Cavinti, Laguna - Bigo pa rin ang Tanggapan ng Gobernador ng lalawigang ito at Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kautusan ng Office of the Ombudsman na suspendihin ang alkalde at municipal administrator ng bayang ito sa kabila ng ang desisyon ay naibaba na noon pang Mayo 29, 2009 at may pagsang-ayon mula kay Acting Ombudsman Orlando Casimiro.
Sa usaping OMB-L.A. 07-0542-H na may pamagat na “Rosendo G. dela Torre vs. Florecelie Esguerra et al” ay napatunayan ng Ombudsman na sina Cavinti Municipal Mayor Florecelie Esguerra at Municipal Administrator Frederic Lubuguin na kapwa guilty of Oppression and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Sila ay nahatulan ng six (6) months suspension without pay ayon sa ipinag-uutos ng Section 10, RuleIII, Administration Order No.7 as amended by administration Order No.17 in relation to Section 25 ng Republic Act No. 6770.
Naghain ng motion for reconsideration sa Ombudsman ang alkalde at kanyang municipal administrator noong Mayo 4, 2009 subalit noong Hunyo 9, 2009 ay nagpadala ng 1st endorsement si Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez sa DILG para ipatupad ang suspension.
Ang motion for reconsideration ay nagdulot ng kalituhan sa panig ng DILG, partikular sa rehiyunal at panlalawigang tanggapan nito, kaya’y sila’y nag-atubili na sundin ang iniaatas ng Ombudsman, gayong malinaw ang tagubilin ng Office of the Ombudsman na Memorandum Circular No.01 Series of 2006 na inilabas ni Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez.
Mababasa sa nasabing memorandum na sa Section 7 Rule III ng Administrative Order No.07 na tumatalakay sa Ombudsman Rules of Procedure na ang desisyon ng naturang tanggapan ay dapat agarang ipatupad at tanging Temporary Restraining Order (TRO) o Writ of Preliminary Injunction ang makakapigil.
Sa ngayon ay nababahala na ang mga residente ng lugar dahil sa nasabing kabiguan ng DILG at Panlalawigang Pamahalaan na maipatupad ang hatol ng Ombudsman, sanhi nito ay ang pagtaas ng tension sa nasabing bayan dahil sa possible anilang may nagmamaniobra upang ito ay pigilan.
Thursday, September 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment