San Pablo City – Matagumpay ang isinagawang jobs fair dito na itinaguyod ng tanggapan ni Laguna 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago nang nakaraang Biyernes.
Ang jobs fair na nilahukan ng 46 kompanyang kinabibilangan ng mga industrial, commercial, financial at mga employment agency ay dinumog ng 1,066 aplikante na karamihan ay mga kabataang nagbuhat sa loob at labas ng distrito.
Maayos ang naging daloy ng mga aplikante na karamihan ay nakapagsumite ng kanilang mga biodata sa dalawa o higit pang kompanya na ang mga hinihinging katangian sa mga bakanteng posisyon ay tumutugon sa kanilang kwalipikasyon.
Ikinatuwa ni Arago nang mapag-alamang mahigit sa 100 ang na-hire on the spot batay sa partial report na natanggap bago pa man natapos ang jobs fair, samantalang mayorya sa mga aplikante ang sasailalim pa sa final interview sa mga punong tanggapan ng mga kaukulang kompanya.
Palibhasa’y naging malinaw ang mga ipinabatid na mga ulat hinggil sa jobs fair ay sistematiko itong nagkaroon ng kaayusan sa kabila ng pagdagsa ng mga nag-apply.
Ang ilan sa mga kompanyang nangalap ng aplikante ay ang mga sumusunod: SM San Pablo, Montevista, TSPI, PKI, Waltermart-Calamba, SM Sta. Rosa, Ascend Int’l Services, Isuzu-San Pablo, Liana’s Supermarket, Centro Dept. Store, Mart One, Global Food Corporation, Honda Cars, Pharmawealth, Puregood, TSKI, Mitsubishi Motors at Card Bank.(TRIBUNE POST)
Friday, September 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment