Friday, November 19, 2010

WORLD WITHOUT SCIENCE

Nagpapasalamat po ang may akda sa napakalaking pagpapahalaga na iginawad ng Department of Science and Technology (DOST) bilang runner-up awardee ng Golden Tambuli na kanilang ibinibigay sa mga nakikiisa’t nagbabalita ng mga adbokasiya at proyekto ng nasabing tanggapan.

Nais ko pong ipabatid sa DOST ang walang hanggang pagdakila sa kanilang tanggapan sapagka’t sa isang bahagi ng sulok ay nandoon sila na walang sawang nagsasaliksik upang humanap ng paraang maibsan ang kahirapan sa Pilipinas sa pamamagitan ng siyensya.

Ang DOST po ay tanggapang binibigyan ng mandato ng ating pamahalaan na mangasiwa o manguna sa pagpapalaganap ng siyensya at teknolohiya sa buong bansa, na tahimik ngunit episyente naman nilang tinutupad.

Wala nga halos nakapupuna sa tanggapang ito, ni hindi masyadong pinag-uusapan outside the science community, maliit ang budget at hindi kasing bongga ng iba pang kagawaran ng gobyerno na ang mga kalihim at director ay mga sikat na personalidad. Ang mga nasa likod ng DOST ay hindi sikat…may mga utak lang!

Sa kabila ng limitasyon sa budget ay hindi lamang technical assistance ang naibibigay na alalay ng DOST sa mga bagong tuklas na produkto, nakapagpapautang din sila ng tulong pinansyal na magagamit na puhunan sa pagsisimula lalo’t higit ay may nakikitang malaking pangako ang tanggapan sa nasabing negosyo.

Dahil dito ay napapanahon na marahil na mag-isip ang Executive Department na bigyan ng malaking budget ang DOST nang sa ganoon ay higit na mapalaganap ang kahalagahan ng teknolohiya sa pang-araw araw nating pamumuhay at maipabatid sa lahat na we cannot live without science.

We need it to cope with the ever changing world of Science and Technology, for what all that taste sweet is safe to eat and what all that taste bitter is not edible. We can only imagine a world without Science.(SANDY BELARMINO)

No comments: