Sunday, September 13, 2009

MAHIGIT 500 PASYENTE NATULUNGAN SA MEDICAL-DENTAL MISSION NG PCSO AT CHO

San Pablo City- Kaugnay ng pagdiriwang ng 75th Anniversary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagsagawa ang ahensya ng isang medical-dental mission sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO) at ni Mayor Vicente Amante, kung saan mahigit 500 pasyente ng lunsod ang naserbisyuhan. 430 sa mga ito ang napagkalooban ng medical services at 150 naman sa dental na isinagawa noong Sept. 6, 2009 na ginanap sa CHO Extension Office, Brgy. San Jose. Nagsimula ang proyekto mga bandang 6:45 ng umaga at natapos ng 4:00 ng hapon.

Pinamunuan ni Dr. Job Brion, City Health Officer at Dra. Nida Glorioso, Asst. CHO ang nasabing proyekto kasama ang iba pang medical officers na sina Dr. Ed Quiambao, Dra. Ruth Belulia, Dra. Dina Caponpon at Dra. Melissa Aningalan. Katulong rin ang mga dentists na sina Dra. Nemia Bundalian, Dra. Blessie Reyes, Dra. Miriam Palomar, at Dr. Jhun Vidal at dent`al aides na sina Rustico Baliton at Shiela Calatraba. Naging kaagapay rin ang mga public health nurses na sina Fe Tan, Amihan Bondad, Emelita Gutierrez, at Lourdes Paladio, Pharmacist Janice Aningalan, Sanitary Inspectors Divinia Paulino at Angela Almario, Driver Filoteo Cosico at Casual Employees Rosalie Lasig, Jeffrey Cornista, Randy Calderon, Walter Sitia at Edna Maula. (CIO-SPC)

No comments: