Tuesday, August 5, 2008

SANITARY LANDFILL NG LUNSOD KABILANG SA FLAGSHIP PROJECT NG OFFICE OF THE PRESIDENT

San Pablo City – Kabilang sa 155 priority infrastructure projects ang sanitary landfill facilities (SLF) ng lunsod na ito sa itinuturing na isang mabuting halimbawa ng Office of the President dahil sa pakinabang ng mga mamamayan dito kaugnay sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang rekomendasyon ay nagbuhat sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na direktang nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo kung kaya’t napabilang sa Comprehensive and Integrated Infrastructure Program (CIIP) na regular na sinusubaybayan ng Infrastructure Monitoring Task Force (IMTF).

Isa lang ang SLF ng lunsod na ito sa dalawang sanitary landfill na nakasali sa programa.

Nakapagsumite na ng ulat detalye si Engr. Ruel Dequito ang Officer-In-Charge ng City Solid Waste Management Office, sa IMTF kung saan nakasaad ang naging katuturan ng SLF simula ng matapos ang konstruksyon hanggang sa naging ambag nito sa kalikasan.

Ang naturang report ayon kay Atty. Zoilo L. Andin, Jr., executive director ng (NSWMC), ay ipadadala sa NEDA-ICC upang gawing batayan ng financial assistance.

Magugunitang ang SLF ay naging operesyunal noong nakaraang taon buhat sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan at programa ni Mayor Vicente B. Amante na tuluyang maipasara ang mapanganib na open dumpsite sa lunsod na ito.(SEVEN LAKES PRESS CORPS)

No comments: