San Pablo City- Matagumpay ang isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng San Pablo PNP at NBI sa pagkaka-rescue sa biktima at pagkaaresto ng limang miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) group sa kanilang safe-house sa Brgy. Sto NiƱo lunsod na ito noong Enero a-kinse ganap na 6:00 ng gabi.
Ang operasyon ay personal na pinamahalaan ni P/Supt. Joel C. Pernito ay nakilala ang biktimang nailigtas na si Adjib Tiburin y Tamano, 30 anyos, binata ng San Miguel, Manila.
Sa ulat na nakarating kay Laguna PD P/S Supt Marolito Labador ay kinilala ang mga suspek na sina Sarah Muslaine, 30 anyos; Mancao Arid, 25 anyos, binata; Dominador Malauin Jr, 30 anyos, binata; Raja Moda Musline, 43 anyos, may-asawa at Esmail Baramabange, 40 anyos, mag-asawa; na pawang tubong Marawi City.
Ayon kay Hepe Pernito ay kinidnap ang biktima noong Enero 2 sa Islamic Center sa Maynila at itinago sa safe-house ng mga suspek sa Alcaran Subd. ng nabanggit na baranggay. Nagkaron ng bayaran ng ransom sa Rizal Avenue lunsod na ito sa halagang P600,000 kung saan naaresto si Moda sa ginawang entrapment.
Nabawi sa mga suspek ang isang Toyota Coroila na may Plate No. na TNR 721, cal. 38 revolver na may limang bala at dalawang cellphone na ginamit ng mga ito para sa ransom demand. Pinamunuan ni Special Agent Rodante Berou ang mga operatiba ng NBI Manila kung saan dinala at detenido na ang mga naturang suspek. (nani cortez)
Monday, January 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment