Monday, August 30, 2010

CONG IVY THIS WEEK

Tatlong magkakasabay na aktibidades ang inilunsad ng Tanggapan ni Cong Ivy Arago nang nakaraang Linggo at ito’y ang Medical and Dental Mission sa Alaminos, Laguna at Schetelig Avenue, Lunsod ng San Pablo, Mobile Library Program sa Brgy. Sta. Monica at ang pagbubukas ng Computer Van Aralan sa Victoria, Laguna.

Bukod pa dito ay nakapagsagawa rin ng feeding program sa ilang indigent barangay na ang mga nakinabang ay mga grades school pupil at mga nasa kindergarden.

Record breaking ang dami ng mga pasyente sa Alaminos na tinatayang aabot sa tatlong libo at limang daan, kaya naman alas siyete na ng gabi ay patuloy pa rin ang gamutan upang mapagbigyan ang mga dumagsa upang samantalahin ang libreng gamot at gamutan.

Sumatotal ay lima na ang nairaos na medical mission ni Cong Ivy sa nakalipas na apat na linggo.

Ito daw kasi ang kailangan ng distrito ayon kay Cong. Ivy dahil usong-uso sa ngayong tag-ulan ang sakit tulad ng dengue. Hindi raw ito dapat ipagwalang bahala kung kaya’t dapat pag-ingatan ng lahat ang kalusugan upang makaiwas sa karamdaman.

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

Sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ni Victoria Mayor Nonoy Gonzales ay ilalapit ni Cong. Ivy ang computer van aralan sa nasabing bayan upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente doon na matuto ng basic computer operation. Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Ai-Hu Foundation at Tesda, Laguna.

Pagkakalooban ng sertipiko ng kasanayan ang mga magsisipagtapos sa computer van aralan at isa ito sa highlight sa idaraos na Itik Festival ng mga taga-Victoria.(sandy belarmino)

No comments: