Friday, May 23, 2008

MGA CONSUMER, BINIGYANG PROTEKSYON


San Pablo City - Puspusan ang inilunsad na kampanya ng San Pablo City Consumer Welfare and Protection Center (SPC-CWPC) upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili sa mga pamilihan dito.

Kahapon ay sinimulan ang malawakang operation Selyo/Oplan Timbangan sa SPC Shopping Mall upang tiyaking tama sa timbang ang mga nabibili ng mga konsyumer, samantalang makikipagpulong ang CWPC sa iba’t-ibang NGO at samahang sibiko ngayong araw na ito upang higit pang maisulong ang pagbibigay proteksyon sa mga ito.

Ayon kay Alfonso R. Banaag, Consumer Welfare and Protection Officer ng lunsod muli silang makikipagtalakayan sa mga stakeholder sa araw ng Linggo upang mahimok pa ang pakikiisa ng buong komunidad.

Ang CWPC ay direktang nasa ilalim ng Tanggapan ng Alkalde, Mayor Vicente B. Amante, sa pakikipagtulungan sa University of the Philippines sa Los BaƱos (UPLB) – (Nani Cortez/Sandy Belarmino)

No comments: