Sunday, January 3, 2010

KAPATIRANG LINGAP SA NAYON, NAG-KOMBENSYON

Victoria, Laguna - Humigit kumulang sa dalawang libong delegado ang dumalo sa isinagawang kombensyon dito ng Kapatirang Lingap sa Nayon na nagbuhat sa 27 bayan at 3 lunsod ng lalawigang ito kamakailan.

Layunin ng pagpupulong na maitanghal ang isang panglalawigang pamahalaang malinis na malinis na makatutugon sa pangangailangan ng bayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng maka-Diyos at makataong gobyerno at paglalagay sa tungkulin ng mga personaheng may sapat na kakayanan.

Ang Kapatirang Lingap sa Nayon ay nabuo noon pang si Sec. Jose D. Lina ang gobernador ng lalawigan sa loob ng dalawang termino na siyang gumabay sa kanyang panunungkulan sanhi upang matamo ng probinsya ang ibayong kaunlaran.

Nagsisilbi ring tagapag-ugnay ang kapatran sa pagitan ng tanggapan ng gobernador at mga barangay kung kaya’t madaliang nabibigyan ng lunas ang bawat suliraning nangangailangan ng agarang atensyon.

Bukod s mga delegado ay dumalo rin sa pagtitipon sina 3rd District Congresswoman Ivy Arago na nangako ng buong suporta sa pagbabalik ni Gob. Lina, Atty. Hizon Arago, SPCWD Director Armando Lozada, Gng. Eva R. Arago, Lenny Carreon, mga opisyal ng Liberal Party at mga political leader ng gobernador sa mga bayan-bayan, lunsod at mga barangay ng lalawigan.


Si Lina ang kandidatong opisyal ng Partido Liberal sa lalawigang ito.

No comments: