Sunday, May 16, 2010

AMANTE-YANG INILUKLOK NG MGA SAN PABLEÑO

San Pablo City – Nagbunga ang sinserong panunuyo ng tambalang Amante-Yang sa mga San Pableno noong nakaraang May 2010 National at Local Elections ng sa wakas ay ilabas na ng COMELEC ang pinal na desisyon matapos isagawa ang Consolidated Canvassing System mula sa 182 kabuuang clustered precincts sa lunsod. Nakakuha si incumbent Mayor Vicente B. Amante ng kabuuang boto na 62,248 na sinundan naman ito ng katunggali nitong si Arcadio “Najie” B. Gapangada na nakakuha ng 16,102, Konsehal Arsenio A. Escudero Jr. ng 15,924 at Dr. Alfredo B. Cosico ng 961 boto.

Samantala tinalo naman ng biyuda ng napaslang na dating Konsehal Danny “DY” Yang na si Angelita E. Yang ang katunggali nitong si incumbent Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan. Nakakuha ng kabuuang bilang na boto si Vice Mayor-Elect Angie Yang na 56,168 laban sa boto na nakuha ni Ilagan na 34,184.

Nanguna sa nanalong konsehal si Angelo Adriano (42,238) at pumangalawa naman si Dante Amante (39,546), Richard Pavico (39,337), Rondel Diaz (35,933), Edgardo Adajar (35,623), Eduardo Dizon (34,931), Leopoldo Colago (33,527), Arnel Ticzon (33,087), Enrico Galicia (30,118) at Alejandro Yu (30,043).

Pormal namang ipiniroklama ang mga nagsipagwagi noong Martes ng gabi, May 11 matapos dumaan sa humigit kumulang na 28 oras na proseso ng bilangan sa kauna-unahang automated voting sa bansa.. Isinagawa ito sa harap ng mga Board of Canvassers na siyang mga tumayong witnesses na pinangunahan ni Atty. Leah Vasquez-Abad bilang Chairman, City Prosecutor Dominador A Leyros bilang Vice Chairman, at Asst. Schools Division Superintendent Enric T. Sanchez bilang member. (CIO-San Pablo)

No comments: