Si Dr. Jaime Aristotle B. Alip ng Barangay San Cristobal, Lunsod ng San Pablo, matapos tanggapin ang Ramon Magsaysay Foundation Award for Public Service ng Center for Agriculture and Rural Development Mutually Reinforcing Institution (CARD MRI). Si Dr. Alip kasama sina Dolores M. Torres, Lorenza T. BaƱez at iba pang mga rural workers ay ang mga nangunang mga personahe at opisyales ng CARD MRI upang ang naturang institution ay mapalawak at lumago sa kapakinabangan ng 770,000 mga kaanib, 3,500 mga tauhan, mahigit na 600 sangay sa buong kapuluan at 3 milyong mga maralitang nakasiguro sa kasalukuyan. Gamit ang unang puhunang 20 piso at isang lumang makinilya ay naitatag ang CARD MRI sa Lunsod ng San Pablo noong December, 1986.. (Sandy Belarmino)
Wednesday, September 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment