Ipinagkibit balikat lang ng pamunuan ng Sibulan-Ivyville Homeowners Association, Nagcarlan, Laguna, ang iniulat sa isang lokal na pahayagan na kumukwestyon sa magandang layunin ni Congresswoman Maria Evita Arago na mabilis na maisaayos ang mga requirements ng samahan upang sa malapit na hinaharap ay maipagkaloob na ang Certificate of Lot Award (CLOA).
Sa panayam kay Irene Solmoro, tumatayong pangulo ng asosasyon, ay kanyang itinuturing itong isang pang-iintriga lang na dala ng init ng pulitika at ang tanging pakay ay sirain ang reputasyon ng kongresista nang sa ganoon ay maibaba ang tinatamasang popularidad nito sa taumbayan.
Hindi sila magtatagumpay sapagkat mananatiling solido sa likod ni Congw. Arago ang mga prospective beneficiaries na binubuo ng 71 pamilya na mula’t sapul ay inaalalayan na ng mambabatas sa pinagdadaanang proseso ng samahan at kailan man ay hindi sila pinabayaan.
Kabilang sa proseso ay ang intent/offer to sell ng may-ari ng lupa na si Aida H. Padilla at intent to buy sa panig naman ng homeowners association, sa ilalim ng Local Housing Fund ni Congw. Arago at sa pangangasiwa ng Land Tenurial Association Program (LTAP) ng National Housing Authority.
Aminin nating hindi madali ang pagsasagawa ng mga dokumentasyon at ilan pang kinakailangang asikasuhin na sa tingin ng mga miyembro ng samahan ay madali subalit kapag minsan ay may sumusulpot na problema. Isa na rito ay ang right of way, tulad na lamang na inilapit kay San Pablo City PAMANA Vice Pres. Venancio Esquivil.
Hindi natin batid ang intensyon ni Esquivil kung siya ba’y talagang concern sa lumapit sa kanya o kaya’y namumulitika na rin ang Pangalawang Pangulo ng samahan ng mga nakakatanda? Sa halip na tuwirang makipag-ugnayan kay Congw. Ivy tulad ng nakaugalian ay kapansin-pansin na sa kalaban ng kongresista lumapit? Kung baga ay maliit na halos wala ngunit pinalaki lang sa ulat. Ito ba Ma Bening ang dapat tularan ng ating mga kabataan at kapwa senior citizen ng lunsod? Ito ba ang gawain ng isang bayaning tulad mo?
Kung sabagay ay ganito talaga ang mga nararanasan ng mga nagsusulong sa pagtatayo ng mga bagong pamayanan, na ang mga suliranin ay nililikha na rin ng mga nakapaligid. Naging karanasan ito ni Konsehal Onie Fajardo ng Victoria, Laguna, nang itatag ang Danbuville. Ayon kay Konsehal Onie ay maraming negatibong ulat ang naglabasan na pilit na pinahihina ang loob ng mga miyembro, subalit sa tulong ni Congw. Ivy ay naipagkaloob ng agaran sa mga beneficiaries ang mga loteng tirikan ng kanilang mga bahay.
Sa pag-alalay rin ni Kon. Onie at Lucy Pinecate kay Congw. Ivy ay naipagkaloob din sa 91 pamilya ang mga residential lot ng Masapang Ivyville nang nakaraang Enero taong kasalukuyan. Ito ang pangalawang housing project ni Ivy sa distrito, samantalang magiging pangatlo ang isinasaayos na Sibulan Ivyville sa Nagcarlan.
Ano man ang negatibong insinwasyon sa naturang proyekto ay napakalaking pagkakamali sa panig ng mga kulelat na kalaban ng kongresista sapagkat lalo itong magtatampok sa kandidatura ni Most Outstanding Congresswoman Maria Evita “IVY” Arago. (SANDY BELARMINO)
Friday, April 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment