Sunday, December 20, 2009

COMPUTER LITERACY TRAINING, PANGKA-ARAWANG HANDOG NI CONG. ARAGO

San Pablo City – Nakatakdang ilunsad sa Enero 4, 2010 ang tatlong linggong Computer Literacy Training Program sa lunsod na ito sa pamamagitan ng A1-HU Foundation at TESDA Laguna upang palaganapin ang kaalaman sa makabagong teknolohiya.

Ang proyekto ay handog ni Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago sa mga kababayan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa tulong nina Mayor Vicente B. Amante at City Councilor Angie Yang.

Gaganapin ang pagsasanay sa isang 40-footer container van sa harap ng One Stop Processing Center, City Hall Compound, kung saan ito ay nagtataglay ng 21 computer na aktwal na magagamit ng mga mag-aaral.

Kapapalooban ang hands on na pagtuturo ng tig-dadalawang oras at binubuo ng limang sesyon kada araw, Lunes hanggang Sabado. Ang schedule na mapamimilian ay (1) 8:00-10:00 a.m. (2) 10:00-12:00 (3) 1:00-3:00 p.m. (4) 3:00-5:00 p.m. (5) 5:00-7:00 p.m..

Ang programa ay may tatlong batches kung saan ang kada isa ay 105 at magpapatuloy hanggang umabot sa kabuuang 315. Makikinabang sa libreng pagsasanay ang mga kawani ng pamahalaan, mga maybahay, mga out-of-school-youth at iba pang nagnanais tumuklas ng bagong kaalaman.

Para sa karagdagang detalye ay pinapayuhan ang lahat na makipagtalastasan kina John Cigaral at Jenny Amante sa tanggapan ni Cong. Ivy Arago, Tel. No. 049-801-3109 o kay Leo Abril sa City Information Office, Tel. Nos. 049-562-3086 at 562-5743. (SANDY BELARMINO)

No comments: