Friday, April 25, 2008

68th FOUNDATION DAY NG SAN PABLO CITY

Itinatag ang San Pablo bilang lunsod noong Mayo 7, 1940 sa bisa ng isang batas na pinagtibay ng National Assembly na Commonwealth Act 520, na isinulong ni Assemblyman Tomas Dizon sa Pambansang Asembleya.

Sa nakalipas na 68 taon ay pinamahalaan tayo ng labing-apat (14) ng city mayor kabilang ang mga naging appointed at mga halal na punong lunsod. Ang mga naging appointed mayor ay sina (1) Dr. Potenciano Malvar 1941; (2) Dr. Manuel Quisumbing, 1941-1943; (3) Kgg. Tomas D. Dizon, 1943-1946; (4) Kgg. Alfonso Farcon, 1946; (5) Dr. Fernando Bautista, 1946-1948; (6) Kgg. Marciano Brion Sr., 1949-1952; (7) Kgg. Artemio Fule, 1952-1953; at (8) Kgg. Tomas D. Dizon, 1954-1955.

Si Mayor Tomas D. Dizon ay nakadalawang termino ang appointment, marahil ay dahil na rin sa pagpapahalaga sa kanyang mga nagawa at naitulong sa lunsod ng pitong lawa

Alinsunod sa batas ay mula 1955 ang alkalde ng lunsod ay nararapat nang ihalal ng mga San Pableño. Ang pinaka-unang halal na punong lunsod ay si (1) Kgg. Cipriano Colago, 1956-1959; (2) Kgg. Lauro D. Dizon, 1960-1963; (3) Kgg. Zacarias A. Ticzon, 1964-1967; (4) Kgg. Cesar P. Dizon, 1968-1986; (5) Kgg. Vicente B. Amante, 1992-2001; at (6) Florante L. Aquino, 2001-2004.

Nahalal muli at nanungkulan si Mayor Zacarias A. Ticzon noong 1986-1992 at si Mayor Vicente B. Amante noong 2004 at 2007 para sa kanyang ika-4 at ika-5 termino. Sa pagtatapos ng huling termino ni Amante ay siya ang pinakamaraming ulit na inihalal ng mga San Pableño na magkakaroon ng habang 18 taon.

Ang mga naging vice mayor naman ay ang mga sumusunod: (1) Zacarias A. Ticzon, 1960-1963; (2) Cesar P. Dizon, 1964-1967; (3) Pedro Magcase, 1968-1971; (4) Palermo Bañagale 1972-1980; (5) Jimmy M. Gonzales, 1980-1986; (6) Celia Conducto-Lopez, 1986; (7) John Henry “Binky” A. Potenciano, 1988-1992; (8) Danton Bueser, 1992-1998; (9) Leandro Castillo, 1998-1999; (10) Lauro G. Vidal, 1999-2007 at (11) Martin A. Ilagan, 2007-hanggang kasalukuyan.

Sa mga naging pangalawang punong-lunsod na nahalal na alkalde ay sina Ticzon at Dizon, samantalang si Bueser ay nahalal na kongresista ng ikatlong distrito ng Laguna. Si Aquino ay naging kongresista muna bago nahalal na punong lunsod. Ang dalawang kongresista ay kapwa ginapi ni Amante sa pagka-alkalde ng San Pablo.

Personahe lang ang binilang ng pitak na ito kung kaya’t ang mga nakapagitang termino nina Ticzon at Amante ay hindi na natin isinama sapagkat ang mga nauna at sumunod na panunungkulan ay ginampanan kapwa ng iisang tao.

Ito ay isang aral pang-kasaysayan ng San Pablo, handog ng may akda sa mga istudyante ng Lunsod, na buhat pa sa lumang baol ng pitak na ito. HAPPY 68th FOUNDATION DAY.(sandy belarmino)

No comments: