San Pablo City – Ito ang panawagan ni Mayor Vicente B. Amante sa kapwa niya mga lingkod-bayan sa isang panayam na isinagawa ng may akda nitong nakaraang linggo sa kanyang tanggapan, One Stop Shop Processing Center, lunsod na ito.
Ipinahayag din ni Alkalde Amante ang kanyang paniniwala at pananaw na: “Ang isang lingkod-bayan ay dapat at nararapat na maging transparent o lantad at hindi nangingiming harapin at ipaliwanag sa taumbayan ang mga isyung bayan na lumulutang, ito man ay kapani-paniwala o hindi. Karapatan ng mga San Pableño na marinig ang paliwanag at panig ng bawat isang public servant sapagkat ang taumbayan ang nagluklok sa amin at pati sa mga taong itinatalaga namin na pinasusweldo ng lunsod”.
Habang sinusulat ang balitang ito ay limang (5) sunod-sunod na adjournment ng regular session ng Sangguniang Panlunsod (SP) dahil sa kawalan ng korum ang naitala ng naturang tanggapan at nagdulot ito ng malaking kapinsalaan sa dapat mapasulong na mga ordinansa at resolusyon. Nakabinbin din ang pagpapasa sa Proposed Annual Executive Budget para sa taong 2009 na maaaring makaapekto sa mga proyekto at programa ng Administrasyong Amante.
Sa limang termino ni Amante ay higit siyanng nakilala sa hayagang pagharap sa mga isyu at suliranin ng lunsod na nagbunga ng maganda at epektibong ugnayan ng kanyang tanggapan at ng 80 barangay ng lunsod.
“Hindi sapat ang mga papogi at pa-cute para lang matandaan ng ating mga kababayan na iniluklok nila kami sa katungkulan. Nararapat na bawat segundo, bawat minuto, kada oras, 7 araw kada linggo, bawat buwan at bawat taon ay ang laging nasa puso at isipan ay ang paglilingkod ng buong kasipagan at katapatan. Iwasan na ang pamumulika lalo na’t sasapit ang bagong taon. Tunay na serbisyong publiko ang hinihintay ng San Pablo City at hindi ang pamumulitika”, pagtatapos ni Amante. (SANDY BELARMINO)
Friday, December 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment