Ganap na pinahahalagahan ni City Administrator Loreto S. Amante ang pamuling pagtatagubilin ni Local Government Secretary Ronaldo Puno sa mga pinunong lokal, lalo na ang mga punong barangay, na sa kanilang pamayanan ay magtalaga ng firecracker and pyrotechnics zones kung saan ang mga mamamayan ay ligtas na makapagsisindi ng rebentador at iba pang uri ng paputok kaugnay ng nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang “firecracker and pyrotechnic zones” ay gagawa sa mga pagdiriwang na kaugnay sa pagsalubong ng Bagong Taon na ligtas, at maiiwasan pa ang insidente ng sunog.
Nabatid pa rin mula kay City Administrator Amben Amante na bahagi na ng security plan ng pangasiwaang lunsod na inihanda sa pangunguna ni Chief of Police Raul Loy Bargamento ang makatotohanang impllementasyon ng “An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices” sa ilalim ng Batas Republika Bilang 7183.
Ayon pa kay Amben Amante, may tagubilin na rin si Alkalde Vicente B. Amante sa City Solid Waste Management Office na madaling-araw pa lamang ng Bagong Taon ay lilinisin na kaagad ang mga lansangan upang maalis ang mga depektoso o hindi pumutok na mga rebentador, na may pasubaling ang mga magwawalis ay gagabayang maging maingat, sapagka’t isang obserbasyon na maraming hindi pumutok na rebentador, ang biglang sumasabog sa sandaling ito ay makibo o magalaw, kaya dapat na maging maingat sa paglilinis ng mga dakong nahagisan ng paputok. (Ruben E. Taningco).
Sunday, December 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment