San Pablo City - Kinilala at pinarangalan ng Philippine General Hospital (PGH) at ng University of the Philippines-Manila (UP) ang malawak at matagumpay na indigency program ng lunsod na ito sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Vicente B. Amante.
Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-101 taon ng pagkakatatag ng PGH-UP Manila noong nakaraang Agosto 13 ay ipinagkaloob ni PGH Director Carmelo A. Alfiler, MD at UP Manila Chancellor Dr. Ramon L. Arcadio ang sertipiko ng pagkilala sa Lunsod ng San Pablo at sa pamunuan ni Mayor Vicente B. Amante dahil sa walang humpay na pag-alalay at pagtulong sa pamunuan ng naturang ospital upang higit na mapaglingkuran ang mga maralitang pasyente.
“The Philippine General Hospital and the University of the Philippines Manila awards this Certification of Appreciation to SAN PABLO CITY for extending invaluable support to charity patients of the Philippine General Hospital for 2007-2008” pahayag ng mga taga PGH-UP Manila sa Lunsod ng San Pablo.
Lubhang ikinasiya ni Mayor Vicente B. Amante at ng kanyang mga tauhan sa Indigency Office ang ginawang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang gawain sapagkat ayon sa butihing mayor ay: “magsisilbi itong inspirasyon upang higit pa nating maipadama at maipakita sa mga kababayan ang busilak na pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila lalo na sa gitna ng kagipitan at pagkakasakit. Iisa ang aking laging binabanggit sa aking mga kababayan – Your Health is my concern,” pagtatapos ni Amante. (Jonathan Aningalan/Ito Bigueras-CIO)
Saturday, September 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment