Talagang Champion sa husay at galing ng ating people’s champ at kababayang Manny “Pacman” Paquiao, sa ipinamalas niyang performance sa pinakahuli niyang laban kay Miguel Cotto ng Puerto Rico, nagbigay karangalan sa kanya na tanging boksingero sa buong mundo na nagtamo ng pitong championship belt sa iba’t-ibang division sa larangan ng boksing.
Isa itong positibong kaganapan sa ating bansa na kailan lang ay sinalanta ng apat na sunod-sunod na kalamidad, katunayan ay nakaapekto nga ito sa ginagawang pagsasanay ni Pacman sa Baguio ngunit ang Pinoy ay Pinoy, parang kawayan na hahapay lang sandali upang muling tatayo kapag lumipas na ang sigwa.
Nagkapalad ang maraming boxing apisyunado dito sa Lunsod ng San Pablo na masaksihan ito ng live sa Amante Gym kung saan humigit kumulang sa 3,000 ang nanood sa pay-for-view sa kagandahang loob nina Cong. Ivy Arago, Mayor Vicente B. Amante at Konsehala Angie Yang.
Ipinagpasalamat ng lahat sa tatlo ang pambihirang pagkakataong ito sa pamamagitan ng malalakas na pagbubunyi at palakpakan habang binabanggit ang pangalan nina Cong. Ivy, Mayor Vic at future VM Angie Yang. Bakit nga ba hindi ay dahil sa mga panahong lumipas ay palaging delayed telecast ang kanilang napapanood noon.
Incidentally ay magkakasama ang tatlo sa Lapiang Pitong Lawa. Thank You po sa inyong tatlo.
0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-
May mga lumalapit po sa inyong lingkod upang magpasalamat sapagkat ngayon ay higit nilang naunawaan ang mga isyung bumabalot kung bakit may mga interes na pumipigil na maisabatas nang tuluyan ang Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape Act gayong ang mapangalagaan pala naman ang layunin nito.
Sa pitak na ito din daw nila nalaman ang mga kasinungalingang ipinagkakalat ng isang kampo na sa una’y kanilang pinaniniwalaan subalit ang labis nilang ipinagtataka ay kung bakit ang problema ng kabilang probinsya ang kanilang inuuna at hindi ang sariling distrito na kanyang pinaglilingkuran.
Ngayong nabisto na daw nila ang mga kasinungalingang ito ay inaasahan nila na sa susunod ay pawang katotohanan na ang mamumutawi sa labi nito. (SANDY BELARMINO)
Friday, November 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment