Saturday, November 13, 2010

CVA SA VICTORIA

Ginanap noong nakaraang Sabado ang pagtatapos ng tatlong batches na sumailalim sa pagsasanay ng computer literacy program ni Congresswoman Maria Evita “Ivy” Arago sa bayan ng Victoria, Laguna.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng AiHu Foundation na palaging nakaalalay sa mga programa ni Cong. Ivy, TESDA Laguna na tuwirang sumusuporta at siyempre sa pakikiisa ni Mayor Raul “Nonong” Gonzales na sa tuwina’y nasa likod ng mga proyekto ni Cong Ivy sa nasabing bayan.

Nakatutuwang malaman na ito ay binubuo ng 280 nagsipagtapos, na sa pamamagitan ng computer van aralan (CVA) ng AiHu Foundation ay natuklasan kung paano gumamit at mag-operate ng computer, na kanilang mapakikinabangan sa hanapbuhay o pang-araw-araw na pamumuhay.

Ibig sabihin nito ay magiging bukas sila sa mundo ng social networking at internet na siya ngayong tulay sa pakikipagkalakalan, pakikipagkaibigan o sa pagtuklas ng bagong karunungan sa tulong ng pananaliksik.

Ito’y kung kaya ng isang simpling maybahay, isang kawani, isang mag-aaral, maging isang magsasaka o mangingisda ay makatatayo na tanaw ang lawak ng mundo sa tulong ng computer na aalalay sa paghahanap ng mga bagay na kapakipakinabang.

Napakaganda ng proyektong ito ni Cong. Ivy at AiHu foundation, na ang mismong paaralang ang inilalapit sa taumbayan right in their doorstep. Wika nga upang ang walang panahon at pagkakataon mag-aral sa mga conventional school ay mabigyan ng pag-asa sa libreng pag-aaral ng computer operation.

Actually, limang batch ito para sa bayan ng Victoria at ang nalalabing dalawa pa ay magsisimula ngayong Lunes November 8 at magtatapos next month ng December. Hopefully by January 2011 ay sa Liliw, Laguna, maglilingkod ang CVA, but let’s wait for the official announcement from the Office of Cong. Ivy regarding schedules of Van Aralan. (SANDY BELARMINO)

No comments: