Sunday, December 19, 2010

DIGNIDAD

Idinaos noong nakaraang Linggo ang kauna-unahang Christmas party ng Seven Lakes Press Corps (SLPC) sa Patio Verde Restaurant, Mabini St., Lunsod ng San Pablo. Una ito as far as sa pagiging simple, Masaya at matagumpay kung ang isasalang-alang ay ang natamong mainit na camaraderie ng grupo, na siya namang pangunahing layunin ng grupo sapul ng matatag.

Simple ito in the sense na Friday lang napagkasunduan ng grupo na ganapin sa araw ng Linggo at isang araw lang ang ginawang paghahanda subalit just the same ay tagumpay ito dahil na rin sa bigkis ng pagkakaisa ng bawat miyembro.

Bagama’t biglaan ang imbitasyon ay nagpaunlak si Board Member Angelica Jones-Alarva sa paanyaya ng grupo na parang Santa Clause sa daming dalang regalo at si Vice-Mayor Angie Yang ang unang nakaalam sa planong Christmas party at pinakaunang tumugon upang ito’y matuloy.

Sa kanyang year end report ay inilahad ni Pangulong Nani Cortez ang mga karangalang natanggap ng press corps sapul ng matatag tulad ng mga resolusyon ng pagpapahalaga mula sa Sangguniang Panlunsod ng San Pablo dahil sa sibikong gawain ng SLPC, pagkilala mula sa BJMP (regional) dahil sa alalay ng SLPC, command plaque mula sa Second Infantry Division ng Philippine Army sa Tanay, Rizal, pasasalamat mula sa iba’t-ibang pundasyon tulad ng SM Foundation at pasasalamat ng mga paaralan na kinabibilangan ng mga unibersidad, kolehiyo, high schools at elementary dahil sa isinusulong at itinataguyod ng grupo sa campus journalism.

Pinakabago sa mga natanggap ng grupo ay ang Tambuli Award buhat sa Department of Science and Technology (DOST) kamakailan lamang kung saan nakamit ni Kuya Ruben E. Taningco ang parangal at ito’y sa maraming sunod-sunod na taon. Ang may akda ay hindi man po dapat ay isa rin sa tumanggap ng parangal mula sa DOST.

Ang pinakamahalagang accomplishment ng SLPC ayon sa ulat ni Secretary General Taningco ay ang mapanatili nito ang dignidad sa larangan ng Journalismo na tulad nga sa tinuran ng isang heneral sa rehiyon ay isa sa iginagalang sa Calabarzon sapagkat ang SLPC ay kilala bilang “NO KOTONG GROUP.” He..he..he.. klaseng may tinutukoy si Heneral Ruben.

Kaugnay sa ginanap na Christmas party ay nagpapasalamat tayo sa mga nagtaguyod, tumulong at sumuporta lalung-lalo na sa mga patuloy na nagtitiwala sa SLPC. (sandy belarmino)

No comments: