Thursday, April 3, 2008
CITY ADMINISTRATOR AMBEN AMANTE SA TIME MANAGEMENT
Isa sa mga hinahangaan ng pitak na ito sa pangangasiwa ng kanyang time management ay ang City Administrator ng Lunsod na sa maraming pagkakataon kahit medyo late na umuwi sa pagtupad ng kanyang tungkulin o may pinanggalingang official function ay nasa oras pa rin kung ang pagbabatayan ay pagtupad ng mandato sa pag-o-obserba ng office hours.
Anlahoy, anlahoy, anlahoy! Ilan lang si City Admin Amben Amante sa mga opisyal ng pamahalaan na masasabing 24/7, na sa madaling sabi ay palaging on-call at walang pinipiling araw, ma-Sabado o Linggo kung ang nakasalalay ay ang pangangailangan sa kanya ng taumbayan. Ito marahil ang tinatawag nating tunay na serbisyo publiko na hinahanap ng bawat mamamayan.
Walastik! Kung tutuusin ay hindi naman elected official si Admin Amben at ang tanging hinihingi lang ng civil service ay ang paglilingkod ng 8 a.m.-5 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Maliban dito ay ang labis na oras na ipaglilingkod ay hindi na nito ipinag-uutos, samakatuwid ay kusang loob ni Admin ang kanyang ginagawa. Natutuwa siyang maglingkod ng labis sa oras.
Nagkakaroon siya ng labis na panahon na kanyang nagugugol sa maraming pag-aasikaso na kailangan ng kanyang mga kababayan. Ang oras na wala nang mapag-gagamitan ay maayos niya naiuukol sa pamamahinga, kaya nga’t quality time wika nga ang naipagkakaloob niya sa mga kababayang nagtutungo sa kanyang tanggapan at sa mga imbitasyon ng may opisyal na saklaw ng panunungkulan.
Ala eh, naaalala ko pa noong may dalawang journalists na sais siyang makapanayam isang araw ng Sabado. Walang opisina kaya siyempre’y di rin sana siya matatagpuan ngunit buhat sa isang official function ay dumaan si Admin Amben sa kanyang tanggapan upang gawan ng report ang conference na kanyang dinaluhan.
Sabi nga ng dalawa ay maaari naman sa kina-lunesan na gumawa ng report, katulad ng ibang opisyal na kanilang kakilala. Ngunit iba si Admin Amben sapagkat ang magagawa ngayon ay pinagtutunuan na niya ng pansin upang hindi na nga naman makabawas pa sa oras na kailangan sa susunod na araw.
Ano pa’t ang bagay na ito ang susi kaya kahit anong bigat ng tungkuling pinanghahawakan ni City Administrator Amben Amante ay magaan niyang nagagampanan. Ang kailangan lang pala at ito’y hindi mahirap isagawa ay tuparin ang disiplina sa time management.(Sandy Belarmino)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment