Thursday, May 21, 2009

DISPLAY PHILIPPINE FLAG - AMANTE

City Administrator Loreto S. Amante announces last Monday morning that the celebration of the 111th Independence Day on June 12 will officially starts on Thursday, May 28 which is being commemorated as National Flag Days.

The Flag and Heraldic Code of the Philippines, also known as Republic Act No. 8491, states that every year, from May 28 (National Flag Day), to June 12 (Independence Day), all offices, agencies, and instrumentalities of government, business establishments, schools and private homes are enjoined to display the Philippine flag throughout this period.

This is to give respect and reverence to our symbol of national sovereignty and solidarity. The Philippine flag is the embodiment of all our country’s ideals, culture and tradition Amben Amante said.

RA 8491 also mandates that the national flag should be permanently displayed or hoisted, day and night, all year round, in front of important buildings such as the Malacañang Palace, the Congress of the Philippines building, Supreme Court Building, Rizal Monument, Aguinaldo Shrine, Barasoain Shrine, Tomb of Unknown Soldiers, Libingan ng mga Bayani, Mausoleo de los Beteranos dela Revolucion and in all international ports of entry. And young Amante reminded the public that the national flag can be displayed inside or outside a building or be raised on flagpoles. If the flag is displayed indoors, it should be to the left of the observer as one enters the room. If outside, the flagpole should be stationed in a prominent place or in a commanding position.

As a national symbol, the Philippine flag can also be flown from a staff projecting upwards from the windowsill, canopy, balcony or facade of a building or in a suspended position from a rope extending from the building to a pole outside. It can also be displayed flat against the wall vertically, with the sun and the stars on top. The flag can also be hung in a vertical position across a street, with the blue pointing east, if the road is heading south or north, or pointing north if the road is heading east or west. (7LPC/Ruben E. Taningco)

Wednesday, May 20, 2009

PRIDE OF SAN NICOLAS, MOST OUTSTANDING SAN PABLEÑO

Masayang tinanggap ni Electrical Engineer Maximo Enriquez Daquil (dulong kaliwa) ng Brgy. San Nicolas ang Plake ng Pagkilala bilang Most Outstanding San Pableño mula kay Mayor Vicente B. Amante (ikalawa mula sa kaliwa). Ginanap ang pag-gagawad ng karangalan kay Engr. Daquil noong nakaraang Mayo 7 kaalinsabay ng pagdiriwang ng 69th Foundation Day ng Lunsod ng San Pablo. Kasama rin sa larawan sina dating Vice-Mayor Palermo Bañagale (ikalawa mula sa kanan) at City Administrator Loreto “Amben” Amante. (Seven Lakes Press Corps/Sandy Belarmino)

NAMUMUKOD TANGING SAN PABLEÑOS

Nasa larawan ang nahirang na mga Namumukod Tanging San Pableños 2009 (Most Outstanding San Pableños 2009) na sina (L-R) Mr. Joselito O. Follosco, Ramon Go Bun Yong, Atty. Antonio E. Lacsam, Mayor Vicente B. Amante, Mrs. Perla D. Escaba, Dr. Lilia T. Reyes, Mr. Palermo A. Bañagale (Chairman-Search and Award Committee), Engr. Bernardo C. Adriano, Jr., Mr. Rodrigo B. Supeña, Mr. Blairwin Angelo M. Ortega, Engr. Maximo E. Daquil, Dr. Alexander C. Cortez, Mr. Rodrigo “Jiggy” D. Manicad, Jr., at City Adminstrator Loreto “Amben” S. Amante. Ginanap ang programa noong nakaraang Mayo 7 sa Function Hall ng Palmeras Garden Restaurant kaalinsabay ng pagdiriwang ng 69th Foundation Day ng Lunsod ng San Pablo. (SANDY BELARMINO-7LPC)

PAANO KA NA PINOY?

Ang mga araw na pag-ulan na sinamahan pa ng ilang ulit na pag-bagyo ay palatandaan na pumapasok na tayo sa panahon ng tag-ulan, na ibig sabihin ay pagwawakas ng pagsasaya ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng bakasyon.

Mayroon din itong mensahe sa bawat magulang sapagkat magsisimula na rin ang enrollment sa mga paaralan at ang pangyayaring ito ay may kaakibat na gastos.

Wala sanang problema dito ngunit sa maraming mga magulang ay masasabing napakalaking suliranin ng mga bagay na ito. Isaalang-alang natin ang kararampot na sweldong hindi naman tumataas subalit ang tuition sa mga paaralan ay parang hindi ma-kontrol ng mga otoridad sa pakikipagsabayan sa pagtaas sa mga pangunahing bilihin.

Paano pa kaya ang bigat na nararamdaman ng ilan nating mga kababayang natanggal sa trabaho dahilan sa pagbulusok ng ating ekonomiya. Ramdam na ramdam ng pitak na ito ang kanilang paghihimutok sa pagtingin sa kawalan.

Ang ilan pa sa kanila’y hindi pa nakakabangon sa pagkaka-utang nang nakaraang school year at ito na naman ang eksena sa maraming pamilya. Tangan ang kakarampot na perang kahit paulit-ulit na bilangin ay sadyang kulang.

Ito ang kabuuang larawan na nakikita ng mga magulang sa ngayon. Hindi alam kung paano pagkakasyahin ang tangang budget na kung pakasusuriin ay maaaring galing sa paluwal ng mga nakakaunawang kamag-anak. Sa tuition at miscellaneous ay kulang na, paano pa kaya kapag isinama dito ang tuition increase, ang uniporme, mga libro, bayarin sa mga projects at allowance o baon sa araw-araw?!

Paano pa ang mga kulang palad na magpahanggang ngayon ay wala pang hawak kahit isang kusing? Maikli na lang ang panahong nalalabi para umabot ang sukdol ng enrollment. Hindi na rin makalapit sa mga dating kanilang inuutangan sapagkat sila man ay gipit din.

Ngunit iba sa lahat ang Pinoy. Hindi tayo madaling mawalan ng pag-asa. Gagawa at gagawa tayo ng paraan kahit na manikluhod sa namamahala ng paaralan, makasiguro lang na mapapatala ang anak para sa napipintong pagbubukas ng klase.

Subalit sa mga hindi papalaring makaamot ng unawa ay iisa ang ibig nitong sabihin – mabibilang ang kanyang anak sa lumalagong bilang ng out-of-school youth sa kasalukuyan! Kung magkakaganon, paano ka na Pinoy? (SANDY BELARMINO)

Friday, May 15, 2009

SANTINO, magdu-doktor din! - Matapos ang kursong Nursing sa Perpetual Help College of Manila ay sa darating na pasukan ay isa nang Incoming First Year Medicine student sa San Beda College of Medicine si Mikhail Santino Gamo-Quiambao. Si Santino ay anak nina Dra. Lourdes Gamo Quiambao at Dr. Ed Quiambao ng San Pablo City Health Office. (sandy belarmino)

Sunday, May 10, 2009

DRAFT BENBONG FELISMINO MOVEMENT

May mga kadahilanang magka-minsan ay nakasasagabal sa naisin ng isang nilalang gaano man ito kadalisay kung kaya’t ang ating pag-usad ay nananatiling mabagal, gaano man kasidhi ang ating pagnanais makahulagpos sa kinalalagyan.

Dito nabibilang ang mga tao sa ating paligid na sa kabila ng pagiging kwalipikado sa alin mang tungkulin ay nag-aalinlangang tumuklas ng panibagong larangan sa kung saan siya’y isang kakulangan lalo na sa pangangailangan ng bayan. Subalit mas madalas na tulad sa likido’y kaganapan na ang naghahanap ng kaparaanan.

Naging saksi ang marami sa atin na dahil sa hinihingi ng pagkakataon ay naging pangulo ng bansa ang isang karaniwang ina at balo ng napaslang na Senador Ninoy Aquino, na sa hinagap ay hindi pinangarap ni dating Pangulong Cory Aquino. Kinailangan niyang tumayo alang-alang sa pagkakaisa laban sa diktaturya.

Sinundan pa ito ng hindi mabilang na paghimok sa mga pribadong indibidwal upang maglingkod sa pamahalaan, na siyang nagpuno sa kakulangan ng gobyerno.

Hindi nga ba’t kinakailangan pa ng kilusang ADOPT SAGUISAG upang siya’y kumandidatong senador sapagkat siya mismo ay ayaw lumahok sa pulitika? Nakatulong ito ng malaki sapagkat dahilan sa tibay ng kanyang paninindigan ay naisulong ang NO NUKE policy. Tuluyan ring tumatag ang soberensya ng bansa sa pagkawala ng US bases.

Kung wala ang kaparehong kilusan, marahil ay walang Mayor Robledo ang Naga City, mananatili ang political dynasty sa Isabela sapagkat mawawalan ng lakas ng loob ang isang Gob. Padaca at walang Gob. Panlillo na magmumulat ng kabutihan at katotohanan sa Pampanga.

Ang mga nasabing kadahilanan ang naging matibay na batayan ng pitak na ito upang ilunsad ang DRAFT BENBONG FELISMINO MOVEMENT, sapagkat nakita nating lahat ang kakulangan ng Sangguniang Panlunsod (SP) ng mga magigiting na babae at lalakeng tatayo para sa ikabubuti ng sambayanang San Pableño.

Nagiging kaduda-duda na ang performance ng ating Sangguniang Panlunsod sapagkat magpahanggang sa ngayon ay hindi pa napagtitibay ang ating annual budget, at lahat ng palatandaan ay nandoon na upang sila’y mapalitan ng mga baguhang uugit sa sanggunian. Kasama ng indikasyong ito, ay paniniwalang karapat-dapat si San Cristobal Brgy. Chairman BENBONG FELISMINO na maluklok sa konseho ng Lunsod.

Bagama’t may kakayanan at kahandaang maglingkod sa SP si Chairman Benbong ay may kinakaharap siyang kakaibang suliranin. Ayaw siyang payagan ng kanyang mga magulang at pamilya na magbago ng larangan at mahigpit ang yakap ng kanyang mga kabarangay upang huwag silang iwanan sapagkat sa kanyang panunungkulan nakamit ng barangay ang ganap na pagkakaisa.

Ang tanong marahil ay paano naman ang samo ng sambayanang San Pableño, na nakikiusap na paglingkuran ni City Councilor-to-be Benbong?! Sa ngayo’y lumalawak na ang panawagan, katunaya’y lumalaganap na ang DRAFT BENBONG FELISMINO MOVEMENT!!! (Sandy Belarmino)

TATLONG PINAG-ISANG PROYEKTO SA STA. FILOMENA

Tiniyak nina Alkalde Vicente B. Amante at City Administrator Loreto “:Amben” S. Amante ang kanilang pagdalo sa nakatakdang pagbabasbas at pagpapasinaya sa tatlong proyektong naipatupad ng Sangguniang Barangay ng Sta. Filomena sa darating na Sabado ng hapon, Mayo 16, 2009.

Tinatawag ni Punong Barangay Jimmy A. de Mesa na “3-in-1 Project”, ang naipatapos na paggawain sa pagtutulungan ng Pangasiwaang Lunsod at Pangasiwaang Pambarangay ay ang isang Basketball Covered Court, 2-Storey Schoolbuilding para sa bubuksang Santa Filomena Annex ng San Pablo City National High School, at pagpapalaki sa dating Barangay Hall sa pamamagitan ng paglalagay ng extension.

Malaki rin ang naitulong ng Parents Teachers Association sa Santa Filomena Elementary School upang maisulong ang pagpapatayo ng mga impraistraktura na natitiyak na magiging malaking tulong sa kaunlaran ng barangay.

Halimbawa ayon kay Punong Barangay Jimmy de Mesa, ang covered court ay magiging sentro ng mga gawain ng senior citizens association at sangguniang kabataan, tulad ballroom dancing para sa ikasisigla ng kanilang katawan at isip; dako para sa pagsasagawa ng mga community assembly at iba pang mga papulong na pambayan; angkop na lugar para sa pagsasagawa ng mga medical and dental mission. Ang proposed high school annex ay sa kapakinabangan din ng mga kabataan sa mga kanugnong na Barangay San Crispin, at San Juan.

Isang pangangailangan na palakihin ang barangay hall upang matugunan ang pangangailangan para sa office space para sa pagpapatupad ng Gender and Development Program at ng Women and Children Welfare Act sa pakikipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office, at maging sa mga skill development program para sa kabataan para sila ay mapagkalooban ng mga kasanayan panghanapbuhay, palaiwanag pa ni Chairman de Mesa. (Sandy Belarmino)