San Pablo City - Ipagdiriwang ng Lunsod na ito ang ika-69 taong pagkakatatag sa Mayo 7 na katatampukan ng Grand Santacruzan at parangal sa mga mapipiling Outstanding San PableƱos na taon-taong ginagawa sa pag-gunita ng City Charter Day.
Magsisimula ang isang linggong selebrasyon sa pamamagitan ng mini-olympics sa Central School ground at Pamana Hall, susundan ng Battle of the Bands sa Mayo 4 sa Liwasang bayan at katuwaang Ms. Gay Contest sa Mayo 5.
Ayon kay City Administrator Loreto “Amben” Amante ay gaganapin ang Grand Santakruzan sa Mayo 6 na lalahukan ng Mutya ng San Pablo Jennifer Plerido na kasalukuyang reigning queen ng lalawigan sa kanyang pagkakapagwagi bilang Ms. Anilag ng Laguna.
Kasali rin dito ang Bb. San Pablo, Ms. Cocofest 2009 at iba pang nag-gagandahang dilag ng lunsod.
Samantala ay pinananabikan na ng mga residente ang mga mapipiling natatanging anak ng lunsod na pararangalan ngayong taon.
Ang award na ito ay iginagawad sa mga taal na tagarito na nangag-tagumpay sa kani-kanilang larangan, nakapagtala ng pambihirang kontribusyon sa sangkatauhan at nakapag-handog karangalan sa bayang kanilang sinilangang na tunay na maipagkakapuri at natatangi.(SANDY BELARMINO)
Tuesday, April 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment