San Pablo City- Sa limang termino bilang punong lunsod ay pinanghahawakan ni Mayor Vicente B. Amante ng lunsod na ito ang record ng pagkakapag-wagi laban sa dalawang incumbent congressman at dalawang nakaupong city mayor, na isang kahanga-hangang achievement sa rehiyon ng Timog katagalugan.
Ngunit hindi ganoong kadali ang naging paglaot ni Amante sa larangan ng pulitika lalo na’t isasaalang-alang na nabigo siya sa unang pagtatangka, nang kumandidato bilang alkalde. Ang kabiguan ay naging isang hamon kung kaya sa pangalawang pagkakataon ay nakuha niya ang tiwala ng mga San Pableño.
Bilang isang matagumpay na mangangalakal bago naging lingkod bayan ay hindi nahirapan si Amante sa pangangasiwa sa kabila ng karampot na kinikita ng kabang yaman ng lunsod. Nagpakita siya ng husay upang ito ay maiangat sanhi nang paglago ng income na pang-suporta sa mga pagawaing-bayan.
Naipatupad ng alkalde ang mga proyektong hindi man lang naisip ng mga batikang pulitiko sa rehiyon. Ang kanyang mga project ay naging kauna-unahan sa buong kapuluan at ginagawang huwaran ng marami pang bayan. Lubos na hinangaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang itinayo niyang One Stop Shop Processing Center kung saan sa ilalim ng iisang bubong ay maisasaayos ng mga residente ang mga kaukulang papeles na kinakailangan particular na ang business permit.
Sa kasalukuyan ay may 14 na kampus ang City High School na stratehikong na iba’t-ibang barangay at may kabuuang 12,500 na mag-aaral, bukod pa sa itinatag ni Amante na City Science High School. Kaalinsabay nito ay pinakikinabangan na rin ng 3,500 mahihirap na istudyante ang Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP) na brainchild ng punong lunsod.
Napag-ugnay-ugnay na rin ang 80 barangay ng sementadong daan at lahat ay naseserbisyuhan na ng ilaw dagitab. Nagkaroon ng makabagong shopping mall, modernong 8-storey City Hall Bldg. at ongoing ang konstruksyon ng 100-bed City Public Hospital. Nasa Planning Stage na ang itatayong Transport and Food Terminal na lahat ay pawang sa pagsisikap ni Mayor Amante.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kadahilanan kung bakit nananatiling alkalde ng lunsod si Amante. (NANI CORTEZ - President-7LPC)
Friday, April 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment