dala ng init ng pulitika at ang tanging pakay ay sirain ang reputasyon ng kongresista nang sa ganoon ay maibaba ang tinatamasang popularidad nito sa taumbayan.

Hindi sila magtatagumpay sapagkat mananatiling solido sa likod ni Congw. Arago ang mga prospective beneficiaries na binubuo ng 71 pamilya na mula’t sapul ay inaalalayan na ng mambabatas sa pinagdadaanang proseso ng samahan at kailan man ay hindi sila pinabayaan.

Kabilang sa proseso ay ang intent/offer to sell ng may-ari ng lupa na si Aida H. Padilla at intent to buy sa panig naman ng homeowners association, sa ilalim ng Local Housing Fund ni Congw. Arago at sa pangangasiwa ng Land Tenurial Association Program (LTAP) ng National Housing Authority.

Aminin nating hindi madali ang pagsasagawa ng mga dokumentasyon at ilan pang kinakailangang asikasuhin na sa tingin ng mga miyembro ng samahan ay madali subalit kapag minsan ay may sumusulpot na problema. Isa na rito ay ang right of way, tulad na lamang na inilapit kay San Pablo City PAMANA Vice Pres. Venancio Esquivil.

Hindi natin batid ang intensyon ni Esquivil kung siya ba’y talagang concern sa lumapit sa kanya o kaya’y namumulitika na rin ang Pangalawang Pangulo ng samahan ng mga nakakatanda? Sa halip na tuwirang makipag-ugnayan kay Congw. Ivy tulad ng nakaugalian ay kapansin-pansin na sa kalaban ng kongresista lumapit? Kung baga ay maliit na halos wala ngunit pinalaki lang sa ulat. Ito ba Ma Bening ang dapat tularan ng ating mga kabataan at kapwa senior citizen ng lunsod? Ito ba ang gawain ng isang bayaning tulad mo?

Kung sabagay ay ganito talaga ang mga nararanasan ng mga nagsusulong sa pagtatayo ng mga bagong pamayanan, na ang mga suliranin ay nililikha na rin ng mga nakapaligid. Naging karanasan ito ni Konsehal Onie Fajardo ng Victoria, Laguna, nang itatag ang Danbuville. Ayon kay Konsehal Onie ay maraming negatibong ulat ang naglabasan na pilit na pinahihina ang loob ng mga miyembro, subalit sa tulong ni Congw. Ivy ay naipagkaloob ng agaran sa mga beneficiaries ang mga loteng tirikan ng kanilang mga bahay.

Sa pag-alalay rin ni Kon. Onie at Lucy Pinecate kay Congw. Ivy ay naipagkaloob din sa 91 pamilya ang mga residential lot ng Masapang Ivyville nang nakaraang Enero taong kasalukuyan. Ito ang pangalawang housing project ni Ivy sa distrito, samantalang magiging pangatlo ang isinasaayos na Sibulan Ivyville sa Nagcarlan.

Ano man ang negatibong insinwasyon sa naturang proyekto ay napakalaking pagkakamali sa panig ng mga kulelat na kalaban ng kongresista sapagkat lalo itong magtatampok sa kandidatura ni Most Outstanding Congresswoman Maria Evita “IVY” Arago. (SANDY BELARMINO)

BINTANG UKOL SA IVYVILLE, PINABULAANAN

Nagcarlan, Laguna---Mariing pinabulaanan ng mga opisyal Sibulan-Ivyville Homeoners Assosciation ang bintang na harassment na lumabas sa ulat ng isang pahayagan batay sa salaysay ng isang guro kamakailan.

Sa panayam ng Tribune Post kina Irene Solmoro at Erinita Commendador, pangulo at direktor ng nasabing samahan ay kanilang nilinaw na kahit kailan ay walang naganap na pananakot kaugnay ng sinasabing binibiling right of way sapagka't sa ngayon naman ay hindi pa ito kailangan bukod pa sa mayroon naman ibang madadaanan.

Ang unang pinagsusumikapan ng samahan ay mabili na ng gobyerno ang pribadong lupaing may sukat humugit kumulang sa 6,000 sq. m. upang maipamahagi sa 71 residente ng nasabing lugar at hindi ang 557 sq. m. na sinasabing ng gurong si Leonida S. Manzano na posible anilang nagagamit lang ng ilang interes.

Sa ngayon ay hawak na ng samahan ang notaryadong INTENT/OFFER to SELL mula sa may-aring si Aida H Padilla ng Marikina City at INTENT TO BUY sa ngalan ng samahan. Nilalakad na ito sa National Housing Authority (NHA) na siyang direktang magbabayad ng lupa kay Padilla.

“Nahihiya nga po kami kay Cong. Ivy Arago dahil siya ang tuwirang tumutulong sa amin na mapabilis ang proseso ng dukumentasyon subalit kung anu anong malisyosong akusasyon pa ang ibinabato ng kanyang mga kalaban sa pulitika dahil sa pag-alalay sa mga member beneficiaries” pahayag nina Solmoro.

Pinalilitaw sa ulat na pribadong transaksyon ni Arago ang Sibulan-Ivyville subalit ang katotohanan dito ay nasa ilalilm ito ng proyektong Land Tenurial Assistance Program (LTAP) ng NHA., kung saan babayaran muna ng pamahalaan ang lupain at hulugang babayaran naman ng mga benepisyaryo sa gobyerno.

Kung sakaling maisakatuparan ang proyekto ay magiging pangatlong housing project ito ni Arago sa distrito.Una nang nai-award ang mga lote sa Danbuville at Masapang Ivyville sa bayan ng Victoria. (SANDY BELARMINO)