Wednesday, June 10, 2009

INC BINABATI NI MAYOR AMANTE SA KANILANG 95TH ANNIVERSARY

Si Mayor Vicente B. Amante ay nagpapaabot ng pagbati at mataas na pagpapahalaga sa Iglesia Ni Cristo, sa kanilang paggunita ng Ika-95 Anibersaryo ng Pagkakatatag sa Pilipinas sa darating na Hulyo 27, 2009.

Ang lokal ng Iglesia Ni Cristo na natatag noong 1932 ay gumawa sa sekta na isa ng institusyon dito sa Lunsod ng San Pablo, kaya nadarama ni Mayor Amante kung ano ang pakitang halimbawa ng mga kagawad ng nabanggit relihiyon bilang mga mabubuting mamamayan ng lipunan.

Ikinalulugod na mabatid ni Amante na ang pagsasagawa ng isang Grand Evangelical Mission o Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios, na isang pagdiriwang bilang paggunita ng ika-95 Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo dito sa CALABARZON Area ay gaganapin sa Barangay Makiling sa Calamba City ay itataguyod ng Distrito Eclesiastico ng Laguna, na dadaluhan din ng mga aanyayahang panauhin mula sa mga Lalawigan ng Quezon, Batangas, at Cavite sa darating na Hulyo 27, 2009, simula sa ika-7:30 ng gabi.

Nabalitaan ni Mayor Amante mula sa mga kaibigan niyang INC member na ang pamamahayag na gaganapin sa Calamba City ay kasabay ng gaganapin sa iba pang rehiyon ng bansa. Magkakaroon din ng pamamahayag sa iba’t ibang bansa at teritoryong may mga lokal ang Iglesia Ni Cristo, na pawang gaganapin sa Hulyo 27, 2009 sa ganap na ika-7:30 ng gabi, batay sa kanilang local time.

Ang hinahangaan ni Mayor Amante sa mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo ay ang tiyaga ng mga ito na dumalo sa kanilang tinatawag na “panata” o devotional prayer para hilingin ang ang pagtatagumpay ng ano mang itinataguyod nilang gawain. Halimbawa, sa pagtatagumpay ng isasagawa nilang pagdiriwang ng kanilang 95th Anniversary, napag-alaman niyang ang lahat ng lokal ng INC sa Laguna ay magsasagawa ng gabi-gabing panata simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 26, 2009 sa ganap na ika-8:00 ng gabi, gayon pa man, nagagawang maayos ang pagtitipon-tipon, halimbawa dito sa San Pablo City, dahil sa may mga sinanay silang mga volunteers na tumutulong sa mga pulis para mapangalagaan ang kaayusan ng daloy ng trapiko, at katahimikan sa kapaligiran ng kanilang gusaling sambahan. (SLPC/Sandy Belarmino)

1 comment:

piztolx said...

Mabuhay tayong lahat mga kapatid. Sa aking paglilibot-libot sa web at wap ay napakarami akong nakita na naninira sa INC, masakit para sakin to lalo na't binabaligtad na tayo daw ay bulaan, karamihan sa mga pinoy forums eh nagkalat ang mga bulaang propeta ni alien alien na nagsasabi na si MOISES DAW AY DIYOS! at DIYOS DIN DAW ANG PINUNO NILA... Grabe tlga ang paniniwala nila at paninira saten. Gayunpaman eh maningning parin ang ating relihiyon at nagbubunyi sa matagumpay na pagkakatatag ng INC. Di ako matitinag sa aking paniniwala dahil tayo ang tunay na mga anak ng Diyos.

Happy 95th INC Anniversary! Godspeed! Ü