Ang Philippine Climate Change Act of 2009 (RA 9729) na kamakailan lamang naging ganap na batas ay isang patotoo na kinikilala ng pamahalaan ang nagdalang panganib ng pabagu-bagong klima mula sa global warming na ating nararanasan na kakaiba sa atin nang kinagisnan.
Sa nagdaang ilang taon ay nasaksihan na nating palubha ng palubha ang pinsalang idinudulot nito sa mga Pilipino gayong kung tutuusin ay halos wala pang isang bahagdan ang ambag ng bansa sa pagkakaroon ng global warming, kumpara sa mga industriyalisadong bansa.
Dahil dito ay patindi nang patindi ang mga bagyong dumarating sa atin na kumikitil ng maraming buhay at pumipinsala sa mga ari-arian sanhi ng mga pagbaha, at landslide na ngayon lamang natin nararanasan kaya’t napapanahon ang pagsilang ng batas na ito.
Iminamandato ng batas na gawing polisiya na maibsan ang apekto ng pagkawasak kung hindi man ay lubusang gawan ng kaparaanan sa kung paano ito maiiwasan. Ang tanggapan ng pangulo, Liga ng mga Gobernador, Liga ng mga siyudad at munisipalidad, at Liga ng mga Barangay ay inaatasan ding bumuo ng isang konseho para sa isang pro-aktibong pagkilos.
Lilikha rin ito ng isang malakas na tinig upang manawagan sa mga industriyalisadong bansa na tumupad sa angkop na carbon emission sa himpapawid sang-ayon sa isinasaad at itinatalaga ng Kyoto Protocol na magtatapos ang bisa sa 2012.
Ang batas na ito ay isinulong sa senado ni Senadora Loren Legarda, nagmula sa panukala nina Cong. Roilo Golez, Congresswoman Ivy Arago, Cong. Neptali Gonzales, Cong. Eric Singson at ilan pang mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso. (Tribune Post)
Friday, November 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment