Wednesday, June 24, 2009

R.A. 9520, BAGONG BATAS NA SUMASAKLAW SA MGA KOOPERATIBA

San Pablo City- Sa pagpapairal ng bagong batas, Republic Act 9520 o ang “Philippine Cooperative Code of 2008, ay isinagawa ng Laguna Provincial Cooperative Development Council (LPCDC) sa pamumuno ni Prof. Severino I. Medina Jr. at ng Cooperative Development Authority (CDA) Regional Director Ms. Nonie I. Hernandez na magsagawa ng FORUM on R.A. 9520 upang maipabatid sa mga kooperativa ang nasasaad sa nabanggit na bagong batas. Ito ay bunsod ng ginawang pag-amyenda sa dating Cooperative Code of the Philippines o R.A. 6938.

Naging host sa nasabing forum ang lokal na pamahalaan ng Lunsod ng San Pablo sa pamumuno ni Mayor Vicente B. Amante sa pamamagitan ni OIC-City Cooperative Officer Bb. Beth Biglete. Ito ay ginanap noong nakaraang Hunyo 18 sa ABC Training Center, City Hall Compound, sa kagandahang loob na rin ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay, Gener B. Amante, at ang ayuda sa pagkain at pamatid uhaw ng mga panauhin at kalahok ay sa kabutihang loob naman ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro.

Ang naturang okasyon ay dinaluhan ng 53 opisyales ng iba’t-ibang kooperatiba mula sa ikatlong purok ng lalawigan kung saan naging panauhin sina Secretary to the City Mayor, Rudy Laroza, Asst. Director ng CDA na si Mr. Salvador Valeroso, Senior Coop. Development Specialists Liza Gonzales at Celeste Castro. Dumalo’t nakiisa rin si Bb. Dolly Libunao ng Land Bank upang ipakita ang suporta ng kanilang tanggapan sa ikauunlad ng mga kooperatiba. Sa kabuoan ay naging mabunga at makabuluhan ang nasabing forum. (BB/CCO-SPC)

No comments: