Thursday, April 3, 2008

MUSEO NG SAN PABLO ITINATAG




SAN PABLO CITY- Nagkaisa ang lokal na pamahalaan, Cultural Society ng lunsod at Fundacion Santiago na itatag ang Museo ng San Pablo dito upang minsan pa ay sulyapan ang lumipas na bahagi ng kasaysayan sa kapakanan ng mga kabataang San Pableño.

Matatagpuan sa ika-apat na palapag ng lumang kapitolyo ang museo ay hinati sa apat na bahagi na ang bawat isa ay mga kuwentong ipirarating sa mga nagnanais malaman ang pinagdaanan ng lunsod at pagpupunyagi ng mga naunang mamamayan rito. Ikinatuwa ni Mayor Vicente B. Amante ang pag-alalay ng Cultural Society at Fundacion Santiago sa katuparan ng pangarap ng bawat residente dito na magkaroon ng sariling museo.

Ipinaliwanag ni Lerma Prudente na ang unang bahagi ng ukol sa heyograpiya ng lunsod, sa taglay nitong 14 na ilog, pitong lawa at isang bundok. Ang pangalawa ay ang mga haligi ng San Pablo na alay sa mga nagsikap upang tumanyag na pamayanan, samantalang ang pangatlo ay kung bakit nila dito napiling manahanan at ang pang-apat ay pagtanaw ng utang na loob sa puno ng niyog na matagal nilang pinagkunan ng ikabubuhay.

Aktibo sa museo ng San Pablo ang walumpung taong gulang na si dating vice mayor Palermo Bañagale at retired Judge Bienvenido Reyes. Ang desinyo ay kaloob ng United Architects of the Philippines (UAP) San Pablo Chapter.

Bukas ang museo mula ika-9 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon araw-araw hanggang biyernes. (NANI CORTEZ/Pres. Seven Lakes Press Corps)

No comments: