San Pablo City – Tiyak na maraming magsasaka ang matutuwa sakaling maisakatuparan ang planong pagtatayo ng Cold Storage na magsisilbing pansamantalang imbakan ng mga gulay at prutas na ilalagak sa bagong itinayong Agricultural Trading Center sa Barangay Lamot II, bayan ng Calauan, Laguna.
Layunin ng itatayong gusali na mapangalagaan ang mga naaning gulay at prutas upang hindi agad masira at manatiling sariwa hanggang ibenta sa mga mamimili ng lalawigan ng Laguna.
Ang hakbanging ito ay malaking tulong para sa mga nasa sektor ng agrikultura ayon kay 3rd District Board Member Rey Paras. At upang mas maging tagumpay ang proyektong ito ay ang ang pamunuan ng Provincial Agriculturist sa ilalim ni Marlon Tobias ang siyang tuwirang mamamahala, pahayag pa ni BM Paras.
Ang Cold Storage building na itatayo ay bukas sa lahat ng magsasaka ng Laguna at ito ang magsisilbing inspirasyon sa bawat isang magsasaka upang mapalawak at makapagdagdag ng mga itatanim na gulay at mga produktong prutas na walang pangambang mabubulok dahil sa modernong cold storage.
Ang lalawigan ng Laguna partikular ang nasa bahagi ng ika-apat at ikatlong distrito ay marami pang bakanteng lupa na pwedeng mapakinabangan na pagtaniman ng iba’t-ibang gulay bukod sa mga napapanahon na prutas kung kaya’t may pagkakataon na kumita ang mga magsasaka. (GIL AMAN)
Saturday, May 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment